Chapter 3

1186 Words
The next thing she knew, sarado na ang pinto ngunit nakaupo na rin siya sa kanyang puwesto. Abot-abot ang kanyang paghinga habang pinapahid ang butil-butil na pawis sa kanyang noo. Ngayon lang siya tumakbo na tila si Tasmanian Devil. Pero nagpapasalamat pa rin siya at nakaabot sa takdang oras. Tumikhim ang guro at inilapag sa unang row ang bundle ng test papers. "Get one and pass to your left. Once na may papel na kayo, puwede nang sagutan 'yan at bawal na magsalita, understood?" Humihingal pa rin si Pennee nang kalabitin siya ng kanyang katabi. Nang lingunin siya nito ay iniaabot ang test questionnaire. "Uy, saan ka ba nanggaling, Pennee? Bakit ang tagal mo, samantalang nakita kita na maaga namang pumasok, ah. Marami bang ipinagawa si Sir Carlos?" Pabulong ang pagkakatanong niya ngunit madiin. Pasimpleng sumulyap si Pennee sa propesor, saka siya bumulong pabalik sa katabi. Inilapit pa niya ang mukha sa tainga nito. "Mahabang kuwento, Dolly. Mamaya ko na sasabihin sa 'yo pagkatapos ng klase," she whispered under her breath. Bumuka ang bibig ni Dolly upang magtanong pero inagapan niya ito nang magsenyas siya ng quiet, sabay, "Shhh..." Marahang tumango na lang si Dolly at yumuko na rin sa sarili niyang papel. Kahit ilang minuto na ang nakararaan ay mabilis pa rin ang pintig ng puso ni Pennee. Hindi ito dahil sa mga tanong sa exam. In fact, wala pa siyang nadaraanan na hindi niya alam sagutin. Ngunit tila ligalig pa rin siya hanggang ngayon ay dahil sumasagi pa rin sa isip niya ang nangyari kanina. Paano na lang kung hindi ako nakaabot? Sino ba kasi ang babaeng iyon na napaka-bully? At sino naman ang lalaking iyon na nag-serve as superhero ko? Tumigil sa huling katanungan ang kanyang atensyon. She was sorry because she walked away from him without thanking him properly, samantalang kung hindi dahil sa lalaking iyon ay hindi na siya makakapag-exam. Sana ay makita ko pa siya. Pero paano? Hindi naman siya mukhang estudyante rito. After solving the equation in the second page of her paper, saka nag-flash sa kanyang isipan ang suot ng lalaking nagligtas sa kanya. May logo ng Alta Gracia University ang polo nito. Pero kulay itim ang damit. So, it means... it means dito rin siya nag-aaral pero... pero nasa college na siya. Hindi siya maaaring magkamali, since his chest was the first thing she noticed. Naroon sa parteng iyon ang logo ng college department ng kanilang unibersidad. Ano naman kaya ang ginagawa niya sa high school building? Nagkibit-balikat na lang siya sa sariling tanong. Ang mahalaga ay naroon ito sa pagkakataong kinakailangan niya. Ngunit hindi pa rin niya maiwasang mamangha sa itsura nito. Kahit seryoso ang mukha ay napakaguwapo. At kahit iyon ang unang beses nilang magkita, pakiramdam niya'y may koneksyon sila sa isa't isa. He looked familiar. So familiar. "Uy, Pennee, bakit ngumingiti ka riyan?" pabulong na tanong ni Dolly. "Ang hirap-hirap ng exam tapos masaya ka pa? Sana all, nadadalian." Pasimpleng kumiling si Pennee sa katabi. Her eyes were wide, her cheeks were red. Hindi niya ma-imagine ang itsura niya habang iniisip ang lalaking iyon. Paniguradong mukha siyang tanga. "Ano ka ba, ang hirap kaya ng exam," aniya at mabilis na yumuko sa papel niya. Mahirap na kung mahuhuli sila ng propesor at mapalabas nang wala sa oras. Ayaw niyang mabalewala ang pagtatanggol sa kanya ng estrangherong tagapagligtas niya. Ano ba 'yan? Bakit hindi ko na siya makalimutan? She sighed and shook her head. Tila hirap na hirap siyang sagutan ang questionnaire. Pero ang