Chapter5

1055 Words
Hindi pa man siya nakakapihit ay isang lalaki naman ang humarang sa kanya. Humihingal ito habang tinatapik sa balikat ang dalagang nagpakilalang Vanessa. "I think, hindi pa sinasabi ni Vanny kung bakit ka nilapitan?" anang nakasalamin na lalaki. Simangot siyang sumulyap sa dalaga, sabay balik kay Iñigo. "Hi. ako nga pala si Peter, assistant coach ng Alta Gracia Stags. Gusto sana kitang imbitahan na sumali sa team namin. Sa tangkad mong 'yan, magandang asset ka. Have you played basketball at your previous school?" Iñigo tilted his head. Mas nakuha ni Peter ang kanyang interes dahil sa alok nito. Oh, how he loved basketball, bukod sa flirting at gaming. "Sure. I'm in." "Alright!" Nakipag-fist bumped si Peter sa kanya. "Ngayon pa lang, nakikita kong magiging champion na ang school natin sa darating na tournament. Ang mga kalaban natin ay mga taga-ibang universities sa NCR. "Sabihin mo lang kung kailan ang practice. Darating ako." Iñigo was so interested, pero hindi niya ipinapahalata sa kanyang tinig. "Nice," nakangising sabi ni Peter at muling bumaling kay Vanessa. "Do your work, honey." "I'm not your honey. Ambisyoso!" Vanessa rolled her eyes and pulled the little notebook from her handbag, saka nguniting muli kay Iñigo. "Um, honey... I mean, Iñigo, can I interview you for a while? Don't worry, para 'to sa profile mo for the team and not for my personal interest." She beamed sweetly. Bago sumagot ang binata ay tinapik siya ni Peter sa balikat. "Sige, maiwan ko na kayo, ha? Si Vanny na ang bahala sa 'yo." Kumindat siya at umalis na kasama ang mga lalaking naka-jersey na naghihintay sa may pinto. "Okay, let's start. Mabilis lang 'to." Vanessa cleared her throat and blinked her eyes sexily. "What's your full name?" "Iñigo Allan V. Rosales. Twenty years old. Six feet," aniya at biglang tumalikod upang damputin ang kaisa-isang notebook na dala niya sa klase. Then, he stormed out of the classroom, ignoring Vanessa who was screaming his name. "Hey, hindi pa ako tapos! Sige ka, sasabihin kong huwag ka na nilang isali kapag hindi ka bumalik!" "Bahala ka," he whispered. "Masyadong maraming oras na ang nasayang ko ngayong araw na 'to." He wasn't just thinking about how Vanessa was delaying her. Hindi man aminin, bahagyang nayayamot siya dahil sumagi na naman sa isip niya ang dalagitang ipinagtanggol niya nitong umaga. Kung bakit masyado siyang drawn dito ay hindi niya alam. Pero marahil ay nakikita niya ang dalagitang iyon sa kababata niyang na-kidnap kasama niya sampung taon na ang nakararaan. Gustuhin man niyang damayan ito upang mabilis na maka-recover, sakto namang isinama siya ng mga magulang sa ibang bansa. Pero ngayong nakabalik na siya ay gagawa siya ng paraan upang makitang muli ang kababata. Saan na kaya sila nakatira? Hindi na siya makapaghintay na makauwi, magkulong sa kanyang silid, at buksan ang kanyang laptop. Paniguradong may social media account ito. Ang problema'y hindi niya batid ang tunay na pangalan nito. He only knew his childhood friend as PenPen. Her mother's name was Persephone and her father was Ezekiel. Wala namang imposible. I'm sure makikita ko rin siya within this... Iñigo paused when he was about to approach his car in the parking area. Paano'y sa 'di kalayuan, nahagip ng kanyang paningin ang pigura ng dalagitang ipinagtanggol niya kanina. Kahit sa malayo ay halata niyang malumbay ang ekspresyon ng mukha nito. Ngunit agad na ngumiti nang makasalubong ang isang matangkad na lalaki sabay yakap dito. "Wait, I know him." Humakbang pa si Iñigo habang kinikilala ang malaking lalaki. Doon niya napagtanto kung sino ito. "That's right. He is Tito Ezekiel, Dad's bestfriend." Muli siyang tumingin sa dalagitang kaakbay ng kanyang tito at biglang sumilay ang ngiti sa kanyang mukha. "Penpen? Ibig sabihin, 'yong girl na kinulong kanina sa banyo ay walang iba kundi siya?" Masaya niyang namukhaan ang kababata kaya hindi na siya nag-aksaya ng pagkakataon at lumakad papunta rito. Ngunit sumakay na si Penpen sa kotse at ilang sandali lang ay papalayo na ito. Worried to lose her again, Iñigo quickly slid inside his car, twisted the key in the ignition, and followed the SUV where Penpen was. Matiyaga niya itong sinundan kahit na ilang beses lumiko sa highway. Ang balak niya ay businahan ang nagda-drive kapag malapit na siyang dumikit. Ngunit akmang tatapatan na niya ang bintana nito nang maabutan siya ng traffic light sa intersection. Tuloy, muling nakalayo ang sasakyan hanggang sa mawala sa kanyang paningin. He lost her... again. "Damn it!" bulong niya at hinampas ang steering wheel. Nasita pa siya ng katabing sasakyan nang umalingawngaw ang kanyang busina. He decided to go home. Pagbungad pa lang niya sa sala'y namataan niya ang kanyang mga magulang na nag-uusap at magkahawak ang mga kamay. It had been years, pero hanggang ngayon ay halata niya ang pagka-sweet ng mga ito sa isa't isa, bagay na lubos niyang ipinagpapasalamat. Hindi katulad ng iba niyang mga kaibigan sa abroad na kung hindi may kabit ang isa sa magulang ay broken family naman. "Oh hi, son!" bati ng kanyang ina. Kahit na lagpas na siya sa pagiging teen ay niyayakap pa rin siya nito na parang paslit. Gayunman, hinahayaan lang niya basta huwag lang may makakakitang ibang tao. Nakakahiya. "M-mom..." humihingal na bulong ni Iñigo. "I saw her." Kumunot ng noo ang kanyang ina ngunit nakangiti pa rin? "At sino naman ang nakita mo? Teka, bakit parang pagod na pagod ka? Parang may humabol sa 'yo." "It was the other way around, Mom. Ako ang may hinabol pero hindi ko naabutan—it was Penpen. I saw her. Sa Alta Gracia din siya nag-aaral," Iñigo said, running for his breath. Nagpalipat-lipat ang paningin niya sa mga magulang. "Pero hindi ko alam exactly ang classroom niya. At sa labas, nakita ko rin siya with Tito Ezekiel." "Oh, really?" Tumayo ang kanyang daddy at lumapit din sa kanya. "Matagal-tagal ko na ring hindi nakikita si Sanches. But it seems like they are doing great." "Ako nga rin, nami-miss ko na si Persy. At dahil diyan kaya tinawagan ko siya ulit kanina," masiglang sabi ng kanyang ina. "At ano naman ang sinabi mo sa kanila, Mom?" Iñigo asked. "By the way, can I have her number? Or Tito Ezekiel's number. Mangangamusta lang naman." Nagkatinginan ang kanyang mga magulang at bumaling sa kaya ang kanyang ama. "No need, Yigo. Dahil bibisita tayo sa kanila ngayon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD