Maaga akong nagising ngayon ayaw ko ng makarinig ng maingay na kapatid kaya tumayo na ako at naligo para magbihis pagtapos baba para kumain
"na~na~cause it's 12:51 and I thought my feelings were gonee~ you make me crazier, crazier~ na~na~" kanta ko habang naliligo
Ang sarap ng tubig goisss kaya maligo na kayo alam kong hindi pa kayo nakaligo
"Baby shark du~du~du~ Ate shark du~du~du~ Kuya Shark du~du~du~du mamii shark du~du~du~du dadi shark du~du~du~du"
kanta.sabon.sayaw.shampoo
Natapos din, Ang sarap mag concert sa cr
Kumankanta kanta ako habang nagbibihis lumabas na
"ATE!-" nagulat yung kapatid ko ng palabas na ako kaya hindi niya natapos yung sasabihin niya
"Wag mo ng ituloy at baba na ako" umirap na sabi ko
"Napakaingay" bulong ko at nilagpasan na siya
Sumunod naman ang kumag para kulitin na naman ako
"Ate himala ka ngayon ha ang aga mong gumising" nakangiting sabi niya
"Pake mo"
"Baka dahil yan kay Sir Vestraint" nangaasar na sabi niya
tangina umagang umaga
"Alam mo baby khris" malambing na sabi ko kaya nawala yung pangangasar na mukha niya "Maghanap ka na ng girlfriend para siya yung asarin mo araw-araw at hindi ako, kahit sino pa yan tatanggapin ni ate yan" nakangiti at malambing ko sabi
"Kadiri ka ate hindi bagay sayo ang maglambing" sabi niya at nauna ng maglakad
natatawa naman akong sumunod sakanya, ano ka ngayon
"Kuya Good morning" sabi ko kay kuya
"Hmmm" tumingin siya kay khris "Anong nangyari sa mukha mo?" tanong niya sa kumag
"Kuya delikado yung maging jowa ni ate" biglang sabi niya
napatingin naman si kuya saakin at bumalik kay khris
"Bakit?"
"Nakakadiring maglambing" nandidiri niyang sabi
natawa naman si kuya sakanya
"Ayaw mo bang lambingin ka ni ate" malambing na sabi ko na nangaasar
malakas akong tumawa sa naging reaction niya
"Kuya pag hindi titigil si ate mawalan na ako ng gana kumain" nakasimangot na sabi niya
"Kumain na kayong dalawa aakyat muna ako, tapos na akong kumain" Natatawa paring sabi ni kuya
Habang kumain ang sama naman ng tingin ng kapatid ko saakin kasi pag tumingin siya saakin ngumiti ako ng malambing
"Ate tigilan mo na ako"
"Tigilan mo na ding yung pangaasar mo kay Sir Vestraint saakin" ngumiti kong sabi
"Oo na wag ka lang tumingin saakin ng ganayan!"
"Anong ganyan?" Inosente kong tanong
"Basta!" inirapan niya ako
Bading.
Tapos na akong kumain at nanghugas kahit naka uniform pake niyo ba hindi ako bruha na maarte dzuh
"Khris mauna na kami sayo" Sigaw ni kuya
"Opo"
"Wala ba siyang pasok kuya?"
"Wala may event daw sa school nila pero mamaya pang 1:00pm kaya mama na siya papasok"
tumango naman ako
Habang papunta kami ng school may nakita akong nagtitinda ng mangga malapit sa school namin, babalikan kita wag ka munang maubos!
Sinamaan ko ng tingin yung taong maraming binili na mangga, huyy! itira niyo saakin yung iba pota
Nang huminto si kuya tatakbo sana agad ako pero pinigilan niya ako
"Huy san ka pupunta, dito yung gate" sabi ni kuya sabay turo ng gate
alam ko
"Ahh may bibilhin lang ako kuya mauna kana babye kuya ingat" Nagmamadaling sabi ko sabay takbo
Nilingon ko si kuya ayun naglakad na papasok
oemgee mangga matagal na akong hindi nakakain nito
"Ate Pabili poo!" Masiglang sabi ko
"Naku last nato ma'am buti nakaabot ka" Nakangiting sabi ni ate, nawala naman yung masiglang mukha ko
Tatlo gusto ko!