totoo ay nagko-compute na siya ng solution sa ikatlong katanungan sa pangatlong pahina. Hanggang sa makalipas ang sampung minuto ay tumayo na siya upang ilapag sa mesa ng propesor ang kanyang papel. "Finished na po ako, Ma'am." Pinahapyawan ng guro ang papel ni Pennee, saka tumango ito. Hindi na nabibigla ang kanilang propesor dahil kadalasan ay siya talaga ang isa sa mga unang nagpapasa ng papel. "Good. Sige, you can get back to your seat. Pero hindi ka pa rin puwedeng magsalita at humawak ng cellphone," paalala nito at inayos ang makapal na salamin. "Okay po. Excuse me po, Ma'am." Tumango siya sa guro at bumalik na sa kanyang upuan. Tatapik-tapik lang siya sa kanyang desk habang naghihintay ng oras. Ramdam niyang sumusulyap sa kanya si Dolly ngunit hindi niya ito nililingon, hindi dahil sa ayaw niyang pagsuspetsahan sila ng guro, kundi naglalaro pa rin sa isipan niya ang imahen ng lalaking iyon. Naroon pa rin kaya siya? aniya sa sarili habang ang kanyang mga daliri ay patuloy sa pagtapik sa kanyang desk, animo'y may invincible na piano na nakapatong sa kanyang desk at kanyang tinutugtog. Imposible. Hindi naman siya tatayo sa tapat ng banyo habambuhay. I'm sure, wala na siya ro'n. Nang tumunog ang bell at lumabas ang guro ay saka nakahinga nang maluwag si Pennee. Sa wakas ay nakaraos siya sa huling exam. Makakauwi na rin siya nang maaga at maghahanda para sa pagdating ng kanyang ninong at ninang. She was thrilled to imagine the gifts they were about to give her. Akmang tatayo siya nang tapikin ni Dolly ang balikat niya. "Uy, sandali, Pennee. May utang ka pa sa 'kin." She tilted her head and frowned. "Kailan ako umutang sa 'yo?" Natatawang inilapit pa lalo ni Dolly ang upuan niya kay Pennee. "'Yong mahabang kuwento na binanggit mo kanina, nakalimutan mo na ba?" Pennee pressed her lips tight together. Then she laughed awkwardly. "Naalala mo pa pala 'yon?" "Oo kaya. Nakakaintriga ka kasi," ani Dolly at inilapit na ang mukha sa kanya. Sa sobrang lapit ay mabibilang na ni Pennee lahat ng mga nunal nito sa noo at pisngi. "So, ano na? Bakit na-late ka na parang hinabol ng aso? Ano ba talaga ang nangyari kanina." Pennee blinked twice and said, "May nagkulong sa akin sa banyo." Dolly's jaw dropped. "Wait, what? Sino'ng nagkulong sa 'yo? Bakit? At paano ka nakalabas?" Sasagot na sana si Pennee nang biglang may bumato sa kanyang ulo. Hindi ito masakit dahil nilamukos na papel lang. Ngunit namula pa rin siya sa pagkairita. Why would someone do that in their class? Mabilis niyang pinulot ang bola ng papel sa sahig at tumayo sa kanyang kinauupuan. "Okay, sino ang bumato sa akin?" mahinahon niyang tanong habang iginagala ang paningin sa klase. Ang iba sa mga ito ay nakalabas na ng silid pero may mga naiwan pa rin dahil abala sa pakikipagkuwentuhan. Ang iba nga'y napalingon pa sa kanya. "Sinong bumato sa akin? Hindi ba kayo marunong magtapon sa trashcan?" "Ako. May problema ba?" Pennee glanced over her shoulder towards the source of the response. Ilang segundo niyang tinitigan ang grupo ng mga babae na nakaupo sa dulong row. Nang makilala niya'y nabitiwan pa ang hawak na bola ng papel. "I-ikaw?" Nagpalipat-lipat ang paningin ni Dolly kay Pennee at sa mga babaeng nagtatawanan sa huling helera ng mga upuan. "Kilala mo na pala siya, Pennee? Bagong transfer siya rito. At sabi ni Ma'am, anak daw siya ng guidance counselor, si Sir Carlos." Pennee raised her head and took a deep breath. "Oo, kilala ko siya. Siya lang naman ang nagkulong sa akin sa banyo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD