Naghintay siya ng isang araw para mag-abang kung sasabihin ba talaga ni Cynthia ang totoo sa media pero wala siyang narinig na balita. Nakapag livestream pa ito at nagawa pang makipag-usap sa mga nanonood ng live. Para bang wala itong pino-problema sa ngayon. Pinagbigyan niya lang ang mga ito kung sasabihin ba talaga ang totoo pero hindi siya nag e-expect sa klase ng ugaling mayroon ang dalawa. Hindi na nga siya nonood ng news dahil puro tungkol lang sa kwento ng buhay ni Cynthia at ang mga movies at show nito dati. "Flame!" tawag niya sa binata nang makauwi na ito. Mukha itong pagod dahil siguro sa sobrang daming meeting. "There's a lot of investors that investing in Feliciano's company. They really thought that we're merging the companies because of us." Niyakap siya ng binata ng