"Wala na ba ate yan na?" Tanong ko baka meron pa kasi eh
"Wala na po ma'am"
"Ahh sige yan nalang magkano po?"
"5 pesos lang ma'am"
binigay ko yung bayad at kinuha yung mangga, ang liit naman nito tangina gusto ko tatlo mabibitin ako
nahalata ata ni ate yung mukha kong malungkot kasi isa lang nabili na mangga
"Ma'am bili ka ulit bukas titirhan kita, ilan sayo" nakangiting sabi ni ate kaya naman medyo nabuhayan ako sa sinabi nia
Tatlo
"Apat ate" masiglang sabi ko, kulang pa yung tatlo
"Naku ma'am baka sasakit tiyan mo niyan"
"Hindi yan ate minsan lang to" nakangiting sabi ko "Promise mo yun ate ha"
"Oo ma'am balik ka dito bukas"
"Sige bye ate una na ako may pasok pa ako eh" tumango lang siya sabay ngiti bilang sagot
Papasok na ako sa gate ng may nakita akong eksina, yes eksina gois parang mag-aaway ata ang mga ferson
May babae kasi naka shade, naka cap, Mask at naka jacket literal na hindi mo makikita yung mukha niya ang weird naman ng fashion niya, sa palagay niya stitik na siya sa purmang yan? napailing nalang ako at may naka bangga siya isang bruha na maldita parang mabait naman si ateng weirdo
"Ano ba! tumingin ka naman sa daan!" Sabi nong maldita
"Hindi ka din naman nakatingin ha" Sabi nong weirdo sa fashion
Palaban si ateng weirdo
"Bakit ba kasi naka cap at naka mask kapa ang init yan tuloy hindi mo nakikita ang nasa paligid mo!"
Ayaw paawat si maldita, manuod lang tayo gois habang kumakain ng mangga ayaw ko ng madamay sa gulo
Bilisan niyo diyan malalate na ako naka harang kayo sa daan!
"Pake mo?" sabi nong weirdo
"Wala akong pake sa kagaya mong tanga" maldita talaga masyadong harsh
"Anong sabi mo" seryosong sabi ni weirdo at unti unting tinanggal yung cap, mask at shade where's the sun ateng weirdo taray naka shade
Nanlaki yung mukha ni maldita at parang nawalan ng dugo sa mukha, anong nangyari sayo huy! akala ko ba maldita ka?
Tiningnan ko yung mukha ni ateng weirdo maganda naman siya kaya bakit mag mask pa sus weirdo talaga
"Anong pangalan mo?" tanong ni weirdo, hindi na nakapagsalita yung maldita kaya kinuha nalang ni weirdo yun ID niya at binasa ng malakas yung pangalan ni Maldita "Fianna Krew" nag angat siya ng tingin sa mukha ng maldita hanggang ngayon wala parin sa wisyo "Wag kang maingay sa nakita mo, kilala kita kaya madali lang kitang mahanap once na kumalat ikaw ang hahanapin ko" seryosong sabi ni weirdo
Tumango naman si maldita na mukhang tuta na ngayon at biglang siyang napatingin saakin kaya tumigin din si weirdo saakin ng seryoso, sininyasan ni weirdo si malditang umalis
Hahah tapos na din, tiningnan ko yung oras okay may 20 minutes pa ako
naglakad ako papuntang trashcan tapos naglakad na papasok pero hinarangan ako ni weirdo kaya nagtaka akong tumingin sakanya
"Anong atin?" tanong ko
"Hindi mo ako kilala?" tanong niya seryosong sabi niya
"Ah eh hindi hehe bakit?"
"Ah wala naman just asking" seryoso paring sabi niya saakin pero tumango lang ako sakanya hindi ko naman kilala, maglakad na sana ako kaso nagsalita ulit siya kaya nilingon ko naman siya
"Sabay na tayo, papasok na din ako diyan"
feeling close, baka kilala niya si kuya at lumapit na naman to para makalapit
"Ah okay sige" sabi ko nalang hahayaan ko nalang alam ko naman yung pakay niya saakin
naglakad kami ng biglang nalang siyang nagtanong
"Kilala mo ba yung may-ari ng school nato?"
"Ahh oo yung mga Vestraint bakit hindi mo kilala?" tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, naka uniform naman siya kagaya saakin possibleng hindi niya alam
Ikaw nga Khrysia kahapon mo lang nalalaman Ako yun eh magkaiba kami
"nothing" sabi niya at nakatitig saakin
huminto ako sa paglalakad
"Bakit?"
"What's your name?" seryosong tanong niya
ano bang problema ni weirdo, sasabihin ko ba? ah hindi na hindi ko naman to kilala
"Khrysia Elliana Villiaria"
nanlaki naman ang mga mata niya
"Ikaw!" pasigaw na sabi niya parang nahuli na niya yung magnanakaw, tiningnan ko yung nakapaligid saamin
wow teh ang galing mong kumuha ng attention.
"Hala anong ako? hindi ako nagnakaw ha" umiiling iling na sabi ko tangina marami pang nakarinig
umiling naman siya saakin habang tumatawa
"Hi, I call you Khrysia then, I believe na kapareho lang edad natin, Nice to meet you" mahinang sabi niya yung ako lang talaga ang nakakarinig
"Nice to meet you din" gaya gaya ko sa sinabi niya, ganun yun sa napanuod ko na drama eh bakit ba
Naglakad na ulit ako at sumabay naman siya saakin
Anong kailangan ni weirdo saakin
Anong kailangan ni weirdo saakin
"Saan yung classroom mo?" tanong niya
"Nandun pa" sabay turo ko sa bandang classroom ko
"Tamang-tama dun din yung punta ko kaya sabay na tayo"
tumango nalang ako
"By the way diba kilala mo yung mga Vestraint? so kilala mo yung tatlong magkapatid?" tanong niya bigla
slang ang ferson galing ata sa ibang bansa, hindi na ako nagtaka puro mga mayaman yung nag-aaral dito sampid lang ata ako eh mabuti pa si kuya mayaman yung dating kaya hindi mukhang sampid kaya ako lang yun sampid sa school nato
"Ah hindi ko kilala yung bunso, yung dalawa lang kasi yung bunso nasa states yun dati nag-aaral eh kaya hindi ko nakilala"
"Ah ganun ba? hindi kaba nanuod sa balita para makilala siya?"
slang mag salita ang ferson
"Ah hindi may iba kasi akong pinanuod eh boring yung balita, at kilala na mababait yung Vestraint sapat na yun na balita para saakin"
"Paano mo nasabi?" slang na tanong niya
"Nag tatrabaho kasi si papa sa kompaya nila tapos dati pupunta kami every year dun kaya nakilala namin sila pero hindi na kami nakapunta 5 years na, kasi kapos sa pera pero may balita akong nakauwi na siya nakita ko siya sa TV dati"
"5 years That's why he's desperate"
may binulong siya pero hindi ko narinig
"Ano?"
"wala, so kilala mo siya?"
"Hindi ko na makilala pag nakikita ko na sa personal eh" ganun ka hina memorya ko gois
"You know what, I don't have friends here, Can we?" ngumiting sabi niya
Ayaw ko ng kaibigan pero ineglishan ako gois sosyal ang peg, tinitigan ko siya ng matagal pero wala namang masama kung may isa akong kaibigan kaya sige English naman pagkasabi niya pasado
pero matanong nga to
"Kilala mo yung kuya ko?"
"No, Why?"
"Nothing" napa english din ako gois
"So we can't be friends cause I don't know your brother?" tanong niya
Ang weird niya anong kinalaman ni kuya sa pwede kong maging kaibigan? pero infairness may kinalaman nga si kuya dahil sakanya may fake friends ako dati
"Ahh hindi hindi, sige sige kaibigan na kita" nakangiting sabi ko
"Ano pala pangalan mo?" tanong ko
Sasagot na sana siya pero may nagsalita bigla
"Ms. Villiaria pasok kana dito isisirado ko na tong pinto"
"Ahh opo ako na po diyan ma'am" pumasok na si ma'am kaya tiningnan ko yung bago kong kaibigan "Pasok na ako kitakits nalang dito sa school"
Tumango siya "Call me kaye, next time I tell you my whole name" ngumiti siya at tumalikod na saakin
tumango ako kahit hindi na niya ako nakita kasi nakatalikod na saakin, pumasok na ako sa room at sinirado na ang pintuan