Matapos maghapunan ay muli silang lumipat sa sala. As Pennee expected, napakaraming pasalubong ng kanyang ninong at ninang. Tila walang katapusan ang pagdala ng shopping bags mula sa kotse papunta sa sala. Kulang na nga ang espasyo sa center table. Samantala, si Kiel ay tumayo na rin sa kanyang kinauupuan upang doon ilagay ang ibang pinamili. Her younger brother didn't mind though, dahil abala ito sa pagbubukas ng mga sariling pasalubong para sa kanya.
"Wow, this one is awesome!" bulalas ni Kiel nang ilabas sa kahon ang signature sneakers. Itinaas niya ito sa ere na tila nagpapalipad ng laruang eroplano, saka malawak na ngumiti sa kanyang ninong. "Thank you so much, Ninong Nolan. Ang astig lang nito at kasyang-kasya pa sa akin!" Sinusukat na niya ang mga sapatos. Sa sobrang pagkasabik ay inilalakad na rin niya.
Sa kabilang banda ay tahimik lang si Pennee habang pinagmamasdan ang kanyang mga magulang na kausap at patuloy na nakikipagkumustahan sa kanyang ninong at ninang. Ilang segundo pa lang kasi ang nakararaan nang iakyat niya sa kuwarto ang mga pasalubong sa kanya. She loved every piece of dresses and shoes brought by them. Walang pagsidlan ang kasiyaha niya hindi dahil sa imported at branded ang mga ito, kundi dahil kahit malaki na siya ay inaalala pa rin ng mga ito.
Hindi man niya gaanong natatandaan ang nakaraan, sa pakikinig pa lang sa masayang usapan sa sala ay tila bumabalik siya sa nakaraan. She was happy at the moment—that was a fact. Pero may isang bagay din na ipinag-aalala niya ngayon. Iyon ay ang biro na nabanggit ng kanyang ninong.
Upang makapag-isip ay panandalian siyang nagpaalam sa kanila. "Mommy, Daddy, can I excuse myself for a moment? Sisilipin ko lang ang mga tanim ko na sunflowers sa garden." Batid niyang iyon ang pinakamagandang dahilan ng magalang na pag-exit. Habit naman niya kasi ang silipin ang mga pananim bago umakyat sa kanyang kuwarto.
Ngumiti ang kanyang mommy na katabi ng kanyang ninang. "Of course, Pennee. Pero huwag kang magtatagal sa labas, okay? Mas late na ngayon. Baka sipunin ka sa hamog."
"I will po. Excuse me." She nodded at them all.
Nang tumalikod na siya at naglalakad papunta sa pinto ng back door ay narinig pa niya si Kiel.
"Siguro ini-expect niya na magbu-bloom ang sunflowers. Si Ate Pennee talaga, nakalimutan siguro niyang bubuka lang 'yon kapag may araw."
Pennee gritted her teeth and screamed inwardly. I know, right! Ikaw talaga, Kiel. Asikasuhin mo nga ang sarili mong buhay!
Hanggang sa habang naglalakad-lakad siya sa malawak na garden ay nagngingitngit pa rin siya. Mabuti na lang at hindi siya sinundan ng mapag-asar na kapatid, kung hindi ay mabubuko siyang alibi lang ang sunflowers. Ni hindi nga sa direksyon na iyon siya nagpunta kundi sa fountain. Nang lapitan niya ito ay napangiti siya dahil sa pagkislap ng tubig. Tumatama kasi ang repleksyon ng buwan sa ibabaw nito.
Naupo siya sa tuyo na parte ng fountain at malalim na bumuntong-hininga. The fresh scent of mint and roses somehow eased her nerves. Pero napapaisip pa rin siya sa sinabi ni Ninong Nolan.
Totoo ba talaga ang sinabi ni Ninong Nolan? Talaga bang kinontrata na nila akong maging asawa ng anak nila? At pumayag naman sina Mommy at Daddy! Bata pa ako, ah! At ang dapat na inaatupag ko ay pag-aaral dahil sooner, ako ang papalit na president ng foundation nila. So, bakit pumayag sila? Pinapamigay na ba nila talaga ako kina Ninong?
She gulp. Hard. Hindi niya namalayang kinakawkaw na ng kamay niya ang tubig ng fountain.
"Oh, here you are!"
Sa gulat ni Pennee ay muntik na siyang ma-out balance. Mabuti na lang ay nakaalalay ang isang kamay niya sa angel statue sa gitna ng fountain, kung hindi ay tuluyan na siyang nabuwal sa tubig.
Hawak ang kanyang dibdib ay pinanlakihan niya ng mga mata ang binatang papalapit sa kanya. "Y-Yigo?" Tumayo siya na hinihingal pa. "Anong ginagawa mo rito?"
"Hinahanap kita." Nagkibit-balikat si Yigo at umupo sa gilid ng fountain. "Sumaglit lang ako sandali sa kotse, pagpasok ko, wala ka na. Kiel says you are checking the sunflowers. Pero wala ka naman doon kaya umikot pa ako." He made a quick onceover behind him and nodded as if impressed. "Nice garden you have here. I thought I'm inside the movie Maze Runner. If not for the full moon, siguradong maliligaw ako rito."
Natawa si Pennee. Dahil nabawasan na ang pagkabigla niya muli siyang umupo. Iyon nga lang ay may kalayuan sa binata. "Ano 'to, labyrinth? Hindi naman ganoon ka-complicated dito, ah. Ngayon ka palang kasi nakapunta saka gabi na. Pero kapag may araw, mas makikita mo nang maayos dito sa garden. Pina-develop talaga ito nina Mommy dahil dito kami nagha-hang-out ng mga pinsan ko kapag bumibisita sila. We also used to play hide and seek here. Ang saya kaya." Her smiled widened just by the thought of her cousins. It had been quite a while since they visited her. Ngayon ay sa video calls na lang sila nagkikita-kita dahil abala sa pag-aaral at malayo ang mga tirahan.
Hindi niya namalayan na napako sa kanyang pagngiti ang atensyon ni Yigo.
"That's the sweetest smile I've seen from you since this morning, Penpen."
Awtomatikong tinakpan ni Pennee ang bibig. Biglang uminit ang pakiramdam ng kanyang mga pisngi at tainga. Batid niyang nagsisimula na siyang mamula kaya inilihis niya ang kanyang mukha. "S-salamat," nauutal niyang bulong. "Pero bakit ganyan ang tawag mo sa 'kin? Hindi ako sanay."
"Alin? 'Yong Penpen?" Yigo said then chuckled. "Hey, I used to call you Penpen before. Kasi naman, Pennee ang tawag nilang lahat sa 'yo dati pa. I want to be different, kaya tinawag kitang Penpen. And besides, narinig kitang kumakanta ng 'penpen de sarapen' noong isang beses na bumisita kami sa inyo noon."
Like seriously? Binansagan niya akong Penpen dahil sa nursery rhymes? Tapos hanggang ngayon, iyon pa rin ang itatawag niya sa akin? Eww. Nanindig ang kanyang mga balahibo. Nang maka-recover na siya sa pamumula ay lakas-loob na niyang hinarap ang binata. Titig na titig pa rin pala ito sa kanya kaya pinilit niya na huwag na muling pamulahan ng mukha. "Puwede bang... Pennee na lang? Hindi na kasi ako sanay doon sa... Penpen. Baka lalo akong asarin ni Kiel kapag narinig 'yan. Bully kasi ang insektong 'yon."
"Are you sure, siya ang bully sa inyong dalawa? Hindi ka pa bully niyan na insekto ang tawag sa kanya?" Yigo chuckled.
"Oo kaya. Ilang beses na niya akong pinaiyak dahil sa pang-aasar. Pero hindi ko pinapatulan dahil sabi nina Mommy, dapat pagpasensyahan ko raw siya dahil ako ang mas 'matanda'." Pennee raised her fingers and quoted in the cold and crisp air.
"Alright. Sabi mo, eh." Yigo grinned. "Anyway, sige. Hindi na kita tatawaging Penpen. Sabagay, tama ka. Hindi ka na bata. Sabi ni Tito Ezekiel, fifteen ka na. Hindi na ikaw ang madungis na bata dati at laging may guhit ng sipon sa pisngi."