RACHEL giggled while on a videocall with Eldritch's parents. Nasa cafeteria sila para kumain ng lunch nang tumawag ang kanyang ama. His father is fond of Rachel. Wife material umano si Rachel at submissive kaya panay na ang udyok ng kanyang ama na yayain na ito ng kasal. Sometimes he feels bad because even Rachel is already hinting that she's ready to settle down. Gaya kasi niya ay pini-pressure na rin ito ng mga magulang nito. "Bye po, Tito. See you soon po," ani Rachel nang magpaalam na ang mga magulang niya. Pagkababa ng tawag ay tumingin sa kanya si Rachel. "Hindi mo man lang kinausap sila tito, hon." He sighed. "I did. Sinagot ko naman ang mga tanong nila." "Oo pero parang ayaw mo silang kausap base sa kung paano ka nag-respond lalo na kay Tito." Ibinaba niya ang kanyang tingin

