"ELDRITCH," tawag ni Engr. Julian kay Eldritch habang nasa site sila kung saan itatayo ang venue ng birthday party ng pamangkin niyang si Noa.
Hinubad niya ang kanyang safety hat at sinuklay ang kanyang buhok habang papalapit sa kapwa inhinyero.
"Yes?"
Engr. Julian removed his safety hat, too. "There's someone looking for you."
Bahagyang nagsalubong ang kanyang mga kilay. "Sino?"
Itinuro ni Engr. Julian ang nakaparadang puting Ford Explorer malapit sa kanilang company van. "Barren daw."
"Si Barren?" Lalong nalukot ang kanyang noo.
As if Barren noticed that he was looking at his car, Barren rolled his window down and waved in a manly way. May munting ngiti rin ito sa mga labi habang nakatingin sa kanya.
Eldritch jerked his head. Tinapik niya sa balikat si Engr. Julian bago siya naglakad palapit sa sasakyan ni Barren.
Lumabas ito ng kotse na may dalang paperbag. Barren leaned on his car while watching Eldritch walk towards him. Nang marating niya ito ay matamis na ngumiti.
"I made you lunch," said Barren.
Nahihiya niyang tinanggap ang paperbag. "Nag-abala ka pa. May baon naman ako sa office."
"You said you'd spend the entire noon here. You're gonna miss your lunch."
Ngumiti na lamang si Eldritch saka nagpasalamat. He could sense that Barren is interested in him. Madalas itong mag-chat sa kanya. Tila hindi natatakot na gumawa ng hakbang upang makuha ang loob niya.
"Also . . ." Barren walked towards the backseat to open the door. "I brought lunch for your entire team."
Napakamot ng ulo si Eldritch. "Gumastos ka pa."
Barren scoffed. "Come on, E." He smiled in a sweet way. "This is my . . . love language. Please, don't turn it down?"
He sighed. Ayaw niya naman itong madismaya at isiping hindi niya naa-appreciate ang efforts nito.
"Thank you." Nilingon niya ang kanyang team. "Why don't you join our team lunch then?"
"Am I allowed to do that?" tanong ni Barren saka nito pinasadahan ng tingin ang kanyang mga kasama. "Wala bang . . . magseselos?"
Nahihiya siyang ngumiti. "Mukha bang may papatol sa'kin?"
Barren looked at him with so much admiration. "You're so much more than how you view yourself, Eldritch." He sighed. "God, if only I could lend you my eyes."
Napalunok siya nang makaramdam ng pag-init ng kanyang pisngi. Hindi niya rin ito magawang titigan sa mga mata sa takot na mapansin ni Barren ang epekto ng sinabi nito sa kanya.
He flashed an awkward smile at Barren. "T-Tara? May tent kami ro'n na may mga mesa."
Ngumiti ito saka na kinuha ang ibang paper bag na naglalaman ng pagkaing para sa mga kasamahan niya.
"Guys, nagdala si Barren ng pagkain. Come on. Let's have a team lunch," tawag niya sa mga kasamahan.
Kaagad na nagsilapit ang mga ito. Tila excited sa pagkaing idinala ni Barren para sa kanilang lahat.
Meanwhile, Barren rolled up his sleeves and assisted everyone. Panay naman ang pasalamat ng mga kasamahan ni Eldritch. Pinuri rin ito nang matikman na ang pagkain. Inasar pa ito dahil hanggang sa paper plate at spork ay kumpleto raw ito.
Barren grinned. "I just brought utensils in case it's needed."
"Ganyan dapat." Sumubo ang pinakakwela sa kanilang team. "Boy scout. Laging handa. Penge pa nga ako no'ng fish fillet."
Natatawa na lamang na iniabot ni Barren ang lagayan ng fish fillet. He seems happy to feed the entire team regardless of how much he had to spend. Mukhang tama nga ito. This is one of his love languages. Parang . . . si Kali?
"Uy, si Boss!" dinig nilang sabi ng kanilang foreman nang matanaw nito ang sasakyan ni Kali.
Awtomatikong tumingin ang lahat sa bagong dating na si Kali. Kinawayan pa ito ng mga trabahador saka ito tinawag na kumain.
Kali walked the length towards their tent. There was a small smile plastered on his handsome face while staring at Eldritch. Maya-maya ay nakita nitong tinabihan siya ni Barren saka siya nito nilagyan ng cordon bleu sa kanyang plato. As if Barren's action irritated him, Kali's expression shifted and his steps became a bit bigger. Tila nais na marating kaagad ang kanilang pwesto.
Eldritch swallowed the food in his mouth. "Kain tayo. Nagdala si Barren ng pagkain para sa lahat."
Kali sighed. Tinanguan nito si Barren kahit na halata sa mukha nito ang inis. "Bayaran ko 'to lahat, bro."
Umiling si Barren. "You don't have to. Para kay Eldritch 'to."
Halatang gusto pang magprotesta ni Kali nang maagaw ni Engr. Julian ang atensyon nito. Kali engaged in a conversation with Engr. Julian but Eldritch noticed that he still keeps on throwing glances at him and Barren.
"Ang sarap talaga. Pwede nang mag-asawa, ah?" biro ng pinakamatanda sa kanilang team.
Barren shyly grinned. Maya-maya ay napasulyap ito sa kanya. "Ready na ko to settle down. Ewan ko lang 'yong type ko kung ready na."
Kali suddenly cleared his throat. "E? Anong niluto mong dinner natin?"
Natahimik ang buong team. Bigla tuloy nakaramdam ng kaba si Eldritch dahil tila ba natutok sa kanila ang atensyon ng lahat. Even Barren paused from drinking his bottled water. Ang tingin ay nasa kanya rin.
Tumikhim si Eldritch. "Sisig. Dinamihan ko ng tofu gaya ng gusto mo."
Kali flashed a smirk. "I'll skip lunch then. Gusto kong kumain nang marami mamaya."
Barren put his water bottle down. "Nagluluto ka rin pala, Eldritch? Magkakasundo yata tayo sa kusina. That could be a great bonding for us."
Eldritch flashed an innocent smile. "Oo. Natuto at panganay. Isa pa ay nakaka-relax ang pagluluto."
"That's true. My mind becomes silent whenever I'm in the kitchen." Barren smiled. "Why don't you come over at my place on Sunday? Maybe I can teach you new recipes. Ano ba ang hilig mong iluto?"
"Just some Filipino dishes. Hindi ako maalam sa ibang pagkain," kaswal niyang sagot bago sumubo ng pagkain. Halos hindi na nga niya napapansin ang matalim na titig ni Kali sa kanila ni Barren.
"Specialty ko ang Asian foods pero alam mo ba? Filipino foods ang pinakamahirap alamin kung ano ang origin? Para kasing ang daming country or cuisine na nag-contribute sa pagkakabuo ng Filipino cuisine."
"Really? Akala ko noon Spanish cuisine ang pinanggalingan ng mga pagkaing pinoy."
Umiling si Barren. "Not all. Come over on Sunday. I'll show you my books about it. Sobrang baliw ako sa idea ng Filipino cuisine. We could talk about it while cooking together."
Akmang papayag na siya nang pekeng umubo si Kali. "E? Sunday schedule nating mag-sky diving, right?"
Napakunot ng noo si Eldritch. Sky diving? May usapan ba silang ganoon? Bakit parang wala siyang matandaan?
Kali gave him a warning look. Napalunok na lamang tuloy siya saka alanganing tumingin kay Barren. "Uh, s-sayang. May uhm . . . usapan na kami ni Sir."
"It's fine. Maybe I can just pick you up at work tomorrow night." Nginitian siya ni Barren. "We can cook together and watch some new Netflix shows in my condo."
Nahihiyang tumango si Eldritch. Maya-maya ay nakarinig sila ng halakhakan mula sa mga kasamahan niya. Next thing he knew, everyone was already teasing them as if the whole team supports them should they decide to date each other.
Namumula siyang tumingin sa mga kasamahan niya. "Para kayong mga sira. Magkaibigan kami ni Barren. Huwag n'yong bigyan ng malisya."
"Yeah, they're just friends so knock it off. You're making them uncomfortable. Friends lang sila. No more, no less," asik ni Kali bago siya inirapan. "Friends lang," he murmured before he stormed out of the tent and back to his car.
Napakurap na lamang si Eldritch. Why the hell did Kali seem . . . jealous?