Lumaki akong naging saksi sa pagmamahalan nila Nanay at Tay Manzo. Kaya naman nakakagulat na malamang naging parte pala si Tito Ramilo ng buhay ni Nanay noon. "Ngayon ko lang napagtanto na malaki nga ang hawig mo kay Eulana.." usal niya na nanatili ang lamlam na titig sa akin. "Kumusta na ang Nanay mo?" Napasulyap ako kay Ergos na mataman ding nakatitig sa akin. Matapos niyang malaman na anak ako ni Nanay ay nanatili rin siya sa kubo para lang makapagtanong tungkol sa kanya. It's actually kinda awkward. Years have passed and it feels like he is still fond of my mother. "Uh, ayos naman ho ang Nanay. Sa Hacienda Salvatore ho siya nagtatrabaho, isa sa tagapagluto roon." Imporma ko na mas nagpalambot sa ekspresyon niya. "Ang walang kupas na pagmamahal niya sa pagluluto. Sino nga ba naman a

