Nagising siya nang maramdaman niya na pinauulanan siya ng halik sa mukha ni Flame. Tinapik niya ito ng mahina habang nakapikit pa rin ang mata niya. "Hmm... Inaantok pa ako," ani niya gamit ang boses na inaantok pa. Hinapit siya nito kaya napasubsob siya sa dibdib nito. Hindi naman siya umangal dahil gustong-gusto niya ang natural na bango ni Flame. Kahit hindi naman ito naka-perfume ang bango-bango pa rin. "It's already 10am, baby. You need to eat now. We're going somewhere, later." Dahan-dahan niyang minulat ang kaniyang mata at napahikab pa. "5 minutes," ani niya pa at sumiksik sa binata. Halos pumasok na nga siya sa tshirt nito dahil gusto niya gano'n sila kadikit. "Fine... What brunch do you want to eat? Are you craving for something?" "Gusto ko ng limang suman, may nagbebenta

