Chapter 4

1141 Words
Kung minamalas nga naman, hindi akalain ni Pennee na ang muling pagkikita nila ng babaeng bully ay doon pa mismo sa klase. Kaklase pa pala niya ito. So, siya pala ang tinutukoy ni Sir Carlos na anak nitong bagong transfer. Pailing-iling siya habang tinungo ang basurahan at hinulog ang bola ng papel. Nais niyang ibato ito pabalik kay Scarlet. Ngunit ano ang susunod na mangyayari kung ibabalik niya rito ang kalokohan? She sighed and looked at Scarlet. "Sa susunod, matuto kang magtapon sa trash bin, okay? Kahit may janitor na pumapasok dito, wala sa mga kaklase ko ang nagkakalat." "Anong sabi mo?" Scarlet gritted her teeth. Tumayo siya at nilapitan si Pennee. "At sino ka para pagsabihan ako ng dapat kong gawin? May tumulong lang sa 'yo na makalabas, matapang ka na. Hindi ka rin nagtatanda. Gusto mo sigurong hindi matahimik ang natitiramong months dito, ah!" "Bakit? Ano na namang balak mo? Kabago-bago mo sa campus, naghahasik ka na ng lagim." SHe crossed her ams and raised her chin. "Subukan mong manakit ulit, kahit tatay mo pa si Sir Carlos, hindi ako natatakot. Akala ko pa naman, mabait ka. Pinagmamalaki ka pa naman niya. 'Yon pala, kabaligtaran ka ng ugali ni Sir. Siguro, hindi ka niya napapagalitan, 'no?" Doon nag-umpisa na magbulungan ang kanilang mga kaklase. Ang iba'y nagtatawanan pa. Si Dolly ay hindi nakaimik. Samantala, si Tala na nakaupo sa unahan ay tila naninigas sa puwesto nito. "Huwag mong isali sa usapan si Dad, you b*tch!" "At bakit hindi? Anak ka ng guidance counselor, you are supposed to be a role model to all of us here. Pero unang salta mo pa lang, hinihiya mo na si Sir Carlos." "Sinabi nang huwag mo siyang idadamay!" sa galit ay itinulak ni Scarlet si Pennee. "Pennee, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Dolly nang umupo siya sa tabi ng natumbang dalagita. "Okay lang ako." Pinilit ni Pennee na ngumiti sa kaibigan kahit bahagyang kumirot ang kanyang likuran. Hindi biro ang tumama sa upuan. Iniinda man ang sakit nito, tumayo siya na hindi nagpapaalalay kay Dolly o sa iba nilang kaklase na lumapit din sa kanya. Matapos niyang magpasalamat sa mga ito, bumaling siya kay Scarlet na tila sinisilihan sa pamumula. "Mahilig ka ba talagang manakit? Nagiging masaya ka ba kapag ginagawa mo 'yan? Alam mo ba na—" Biglang natigilan si Pennee. Sumingit kasi sa mainit nilang komprontasyon ang tunog ng nagri-ring niyang cellphone. She took a deep breath when she read the name of her father on the screen. "Si Daddy." "Hayan, sige, magsumbong ka na!" pang-aasar ni Scarlet, at nag-back up din ng pang-aasar ang mga kabarkada nito. "Huwag kang mag-alala, wala akong pagsasabihan," ani Pennee at kinuha ang bag sa upuan. "Pero kung manakit ka ulit ng iba, hindi ako magsasawa na pagsabihan ka at dalhin ka sa office ng guidance counselor." Nginitian niya ang bully na kaklase at lumabas na. *** Kung gaano kasaya ang iba dahil sa wakas ay tapos na ang boring na klase, si Iñigo ay nananatili pa ring nakasalampak sa kanyang upuan. At dahil wala na ang matandang guro ay itinaas niya ang mga binti sa mesa katabi ng kanyang keyboard. By the way he pressed his chin with his fingers, halatang malalim ang iniisip niya. Iyon nga lang, hindi ito tungkol sa iniwang activity sa kanila tungkol sa programming. Actually, he knew more than their textbook contained, or maybe more than his professor was teaching them. He could hack the school's system if he wanted to. Para saan pa't anak siya ng isang computer genius at kasalukuyang CEO ng FlexiRadix , ang nangungunang IT company sa buong bansa. Ito nga rin ang pinakamalaking supplier ng hardware products sa Kamaynilaan, kabilang na ang unibersidad niya ngayon. Inigo sighed. Bumaba ang kamay niya sa keyboard at sinalat ang ibaba na parte nito kung saan nakaukit ang salitang FlexiRadix IT. Ngunit sa pagkakataong ito, mas laman ng kanyang isipan ang babaeng matapos niyang tulungan kanina ay tinakasan lamang siya. She didn't even manage to thank me. Are the girls in this school similar to her? Bahagya siyang natawa sa naisip. Ano naman kung tinakbuhan siya nito? Dahil ba kahit luhaan na ito ay maganda pa ring titigan ang mga mata? The girl had silvery gray eyes, unlike those regular Pinay girls with black to dark brown eyes. Natutukso nga siya kaninang pahirin ang mga luha sa pisngi ng dalagita, ngunit mas concern siya sa mga kamay nito. Well, I hope she's okay now. Sa bilis niyang tumakbo, mukhang hindi naman siya nasaktan, he thought. Mayamaya'y napangisi na naman siya. Funny, she is the first ever girl to run away from me. Literally. Sanay kasi siya na siya mismo ang tumatakbo palayo sa mga ito. Mabuti na lamang at nakauwi na sila sa bansa at hindi siya sinundan ng mga babaeng kanyang pinaasa doon sa New York. Pero ngayong nasa Pilipinas na siya, katulad ng payo—o warning—ng kanyang dad ay dapat mas pagtuunan niya ng pansin ang pag-aaral. Ito ay dahil siya rin naman ang magmamana ng kompanyang nagmula pa sa kanyang lolo. Nakahanda na nga ang kanyang upuan sa administration office dahil sa susunod na taon ay makaka-graduate na siya sa kolehiyo. Speaking of his lolo, ito rin ang dahilan kung bakit sila biglaang bumalik sa bansa. The old man was sick, seriously sick. Hindi naman problema ang pampagamot, gayunman, tila pagod na ito at nais na lamang maghintay na sunduin ng liwanag. Biglang nanlumo si Inigo nang sumagi sa isipan niya ang kalagayan ng kanyang lolo. Kailangan ko na palang umuwi. Dadalaw pa pala kami sa ospital. Akmang tatayo na siya nang biglang may babaeng umupo sa bakanteng puwesto sa tabi niya. Her hands had already landed on his arm, giving it a hard squeeze. Kunot-noong binalingan niya ang babae. "Yes?" Malawak na ngumiti ang babae at ipinamalas ang perpektong set ng mga ngipin niya. She was one of those brown-eyed ladies that he expected. Ngunit may kakaibang charm ang malagkit nitong pagtitig—it was intense and mesmerizing. "I've been in Alta Gracia since grade school, pero ngayon lang kita nakita. May I know your name, handsome?" Imbes na sumagot ay tinitigan ni Inigo ang kamay ng babae na ngayon ay nakapulupot na sa kanyang braso. Sigurado ba siyang pangalan ko lang ang gusto niyang kunin? "Bitiwan mo muna ako." The lady with thick lashes and bright red lips was taken off guard. Bahagya mang nadismaya ay pinilit niyang muling ngumiti. "Oh, sorry kung nabigla kita. Ganito lang talaga ako ka-friendly. I'm Vanessa, by the way. And you are...?" Inilahad niyo ang kamay. Nagbuntong-hininga ang binata. "Iñigo." Kahit napipilitan ay tinanggap niya ang malambot na kamay nito. Ngunit mabilis din niya itong binawi at isinilid sa bulsa ng kanyang pants. "Nice meeting you, but I have to go."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD