KANINA pa panay ang pagbuntonghininga ni Eldritch. Paano ay hindi pa rin naaalis sa isipan niya ang nangyari sa site. Ayaw naman niyang mag-assume ng kahit na ano kaya lang ay nakapagtataka talaga ang naging kilos ni Kali kanina.
His phone rang. Dinampot niya iyon sa kanyang desk at tiningnan kung sino ang tumatawag. Nang mapagtantong ang daddy niya iyon ay muli na namang bumagsak ang mga balikat niya.
"Uwi ka na, Engineer?" tanong ng kasamahan niya. Dalawa na lamang kasi silang natira sa opisina dahil nag-out na ang iba.
Umiling siya. "Hindi pa. Sasagutin ko lang 'to at magpapahangin sa roof top."
Tumango ito. "Uwi na ko after five minutes," bilin nito.
"Sige. Iwan mo na lang 'yong revised plan sa desk ko kung hindi ako makabalik kaagad," sagot niya saka na umalis ng opisina.
He informed his dad that he's going to call once he gets to the roof top. Pagkarating doon ay sumandal siya sa ledge saka tinawagan ang numero nito.
"Dad, kumusta po?" bungad niya.
"Eldritch, anak. Eto, namomroblema at kulang iyong budget na huli mong pinadala. Baka naman pwede mong dagdagan ang ipadadala mo bukas. Mag-isa mo lang naman diyan. Sarili mo lang ang binubuhay mo. Masyadong malaki ang itinitira mo sa sarili mo."
Napapikit na lamang si Eldritch dahil sa mga salitang narinig. Bakit ganoon? Hindi ba naiisip ng daddy niya na hindi naman madali ang mamuhay sa syudad? Oo, malaki ang pasahod ng kumpanya nila kumpara sa iba pero gusto rin naman niyang magtabi para sa sarili niyang kinabukasan.
Halos wala na nga siyang itira para sa mga bagay na gusto niyang bilihin. Nagbibigay rin naman si Elona sa mga ito, hindi ba? Kung tutuusin ay sobra-sobra na ang naipadadala nilang magkapatid kung pagsasamahin iyon.
"Eldritch? Nandiyan ka pa ba, anak?"
Nilunok niya ang namuong bara sa kanyang lalamunan. "Uh, y-yes, Dad." Hinimas niya ang kanyang batok habang nakayuko. "Ano kasi, Dad. Malaki rin kasi ang gastusin ko."
Bumuntonghininga ito. "Hindi mo ba kayang magtipid, Eldritch? Paano na lang kung magkaroon ka na ng pamilya? Dapat ay marunong kang maghigpit ng sinturon."
He shut his eyes as his chest tightened. Siya pa itong nakwestyon kung marunong ba siyang magtipid samantalang halos hanggang balikat niya ay iniaabot na niya kada araw ng sahod.
As much as he wanted to speak up, kilala niya ang kanyang ama. Mauuwi lamang sa away kung susubukan niya pa itong paliwanagan.
"Sige ho, Dad. Dadagdagan ko ho ang ipapadala ko bukas."
"Mabuti naman, anak. Oo nga pala. Nagkausap kami ng kumpare ko kahapon. Nabanggit niyang ikakasal na ang bunso niya sa susunod na buwan. Eh, tinatanong ako kung kailan daw ba mag-aasawa ang panganay ko. Wala ka pa rin bang nobya? Nagkakaedad ka na."
Napalunok siya. Paano siya mag-aasawa kung lalake ang gusto ng puso niya?
"Uhm, w-wala pa kasing . . . natipuhan, Dad."
Umismid ito. "May mga bago tayong myembro sa parokya. Sa susunod na magbabaksyon ka rito ay ipakikilala ko sa iyo ang isa sa mga anak ni Sister Violeta. Napakagandang bata no'ng si Arceli. Guro at mahinhin. Marami ang nagsasabing bagay na bagay kayo."
His dad continued on telling him to settle down next year. Ayaw niya sanang patulan ang sinasabi nito kung hindi lamang ito nagbitiw ng mga salitang nakakunsensya sa kanya.
"Eldritch, bastardo ang anak ng bunso mong kapatid. Nagbigay na ng kahihiyan sa atin si Eloisa. Sana naman bilang panganay ay maipakita mong magandang ehemplo ang pamilya natin. Magpakasal ka at bumuo ng pamilya dahil iyon ang isa sa responsibilidad mo bilang isang lalake."
Isang tunay na lalake. Panganay. Does he really have a choice?
Para bang pagkapanganak pa lang sa kanya ay mayroon nang responsibilidad na naiatang sa mga balikat niya. It's not just about providing for his parents. Pati na rin ang pagpapakitang mabuti silang ehemplo bilang pamilya.
Napasara ng mga mata si Eldritch. Eloisa got pregnant on a one-night-stand. Elona works at a club as an exotic dancer. He's gay. Baka maatake sa puso ang tatay nila oras na malaman nitong bawat isa sa kanilang magkakapatid ay magdadala ng dungis sa kanilang pamilya.
Eldritch breathed in a sharp breath. Siya na lamang ang maaaring gumawa ng bagay na pwedeng magsalba sa reputasyon ng pamilya nila . . .
Ibinukas niya ang kanyang mga mata nang marinig niya ang ingay na ginawa ng pintuang patungo sa fire exit. Nang mapagtanto kung sino ang taong lumabas roon at ngayon ay patungo na sa kanyang direksyon ay nakaramdam siya ng kirot sa dibdib.
Someday, he's going to need to marry someone from the opposite s*x, regardless of how much Kali is showing acceptance to his sexuality. Wala talaga siyang karapatang magbigay ng kahulugan sa naging asta ni Kali kanina sa site dahil kahit na mayroon nga iyong ibig sabihin, hindi rin naman niya maaaring sunggaban ang oportunidad kasi pareho lamang silang masasaktan sa huli oras na magdesisyon na siyang magpakasal sa babae.
"Eldritch?" tawag ng kanyang ama noong mapatagal ang pananahimik niya.
Umiwas siya ng tingin kay Kali saka siya humugot ng malalim na hininga. "Sorry, Dad. Ano nga po ulit 'yon?"
"Ang sabi ko ay huwag mong kalilimutang dagdagan ang ipadadala mo."
Nahimas na lamang niya ang kanyang batok. "Opo. Babawas na lang po ako sa budget ko para sa sarili ko."
Napansin niyang kumunot kaagad ang noo ni Kali nang marinig ang sinabi niya. Hindi naman ito nagsalita. Tila hinintay pa nitong maputol ang tawag nila ng daddy niya bago ito nagtanong.
"Magkano na lang ang itinitira mo sa sarili mo, babawasan mo pa, E?" salubong ang mga kilay nitong tanong.
Basag niya itong nginitian. "Gano'n talaga, Sir Kali. Panganay ako."
Umiling ito. "It is not any child's responsibility to carry the burdens caused by the poor choices made by their parents."
"Pero may edad na ang parents ko, Kali. Madaling sabihing hindi ko responsibilidad kasi may kaya ang pamilya mo. Kahit walang tulong ninyong magkapatid, kayang mabuhay ng mga magulang mo. You came from a wealthy family. You had a head start in life," hindi niya napigilang sabihin. Siguro ay dahil kay Kali niya naibunton ang frustration na naramdaman niya kanina sa tatay niya.
Kali's eyes softened. "Trust me, Eldritch. Kahit masunog ang lahat ng ari-arian at pera ng pamilya ko, my parents will never force us to feed them. You know why, hmm? Because they know their responsibilities as parents and they know how to be accountable about their choices. They could make mistakes that will lead us to losing everything, but they will never let us suffer the consequences because they love us so much they would never let us become collateral damages for their poor choices." Napalaki ito ng mga mata nang mapagtanto ang nasabi. "I'm . . . I'm sorry. I wasn't . . ." Naipikit nito ang mga mata. "f**k . . ."
Nalunok ni Eldritch ang namuong bara sa lalamunan niya. "Good for you, Sir. Sadly, we cannot choose our parents. Mine don't have the same principles your parents have, and I could never make them someone they are not just because I think I deserve better." Pinakawalan niya ang mabigat na hangin sa kanyang dibdib. "Una na ko, Sir. Sa'yo na lang ang iniwan kong pagkain sa break room."
Tuluyan niya itong tinalikuran. Hindi naman ito humabol na tila naramdaman nitong nagtampo siya. Ang sikip tuloy lalo ng kanyang dibdib lalo na noong sumakay siya ng elevator at natanaw niya itong nakatitig sa kanya ng may matinding lungkot sa mga mata.
Naihilamos na lamang ni Eldritch ang kanyang palad sa kanyang mukha. Mukhang dinaig pa niya ang nakipagtalo sa nobyo dahil sa naging sagutan nila