Alam ko naman na hindi nawawala sa isang lugar ang usapan na walang mga basehan. May mga taong gumagawa ng kasinungalingan para lang may mapag-usapan. Gayumpaman, hindi mawala sa isip ko ang narinig kanina. "Ayos ka lang ba, mahal ko? Kanina ko pa napapansin ang katahimikan mo." Rinig kong bulong ni Ergos sa akin. Habang masaya pa rin ang tawanan at asaran ng mga barkada ay nakatitig siya na parang pinagmamasdan ang bawat kilos ko. "U-Um.. ayos lang. Naisip ko lang na magtatagal na ulit bago mabuo ang barkda. Nakakalungkot din pala ang pag-alis ni Cannix." Hindi siya nagsalita at mas inilapit ang akbay sa kinauupuan ko. Hinayaan kong naisandala ng sarili ko sa dibdib niya bago naramdaman ang halik sa sentido ko. "Matatagalan man pero kagustuhan niya iyon. Konting sakripisyo para sa pan

