Chapter 2

1018 Words
"Buksan n'yo 'to!" Salitan ang mga braso ni Penelope sa pagpukpok sa makapal na pinto ng comfort room. "Ano ba! Hindi ako puwedeng magtagal dito. May exam pa ako kaya buksan n'yo ang pinto, pasaway kayo!" Kung gaano katinis ang boses niya na halos pumunit na sa kanyang lalamunan ay ganoon naman kalakas ang tawanan ng mga babae sa kabilang bahagi ng pinto. Halata sa mga ito na nasisiyahan sa kanyang kalagayan. "Huwag mong sabihin na hindi kita binalaan," pahalakhak na sabi ng babae sa kabila. "I told you to get away, pero hindi ka nakinig. Nakialam ka pa rin kaya 'yan ang napapala ng mga katulad mong masyadong pabida!" Disturbing laughters vibrated through the door. Samantalang si Pennee naman ay napaatras nang ilang hakbang sa pinto. Mangiyak-ngiyak siyang sumulyap sa kanyang relos at lalong dumagundong ang kanyang puso nang makitang walong minuto na lang bago ang takdang oras ng kanyang klase-ng kanyang exam. Kung hindi niya ito makukuha, katapusan na niya. Mabuti sana kung maluwag ang kanilang professor. Ang problema'y isa ito sa pinakamabagsik na guro sa kanilang unibersidad. What will I do? I am so dead! Hindi ako puwedeng bumagsak. Ano na lang ang sasabihin nina Mommy at Daddy? Her head spun, and she felt like vomiting, just the thought of it. She could imagine the dismayed faces of her parents, at ang nang-aasar na mukha ni Kiel. Nagpahid siya ng mga luha at bumaling sa mga bintana. Tumakbo siya rito at dumungaw. She gulped hard. Ang mga bintana na lamang sana ang tanging lagusan palabas ng banyo, ngunit batid niyang hindi siya mabubuhay kapag doon dumaan dahil nasa 3rd floor sila. Oh, Lord, please help me! She sprinted back towards the door. Desperada na kung desperada, pero wala siyang ibang naisip kundi ang makiusap sa mga babaeng iyon na tila ipinaglihi ng kanilang mga magulang sa mga kontrabida sa telebisyon. "O-okay... s-sorry na." Dinig niya ang pagpiyok sa kanyang tinig. Kahit batid niyang nakakandado ito ay pinipihit pa rin niya ang doorknob. "Kasalanan ko na. Hindi ako dapat nakikialam sa inyo, kaya please... let me out of here." "Sorry is not enough, poor girl," saad ng babae sa kabila. "You need to do something for me para patawarin kita. Is that okay with you?" "At ano naman 'yon?" Pennee squeaked like a mouse. Goodness gracious, hindi siya makapaniwala na sa pinakamahalagang araw ng kanyang buhay ay nakikipag-bargain siya sa isang witch! "Sabihin mo na, para makalabas na ako rito!" Muli siyang sumulyap sa kanyang orasan. Nanlaki ang kanyang mga mata nang mamataan na limang minuto na lang. Pikit-mata siyang napahampas sa pinto. "Fine, I'll do anything you say. Basta palabasin n'yo na ako!" "Open that door." Makailang beses na kumurap-kurap si Pennee nang makarinig ng ibang boses mula sa labas ng pinto. It wasn't one of the girls. It wasn't even a female voice. Buo at malalim ang tinig na iyon na wari'y sumasadsad sa lalamunan. "Ang sabi ko, buksan ninyo ang pinto na 'yan!" the male voice ordered. Lalong lumakas ang authority nito dahil sa timbre at diin. "Eh, 'di ikaw ang magbukas kung gusto mo!" "Let's go, Scarlet. Balikan na lang natin siya." "Oo nga. Tara na at baka tayo naman ang bumagsak!" "Fine, let's go!" Dinig ni Pennee ang papalayong mga tinig na may bahid ng pagkataranta. Ilang saglit pa at napasinghap siya nang bumukas ang pinto. Inihayag nito ang isang matangkad na lalaki. "Are you okay, miss?" Dahil kapantay lamang ng kanyang mukha ang malapad nitong dibdib, dahan-dahang tumingala si Pennee. Ilang segundo rin siyang natulala dahil hindi maikakaila na may itsura ito. Eyes were chocolate brown and gazed like a fierce warrior. Hair was short and messy. His jawline was broad and strong. Nagkamali siya. Hindi lang ito may itsura kundi ubod nang guwapo. Parang isa ito sa mga modelo ng signature shirts na nakikita niya sa billboards. "Do you even speak? Hindi ka naman siguro mute dahil narinig pa nga kitang sumisigaw kanina." Pennee blinked again, pulling herself back to reality. "A-ano?" "Okay ka lang ba?" This time, the stranger guy didn't wait for her to respond, dahil napansin nito ang namumulang mga palad ng dalagita. "Oh, no. Miss, I think we should go to the clinic. Namamaga ang mga kamay mo." W-what?" Dahan-dahang bumaba ang paningin ni Pennee sa magkahawak nilang mga kamay. Doon niya napansing namumula ang mga palad niya na tila kamatis. Gayunman, hindi siya nakakaramdam ng kirot dahil mas pansin niya ang pagkakalapat ng kanilang mga kamay. Her hands just fitted so right in his large hands, as though they were made for his own. "Come with me. Dadalhin kita sa clinic at baka may pilay na ang mga kamay mo. I might as well report those brats that bullied you." Pennee gasped when the strange young man grabbed her arm. Doon din siya tila natauhan. Clinic? Hindi. Kung may dapat akong puntahan ngayon, hindi iyon sa clinic kundi sa klase ko! Nakakailang hakbang na sila palabas ng pasilyong iyon nang hilain ni Pennee ang braso sa lalaki. Dahil sa pagtataka ay kunot-noo itong napahinto at bumaling sa kanya. "Why did you stop? Hindi ka rin ba makalakad? Gusto mo bang kargahin na lang kita?" "No!" Pennee cried as she stepped back. "No? What do you mean no?" Mabilis na umiling-iling ang dalagita. "I... I need to go!" "Okay. But wait, what's your name again?" Pennee sprinted like a cheetah away from him. Goodness, three minutes na lang at katapusan na ng kanyang mundo! Pakiramdam niya'y may bomba na sasabog kapag hindi siya nakaabot sa takdang oras. Fifty seconds left, at tanaw na niya ang kanilang classroom. Pero sa pagkakataong ito, mas mukhang finish line ng marathon ang tingin niya rito kaysa sa pinto nito. Lalo pa niyang binilisan ang pagtakbo nang tumambad ang malaking pigura ng kanilang propesor. Natanaw na siya nito at pinanliliitan pa siya ng mga mata. Ngunit imbes na hintayin siya ay humawak na ito sa doorknob ng pinto upang isara ang classroom para sa pagsisimula ng exam. "Ma'am, sandali po!" "You are too early for the next class, Penelope Sanches!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD