Kabanata 13

1498 Words
KALI couldn't focus on playing billiards with his cousins and friends. Nasa tahanan ng kanilang lolo at lola ang mga Egracia at Prieto. Kali is friends with most of them, ngunit pinakamalapit siya sa bunsong anak ng kanyang tito Halley . . . kahit pa dati niya itong naging karelasyon noong mga teenager pa lamang sila. Siniko siya ni Astra. "Your turn. Ball five." Inagaw niya ang tako. "I'm planning to learn how to cook. Last game ko na 'to," abiso niya matapos niyang mai-shoot ang bola. Tumaas ang kilay ni Astra. "Seriously, what's going on with you and Duncan?" "What about Duncan?" tanong niya habang tinatantya ang susunod na bolang patatamaan. "He's acting weird. Sabi ni tito Agrain madalas na hindi umuuwi ng La Trinidad. Ngayon lang din niya na-miss ang gathering ng mga pamilya natin." Astra leaned against the pool table. "Do you think he's into drugs?" "Huh?" Natawa si Kali. Pinitik niya rin ang noo nito dahil sa sinabi. "Drugs will be the last thing Duncan would ever try. Ni hindi mo nga mapagsigarilyo 'yon. Hanggang alak lang." "Just a guess." Nagkibit-balikat ito. "Or maybe he's into a different kind of drug." She smirked. "You know? Something that cannot be consumed physically but can f**k up your whole being?" Tinira ni Kali ang bola. "Whatever you're suggesting, labas na tayo ro'n. It's his business. Not ours." Astra rolled her eyes on him. "You're no fun these days." Inagaw nito ang tako. "Get us some beers instead." Pinalo nito ang puwet niya saka ito pumwesto para itira ang bolang hindi niya nai-shoot. Umiling-iling na lamang si Kali habang nakangisi. He went out of the play area through the glass door leading to the pool area where most of their family and friends were hanging out. Naabutan niya ang kanyang tito Konnar na nambuburaot ng bente. Halatang nai-stress na ito dahil aalis na raw ang tindero ng balut. "Wala bang nakaisip sa pamilyang 'to na mag-imbak ng tigbebente?" napipikon nang tanong ng kanilang tito Kreige. "Naisip mo pala, bakit hindi mo ginawa?" alaska ng tito Keios niya rito. Nakurot tuloy ito ng asawa. Their uncle Keeno groaned in frustration. He stood up and handed their uncle Konnar a blue bill. Bago pa man makapagreklamo ang kanilang tito Konnar ay nag-angat na ng hintuturo ang tito Keeno nila. "For heaven's sake, just give the poor man the entire money. I don't care if you're planning to buy two or three of what he's selling. Just give the damn money and get this over with. I am so done with this nonsense, kuya. Ilang taon mo nang pinasasakit ang ulo ko so please." His uncle shut his eyes and pressed his palms against each other as if he was begging. "Please, let's end my misery here." Umismid ang kanyang tito Konnar. "Daming sinabi, bente lang pinag-uusapan, eh." "Konnar Ducani!" Their tita Sadie shouted. "Leave your brother alone bago ko isungalngal sa bibig mo lahat ng pera sa bank accounts natin!" Kali shook his head when his uncle immediately searched for a way to escape his wife's wrath. Nagtawanan naman ang lahat. Tila ba sanay na rin sa mga kalokohan ng kanyang tito Konnar. Kahit naman siya ay sanay na. Mahilig talaga itong manghingi ng barya pero kapag nakabibili na ay bibigyan din naman nito ng tip ang tindero. There was a time when he saw his uncle Konnar handing five thousand pesos to an ice cream vendor. Nasa parke sila noon. Pinaupo pa nito ang tindero saka ito ang naglako. His uncle is crazy, but he wouldn't trade him for the world. "Kali," tawag ni Terro Egracia sa kanya. Inakbayan pa siya nito saka ito naghubad ng suot na aviator. "Sino sa tingin mo ang pinakamayaman mong kapamilya? I mean, pagdating sa personal net worth. Besides your grandma, of course. We all know Lolo Khalil doesn't keep his assets to himself." "Personal net worth ba?" He smirked. "Make a guess." "Your uncle Konnar for sure." Lumawak ang kanyang ngisi saka siya umiling. "He comes in third actually." "Sino ang pangalawa?" "My mom." Nalukot ang noo nito. "So who's the wealthiest Ducani?" "Make another guess. I'll give you a clue. Nasa mga pinsan ko." Terro's face lightened up. "Oh, I get it." He snapped his fingers. "Lisa." Nagpigil siya ng ngisi habang umiiling. "Nope but with Lis' future business ventures with her husband, maybe she would surpass mom's net worth." Terro groaned. "I hate this guessing game." Pinasadahan nito ng tingin ang mga Ducani. "It can't be Keegan nor Keeyan. They're both notorious on betting for me whenever Klaze has a race. Keison is one of highest paid players in the world but I don't think his net worth can surpass Lisa's. Could it be your brother?" He smirked. "Hindi rin." "Fine," Terro said in a breathy way. "I give up. Who is it?" He pointed his cousin who's busy wiping his wet dog's fur. "Him." Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Terro. "Khane?" Ibinalik nito ang tingin sa kanyang pinsan. "But all he does is spend all day in that boring garage!" Umiling-iling si Kali saka niya tinapik ang balikat ni Terro. "You know what people say, Terro. It's always the wealthiest who doesn't look like he has the most money." Iniwanan na niya si Terro upang kumuha ng beer para kay Astra. After bringing the beer to her, nagpaalam na rin siyang pupuntahan ang lola niya na nasa kusina kasama ang kanilang Mamita Ana at Mamita Vega. The three were giggling about something when Kali walked in. Napangiti naman siya dahil kahit may mga edad na ay talagang bakas ang ganda ng tatlo lalo na kung magsama-sama. "Are you guys talking about your crushes again?" biro niya sa tatlo na ikinatawa ng mga ito. His mamita Ana pinched his cheek. Nanggigigil na naman. "Are you hungry, Kali?" tanong ng kanyang mamita Vega. Umiling siya. "I uhm, I wanna learn how to cook kare-kare. I wanna bring someone dinner." Naging makahulugan ang tinginan ng tatlo bago inilahad ng kanyang lola ang palad nito. "Halika, apo. Ako mismo ang magtuturo sa'yo." KABADONG ipinarada ni Kali ang kanyang kotse sa tapat ng apartment ni Eldritch. Bukas ang ilaw kaya alam niyang naroroon ito. Hindi niya na kasi ito inabisuhang darating siya. Nahihiya rin siyang mag-chat dito dahil baka hindi siya patuluyin kung sakali. Eldritch had been ignoring him for the past couple days. Alam niyang malaki ang naging tampo nito sa kanya. Ewan ba niya. Sa lahat ng kaibigan niya ay tila si Eldritch ang pinakaayaw niyang nagagalit sa kanya at hindi pumapansin. Sumisikip ang dibdib niya kapag iniiwasan siya nito kaya heto siya ngayon at kabadong dinadampot ang pinaglagyan ng kare-kareng siya mismo ang nagluto. "Alright, Kali. Just say your sorry. You can do it," pagpapalakas niya ng loob sa sarili bago siya tuluyang lumabas ng kotse. His heart was pounding for a reason he couldn't decipher. Diretso ang lakad niya patungo sa pinto. He could hear the TV. Mukhang nanonood ito ngayon sa sala. Humugot siya ng hininga bago tuluyang kumatok. He saw a silhouette of a man stood up from the couch and headed to the door. Inayos niya ang kanyang tindig saka siya matipid na ngumiti nang marinig ang pagkaka-unlock ng pinto, ngunit nang tuluyan iyong bumukas ay kaagad ding napawi ang ngiti niya. "Barren?" salubong ang mga kilay niyang tanong. "Oh, hey!" Nilingon nito si Eldritch na nasa kusina at tila nagsasalin ng juice sa dalawang baso. "Nandito si Kali!" Nagkatinginan sila ni Eldritch ngunit umiwas din ito kaagad ng tingin na tila hindi siya nais makita. Bumagsak naman ang mga balikat ni Kali. Masama ang loob niyang ibinalik kay Barren ang kanyang tingin kahit na tila mayroong pumiga sa kanyang puso. "Nandito ka pala," he said in a low voice. Barren smiled. "Sarado ang resto so I came over so we can bond and . . . you know, get to know each other more." He swallowed the lump forming in his throat. "B-Busy pala kayo. U-Una na ko. Pakibigay na lang kay . . . kay Eldritch." He handed the paperbag to Barren. "Pasensya na sa abala." Tinawag pa siya ni Barren noong tumalikod siya rito ngunit dire-diretso na lamang na naglakad si Kali patungo sa kanyang sasakyan. Nang makapasok sa kotse ay kaagad niya rin iyong pinatakbo. Umaasang mawawala ang paninikip ng dibdib niya oras na makalayo siya sa lugar pero hindi. Instead, his chest felt even more heavy as he got farther and farther from Eldritch's flat. Kali breathed out heavily as he rubbed his aching chest. "Why the f**k are you hurting, Kali?" he asked to himself in a low, hurting tone. Hindi pa siguro niya kayang aminin sa sarili ngayon ang mga bagay-bagay ngunit isa lamang ang sigurado niya. Si Eldritch ang kaibigang hindi niya kayang makitang pumasok sa relasyon . . . kahit na siya naman ang dahilan kung bakit nasa buhay nito ngayon si Barren . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD