KABANATA 3

1963 Words
Huminto kami sa bilihan ng ulam Habang bumili si kuya nandito ako sa labas hindi na ako pumasok sa loob Pinagmasdan ko yung paligid hanggang sa napako yung mata ko sa isang billboard na may familiar na picture, saan ko nga ba to nakita? hindi naman to artista alam ko kasi familiar ako sa mga artista, sino nga ba to? binabasa ko yung nakasulat sa ibaba "Train Kristan Vestraint CEO of Vestraint Corp." hmmm wait a minute ahaaa! si sir Vestraint yung anak sa may-ari ng kompanya na pinasukan ni papa at balita ko siya na ang CEO lahat ng kompanya nila kasi yung isa niyang kapatid ayaw mag manage ng kompanya nila at yung isa naman is bata pa at wala ring interest sa kompaya Sus kong ako sakanila pag interesan ko talaga yung sources ng pera, pero syempre hindi ako sila at nasabi ko lang maman to kasi naghirap kami ngayon Kilala ko yung isang kapatid ni sir Vestraint pero yung bunso hindi, kasi dati yung dalawa lang nakikita ko kasi nasa states yung bunso pero kaedad ko lang daw yun " wait, Vestraint? Traque Vestraint University so sila yung-" "May-ari sa school na pinasukan natin" putol ni kuya sa sasabihin ko "ganun ba ngayon ko lang na realize, so next week sino sa dalawa sa anak ni Mr. Vestraint ang pupunta?" "Hindi ko alam pero dati yung dalawa lang yung pumunta, yung bunso at yung isa hindi yan nagpapakita dati, nakikita lang namin yan pag nandiyan yung mama at papa niya" "So napipilitan lang siyang pumunta kasi nandun yung mama at papa niya?" "Parang ganun na nga" Tinitigan ko yung mukha ni Sir Vestraint, Pogi model na model ang peg niya sa billboard CEO ha, poging CEO ang taas pala ng pangarap ko maabot ko kaya yung ganyan? "May asawa naba yan kuya?" Biglang tanong ko "Bakit crush mo?" napatingin naman ako kay kuya at umiling tapos tiningnan ko ulit yung billboard "Hindi naman, yung ganyan kataas na tao hindi dapat pinaginteresan ng kagaya ko" "Bakit naman?" napatingin naman ako kay kuya "Anong bakit naman? eh langit siya lupa ako" "Pero crush mo nga?" "Hindi nga, ayaw kong makagusto ng hindi ko ka level, at sobrang taas ng standard ko pag yan magustuhan ko" "Paano kong gusto ka niyan?" "Mag joke ka kuya yung nakakatawa naman eh ang waley ng joke mo" natatawang sabi ko "Halika na nga kuya naghintay na si khris saatin" Dumating kami sa bahay at naabutan naming nanuod si khris ng TV, tiningnan ko yung pinanuod niya hala si Sir Vestraint ulit! palagi ko nalang siya nakikita ngayong araw nato "Anong pinanuod mo?" tanong ko kahit alam ko na yun kasi nakikita ko naman, gusto ko lang malaman kung anong ganap sa buhay ni Sir Vestraint bakit palagi ko siyang nakikita "Engagement party ni Sir Vestraint" sagot ni Khris Natigilan ako, ewan ko pero bakit parang nawalan ako ng gana sa narinig ko? baka pagod lang to tiningnan ko si kuya, nakatingin din pala saakin "Arrange marriage" sabi ni kuya habang nakatingin saakin "Oo possible ding hindi matuloy sa kasalan sila" sabi khris napatingin naman kami sakanya "Bakit?" tanong ko "Sabi dun sa interview may gustong iba si Sir Vestraint" "Sinabi ba kung sino?" tanong ni kuya "Hindi pero hinala ng mga nitizen is yung dati niyang girlfriend" "Paano yung fiance niya ngayon?" "Ewan ko ayaw muna daw ni sir Vestraint makasal" "Bakit may engagement party?" tanong ko "Ewan ko" "Magka edad lang kayo kuya diba?" tanong ko sakanya "Oo" "Bakit nga ba nag break sila ng girlfriend niya kung mahal niya pa?" tanong ko "Ewan pero yung ibang nitizen hindi naniwala na gusto niya parin yung ex niya" "Eh bakit?" "Yung parents niya din ang may gusto nun hindi siya" "Edi sino gusto niya?" "Ewan ko, yun nga curious sila kung sino at tinawag na nila itong mysterious girl" tumango naman ako, tumingin ako kay kuya na nakatitig din pala saakin Weird. "Akyat muna ako sa itaas" Tumango lang si kuya "Ate what if ikaw yung gusto ni Sir Vestraint?" natatawang sabi ni khris ito na naman tayooo sa kalokohan niya "Baka nga , sa mala diyosa kong ganda baka nga nagkagusto siya" ngumisi kong sabi at sabay flip hair "Ate asa ka naman!, hindi ko nga makita yung sinabi mong mala dyosa mong ganda!" sabi ni khris habang tumatawa ng malakas "Hoyyy si kuya nagsabi nun kanina, diba kuyaaa?" baling ko kay kuya at ng puppy eyes "ha? may sinabi ba akong ganun?" maang maangang sabi ni kuya tumawa ng malakas si khris "Kuyaaa naman!!" "Imagination mo ang limit!" asar ni khris "Sana pala nirecord ko yun kanina kong idedeny mo din pala kuya" nakasimangot na sabi ko "Baka sa panaginip mo lang yun ate" tumatawa paring sabi ni khris masaya sya pag nangaasar, maka ganti din ako sayo kumaggg!! "Tama na yan, umakyat kana sa itaas at magbihis para kumain" sabi ni kuya saakin "Ikaw kuya hindi kaba magbihis" tanong ni khris "Iinitin ko muna tong binili ko, kanina pa daw to sabi ni aling nita" tumango lang kami umayakyat na ako sa itaas Hindi mawala sa isip ko yung engagement party at yung. mysterious girl na gusto ni Sir Vestraint bakit ba eh sa na curious ako kasi alam niyo na ang swerte niya bruhaaa! Inalis ko na sa isipan ko si Sir Vestraint at naliligo bago bumaba para kumain nang bumama ako nakatutok parin si Khris sa TV kaya nakinuod na rin ako Oh Si Mrs. Vestraint naman nasa TV "Ano yan?" tanong ko kay Khris "Interview kay Mrs. Vestraint, tinanong kong okay lang ba sakanya kahit sinong babae ang magustuhan ng anak niya" "Sila ata yung laman ng balita nagyon ha" sabi ko, tumango lang siya "So ano sabi? "Makinig ka nalang ate dami mong tanong" reklamo niya "Ma'am kanina sinabi ng anak mo na may nagustuhan siyang babae ano ang masasabi mo dun?" sabi nung nag interview "Actually alam ko na yan dati pa at kilala na din namin kung sino" Tumatawang sabi ni Mrs. Vestraint "Pero na torpe yung anak kong yun kaya naman nireto namin siya ng maraming babae para mapipilitan siyang magpakilala na sa nagustuhan niya" "Sino naman ang hindi makilala ang isang Vestraint diba? ang swerte pala ng babaeng yun kasi tanggap niyo na pala siya kahit hindi pa sila ng anak niyo" "Kami yung maswerte kasi nung bata pa talaga yung anak ko na yun hindi talaga yun naka interest sa negosyo namin, walang anak namin ang naka interest pero nagulat nalang kami nong lumapit yung panganay ko at sinabi niyang gusto niyang turuan namin siyang mag manage sa mga negosyo namin, tinanong ko kung bakit, sabi niya may nagustuhan siyang babae dapat pag nililigawan niya na daw yun dapat hindi na siya puro hingi saamin kundi galing na sa pinaghirapan niya kaya ang saya namin non kasi ayaw din namin pilitin yung anak namin na mag manage sa negosyo namin kaya problemado kami dati ng malaman namin na wala ni isang anak namin ang naka interest" "Wow, siguro kagaya niyo mayaman ang babaeng yun" "Mayaman man o Hindi basta mahal ng mga anak ko ay tanggap ng pamilyang ito." "Paano kung pera lang ang habol sainyo pag hindi kasing yaman niyo ag maging partner ng anak niyo?" "Makilala namin kung pera lang ang habol" "So sa sinabi niyo hindi kasing yaman niyo ang nagustuhan ng anak niyo?" "Malalaman niyo din ang totoo ayaw kong pangunahan ang anak ko" Ngumiti si Mrs. Vestraint "Last question nalang ma'am, Kung alam niyo pala nag may gusto yung anak niyong iba bakit may engagement party?" "Mabuti natanong mo, actually sila ang lumapit saamin para ireto yung anak nila sa anak ko, sabi nila baka magkagusto yung anak ko sa anak nila kaso hindi nangyari, ayaw ko naman kasi medyo unfair sakanila pero sila mismo nag plano ng engagement party kaya hinayaan na namin" Ngumiti si Mrs. Vestraint at tumingin sa camera "Para sa kaalaman ng lahat hindi namin gagamitin yung mga anak ko para sa negosyo namin pwera nalang kung yun ang gusto ng mga anak ko, Humingi ako na paumanhin sa engagement party kanina na nagkagulo hindi kasi alam ng anak ko kaya pasensya na kayo lalo na't sa kabilang pamilya" ngumiti si Mrs. Vestraint sa nag interview at tumayo na "Maraming salamat sa pagsagot sa mga katungan namin Mrs. Vestraint" Tumango lang si Mrs. Vestraint "Nagkagulo sa Engagement party?" "Oo bago yung interview ni Sir Vestraint" tumango tango nalang ako "Ang bait talaga ng mga Vestraint imagine ate kahit hindi mayaman tanggap nila basta mahal ng anak nila" komento ni Khris "Baka yung may maayos trabaho din yung parents syempre" Napaisip naman kami ni Khris at nag kibit balikat nalang siya "Anong inisip niyo? Wag kang umasa Khrysia kasi hindi ka magugustuhan ni Sir Vestraint" natatawang sabi ni kuya sa likod namin nilingon namin siya, nakabihis na ang ferson napanuod niya din ata yung interview "Bakit kuya gusto ba ni ate si Sir Vestraint?" Naka smirk na sabi ni khris "Tanong mo sa ate mo" "Gusto mo ate?" tiniaasan ko lang siya ng kilay, hindi ko siya sasagutin alam ko kahit anong sagot ko aasarin lang ako ng kumag "Silent mean Yes, si ate babae na!!" sigaw ni Khris "Pero sad to say yung gusto mo may gustong iba" Tumatawang dagdag ni Khris sabi ko na nga ba eh, narinig ko ding tumawa si kuya kaya sinamaan ko sila ng tingin "Kain na tayo kuya" sabi ko nalanag katamad makipagasaran "Oo nga kuya kasi masakit puso ng ate koo" nangaasar paring sabi ni Khris sasapakin ko na sana kaso nauna ng tumakbo na sa kusina, hindi na hinintay ang sasabihin ni kuya "Hali kana Khrysia" sabi ni kuya saakin at tumalikod na para pupunta na sa kusina tumango ako at sumunod na sakanya "Malapit na yung Birthday mo ate! mag 19 kana pero wala ka paring jowa" tumawang sabi ni khris "Matagal pa kaya manahimik ka" at bawal ako magkajowa "Malapit na kaya" "Bakasyon na yun diba?" sabi ni kuya "Oo" sabay na sabi namin khris "Punta nalang tayo kay papa? para makasama natin siya sa birthday mo?" sabi ni kuya Nanlaki ang mata ko, oemgeee! "Talaga kuya?" masayang sabi ni khris "hmm susubukan ko mag hanap agad ng trabaho sa bakasyon" "Kuya may board exam kapa at training" sabi ko napatingin si khris saakin at seryosong tumingin ulit kay kuya "sa board exam tapos na yung birthday mo nun" "Hindi kaba mag review kuya sa board exam?" tanong ni Khris "Wala tayong pera para diyan" "Pero kuya paano ka makapasa diyan, pwede naman yung pinagtrabahoan mo yun na pang bayad mo" sabi ni khris "Birthday ng ate mo khris" "Kuya wag mo munang isipin ang ibang bagay please kahit ikaw yung matanda saatin hindi mo naman obligasyon na ibigay yung gusto namin" sabi ko "Oo nga kuya, kahit gusto naming pumunta kay papa makapaghintay naman yan kuya pag tapos kana lahat sa mga kailangan mo" sabi ni khris "Ayaw ko paring mag review" "Bakit?" sabay naming tanong ni khris "Maraming nagsabi na hindi rin lalabas sa actual na exam yung ni review namin kaya mag self study nalang ako" "Pero kuya hindi mo naman alam ang irereview mo pag mag self study ka" sabi khris "May internet khris" natahimik kami ni Khris "Matagal pa naman din yun tsaka ko na ulit iisipin okay? wag kayong mag-alala saakin alam ko yung ginawa ko" nangiting sabi ni kuya "Kumain na tayo" tumango kami ni Khris at sinimulan na naming kumain Habang kumain nag kwentuhan kaming tatlo, nagtawanan at nag asaran Mahirap man ang buhay namin atleast hindi naman masama ang tadhana saakin kasi bibigyan niya ako ng masayang pamilya at wala na akong ibang hihilingin pa
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD