PAGKABABA pa lamang ng sasakyan ay halos malaglag na ang panga ni Eldritch. The large three-storey Scandinavian home was breath-taking. Kahit na madilim na ay kita ang ganda ng tahanan dahil sa nagkalat na pole lights at garden lights. There were several palm trees lining up on either side of the stone path leading to the main entrance, while the large wooden double door had two initials engraved in it.
D and H. Ducani and Herrera.
"Magandang gabi, Ser Kali!" bati ng may edad nang katiwala na siya ring nagbukas ng malaking gate para sa kanila.
Nakipagkamay rito si Kali. "Mang Jo! Long time no see. Grabe, pogi pa rin tayo, ah?"
Lumawak ang ngiti ng matandang lalake. "Sika met, Ser. Hindi ka pa rin nagbabago."
"Nagsasabi lang ng totoo, Mang Jo. Kailan ba ako nagsinungaling sa'yo?" Nakangisi siyang inakbayan ni Kali. "Si Eldritch ho pala."
Eldritch politely offered his hand for a shake. "Ay ni, magandang lalake rin ito, ah. Marami siguro itong chics sa Maynila. Nya, Ser Kali? Nataraki, ni."
Kali scoffed. "Sandamakmak ho, Mang Jo. Ayaw na nga akong tirahan?"
Mangani-ngani niyang sikuhin si Kali kaya lang ay kinindatan siya nito. Bigla tuloy siyang napaatras. Ano ba naman kasing kindat iyon! Samahan pa ng ngisi! Kahit sino naman yata ay titiklop kung ganoon kagwapo ang kikindat!
Tumawa si Mang Jo. "Ney! Paano 'yan, edi wala pala akong maliligawan sa Maynila kung sa inyong dalawa pa lang ubos na. Awanen, ah."
Eldritch slightly leaned to whisper on Kali's ear. "I didn't understand some of the words he's saying."
Kali leaned to whisper back to him. The tip of his nose slightly pressed on his cheek. "Konti lang din alam ko." Umayos ito ng tayo. "Mang Jo, maganda ba ang alon? Balak sana naming mag-surf tutal maliwanag naman ang buwan."
"Wen, Ser. May mga ilaw naman na sa tabing-dagat. Sakto kalilinis ko no'ng surf boards ninyo."
Ngumisi si Kali. "May gin ka sa'kin niyan, Mang Jo."
"Ay kayat ko dayta. Nasaan ba ang mga gamit ninyo, Ser nang maipasok ko na?"
Imbes na hayaan ang matandang lalake na ito lamang ang magbuhat ay tumulong sina Kali at Eldritch. Lalo tuloy namangha si Eldritch nang makapasok sila sa loob.
"Goodness. This place is definitely one of the bests I've ever seen. Sino ang architect nito?" he couldn't help but ask.
Kali smirked. "Ako."
Napakunot ng noo si Eldritch. "Ano ba talagang natapos mo?"
"Psychology, fine arts, architecture, and civil engineering." Ibinaba nito ang buhat na eco bag sa island counter ng kusina. "My brother took up law aside from his other bachelor's degrees. He's the smarter kid."
Napakamot ng ulo si Eldritch. "Hirap pa nga akong tapusin ang engineering. Kayong magkapatid, para lang kayong nangolekta ng jolens."
Natawa nang mahina si Kali. "We kind'a love studying."
"Importante ba sa pamilya n'yo ang kung anong matatapos niyo?"
Umiling ito. "Nope. Growth is more important to our family." Kumuha ito ng yelo sa ice maker saka naglagay sa dalawang baso. Maya-maya ay kumuha ito ng dalawang beer sa pinamili nila at ibinuhos iyon sa mga baso. "You're gonna love my family."
Ngumiti si Eldritch. "Sa pagtanggap n'yo palang kay Noa, bilib na ko, eh."
Itinulak nito ang isang baso palapit sa kanya. "Hindi lang naman si Noa ang kayang tanggapin ng pamilya ko." Nakipag-cheers ito. "Let's finish these and then let's go to the beach."
Tumango siya saka siya sumimsim sa kanyang baso. Kinuha na rin niya ang pagkakataon na nasa kusina sila para makapagluto siya ng pwede nilang kainin sa tabing-dagat.
"Namalengke rin pala si Mang Jo after ko sabihin na darating tayo. May iniihaw siyang malaking isda sa likod. Nagluto rin daw ng sugpo ang misis niya." Hinimas ni Kali ang tiyan nito. "Nagugutom ako but I wanna surf first."
"Tapusin ko lang 'to tapos tara na."
Kali nodded. "Sure."
Eldritch tried to focus on cooking some fries, ngunit sa sulok ng mata niya ay kita niyang nakatitig sa kanya si Kali. Tila ba pinagmamasdan siya nang tahimik.
Somehow, Eldritch didn't feel uneasy. It was, in fact, comforting to know that someone could look at him without expecting him to be anyone or anything other than himself. Tila ba kahit na anong bersyon pa niya ang ipakita niya kay Kali ay tanggap siya nito.
He was about to take the fries out of the oil when his phone rang. Na-distract siya't tumama ang braso sa pinaglulutuan.
Tila ba nataranta si Kali. Mabilis itong lumapit sa kanya at hinawakan ang kanyang braso upang tingnan kung napaano ang braso niya. Hindi naman siya umaray nang malakas ngunit tila masyado itong nakabantay kaya nakita nito kaagad ang nangyari.
Kali's worried expression melted his heart. Napatitig tuloy siya rito nang hindi niya sinasadya. Look at that wrinkled forehead and pursed lips? May igagwapo pa kaya ang lalakeng ito?
"Be careful, E," Kali said in a worried tone before he sighed.
"Hindi masakit." Peke siyang ngumisi. "Grabe ka mag-alala."
As if Kali realized what he did, his cheeks burned and he shyly looked away. "Mag-ingat ka kasi. Hindi ka ata bagay sa kusina. Masarap ka ngang magluto, palagi ka namang napapaano. Mag-e-enroll na lang ako sa culinary school. Ako na lang magluluto."
Napailing-iling na lamang si Eldritch. He let Kali transfer the fries into a bowl while he finished his beer so they could go to the beach already. Nang natapos ito ay niyaya na siyang magbihis. Kali brought him to one of the rooms and told him to change.
Suot ang board shorts at summer tee ay lumabas si Eldritch ng silid. Nasa baba na si Kali at naghihintay sa kanya. Dala nila ang cooler kung saan inilagay ni Kali ang beers at yelo. Bitbit din nila ang snacks na pupulutanin sa tabing dagat.
"Ser Kali," tawag ni Mang Jo. Mayroon na palang nakahain na pagkain para sa kanila roon sa isang cabana na nasa tabing dagat.
"Mang Jo, ang dami naman ho nito," ani Kali.
"Kaunti lang 'yan, Ser. Oh, siya. Ichi-check ko muna ang aircon noong mga kwartong gagamitin ninyo."
Tumango si Kali. "May iniwan ho akong pera sa kusina. Ibili niyo na ng gin. Kami na hong bahala sa mga sarili namin mamaya."
Nagpasalamat si Mang Jo kay Kali bago ito nagpaalam sa kanila. Nang makaalis ang katiwala ay nagkayayaan na silang lumusong sa tubig.
Eldritch felt the adrenaline rush as soon as he and Kali ran towards the water carrying their surf boards. Nang makatyamba ng malaki-laking alon ay pareho silang tumayo sa kanilang surf boards. Naghiyawan pa sila. Ang mga ngiti ay abot hanggang tainga habang ang maliwanag na buwan ang tanging saksi sa kaligayahang nararamdaman ng kanilang mga puso.
"Ang husay mo," kumento ni Eldritch habang nakaupo sila sa tabing-dagat. Naparami na rin ang kanilang inom ngunit tila hindi nila namamalayan ang kalasingan dahil panay ang lusong nila sa tubig.
Kali smirked. Ang mga mata ay naniningkit na sa rami ng nainom. "Says the guy who did a flip."
He was about to tell him something when his phone vibrated. Akmang titingnan niya ang chat ni Barren nang itinaob ni Kali ang kanyang phone.
Kali seemed annoyed. Tinungga nito ang natitirang laman ng beer nito saka ito tumayo. Maya-maya ay inialok nito ang palad sa kanya. "Come on. Let's surf again."
Tinanggap niya ang kamay nito ngunit nang makatindig ay hindi kaagad nila nagawang lumayo sa isa't isa. Even their hands remained clasped as they stood closely to each other.
Ewan ba ni Eldritch kung dala lang ng alak ang tensyong nadama niya sa pagitan nila. All he knows is . . . there was something with the way Kali's gaze drifted towards his lips.
"Kali . . ." tawag niya nang manatili sa kanyang mga labi ang titig nito.
He saw Kali's adam's apple bobbed up and down. "S-Si Barren, I met him . . . because I was looking for someone worthy of your love," pag-amin nito.
Eldritch felt a pinch in his heart. "Bakit ngayon mo lang 'to sinabi sa'kin?"
Kali's eyes softened as he sighed. "Because maybe I finally realized how stupid that decision was."
"What's stupid? Iyong ihanap ako ng tamang tao? O 'yong pangunahan ako sa paghahanap ng pwedeng magmahal sa-"
"Finding someone I'd end up getting jealous of." Kali's jaw clenched. "That's the stupid decision I was talking about, Engineer Leondez, and I f*****g regret it now . . ."
Muntik na yatang tumalon palabas ng dibdib niya ang kanyang puso dahil sa sinabi nito . . .