ELDRITCH mindlessly stared at the blueprint of the new project he was working on. Kanina pa dapat niya iyon nailigpit nang maasikaso na niya ang iba pang kailangang pagtuunan niya ng pansin, ngunit heto siya't tulala pa rin at hindi magawang mag-focus sa ginagawa. "Rejected na naman?" Napabaling si Eldritch sa dalawang kasamahang arkitekto nang marinig niya ang tanong ng isa sa mga ito. Kagagaling lamang noong isa pa sa opisina ni Kali, at base sa ekspresyong nakapinta sa mukha nito ay alam niya nang hindi maganda ang naging pag-uusap nito at ni Kali. "Oo, pre. Grabe, pangatlo na 'to. Tuyot na utak ko," anang kasamahan niya sa kausap nito. "Hindi naman basta nagre-reject si Sir noon. Ano'ng nangyari do'n?" Eldritch sighed. It's been a month since Kali returned to DCN. At halatang hind

