Hindi siya makapagsalita dahil bumuhos ang emosyon na nararamdaman niya ngayon. Parang may nakabarang kung ano sa kaniyang lalamunan at tanging titig lang ang nagawa niya sa binata. Kumikinang sa mata niya ang sing sing na nasa magandang lagayan habang hawak iyon ni Flame. "Do you hear me? clearly?" Marahan na tango ang tinugon niya sa binata. Sa headset niya ito naririnig dahil masiyadong maingay ang tunog helicopter. Nasa himpapawid pa rin sila, umaandar na muli ang helicopter paikot sa building kung saan nakalagay ang binuong salita na 'MARRY ME' gawa sa ilaw. "Did you know that you hurt me, big time? Those words, when you say that you will not marry me because you don't love me? I didn't say anything because I might pressure you. You are stress and overwhelmed because of happenin

