"SINASAGOT na kita." Iyon ang sinabi ni Rachel kay Eldritch nang makipagkita ito sa kanya pagkagaling niya sa art gallery. He actually didn't know what to say nor do. Paano ay napaliligiran sila ng church members na tumulong kay Rachel na surpresahin siya. Rachel hugged him. Wala siyang nagawa kun'di ang yakapin ito pabalik. Naghiyawan naman ang mga kasamahan nila sa simbahan. Ang iba ay binibiro pa sila na kasal na ang sunod nilang pag-uusapan. Mahinang tumawa si Rachel. "Bigyan n'yo naman kami ng ilang panahon para mapaghandaan ang bagay na 'yan. Mahirap ang buhay ngayon." "God will provide, Rachel," sagot naman ng kasamahan nila sa simbahan. Napalunok si Eldritch. Hindi na lamang siya nagkumento dahil sa totoo lang ay hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya sa mga sandaling

