FLAME'S SIDE Pumasok siya sa opisina nang matapos ang importanteng meeting niya. Nabalitaan niya na maraming nag-invest sa Feliciano dahil naniwala ang mga investor na magme-merge ang kompanya niya at ng Feliciano. "Did you found the man who posted the article?" tanong niya sa secretary niya nang pumasok ito sa opisina niya. Ang mga mata niya ay nakatutok sa laptop niya, tinitingnan niya lahat ng mga bagong articles at post na tungkol sa kaniya at kay Summer. "Yes sir. Papunta na po rito si Chavez kasama ang lalaking inutusan ni Agosto Feliciano para ipakalat ang pictures niyo." Tumingin siya sa orasan niya dahil gusto niya munang makauwi para puntahan ang dalaga. He's too worried for her. "One hour sir, nasa Cavite po nagtago ang lalaki kaya malayo-layo pa sila." Tumango siya rito

