Chapter 1

1579 Words
"Do you still remember your friend, Yigo?" Natigilan sa pag-inom ng gatas si Pennee. She looked at her mother sitting across from her on the dining table. Ibinaba niya ang baso at nagpunas ng tissue sa bibig. "Yigo? Who's Yigo?" Nagtapunan ng tingin ang kanyang mga magulang. Of course, sa tagal ng panahon ay nakalimutan na ng dalagita ang kababata niya. Though she was forced to forget about that part of her childhood. Noong umalis sina Yigo dahil sa family business matters, nagkaroon ng night terrors si Pennee. Nati-triggered ito ng karanasang sinapit niya sa mga kidnaper noon. So, her worried parents sent a psychologist to treat her problems. Sa kabutihang palad ay naka-recover siya. At habang lumalaki ay unti-unti na ring nakalimutan ang mapait na nakaraan. Her mother, Persy, shifted back to her and smiled. "Siya ang playmate mo noong five years old ka, Pennee. Anak siya ng Ninong Nolan mo." "Oh!" Tumaas ang mga kilay ni Pennee. "Really?" "Ibig sabihin ba nito, naaalala mo na si Yigo?" tanong ng ama niyang si Ezekiel. She smiled for a while before it faded. "Sorry, hindi pa po. Pero natatandaan ko si Ninong Nolan sa pangalan kasi nakasulat 'yon sa mga ipinapadala niyang regalo tuwing birthday ko at Christmas." "Hey, hindi lang ikaw ang pinapadalhan nila. Ako rin kaya!" Pennee narrowed her eyes. Bumaling siya sa katabi na nakangisi sa kanya. "Everybody knows that, Kiel. Pero hindi naman kasi ikaw ang tinatanong dito. Ako, right?" The ten-year-old boy in his school uniform shrugged off. "I know. Pero kahit ako, hindi rin kilala ang Yigo na 'yan. Sino ba siya, Mommy?" Binitiwan ni Persy ang kanyang kubyertos. She was finished eating, anyway. "Hindi mo pa kilala ang tinutukoy ko, Kiel. Hindi ka pa ipinapanganak noong nag-abroad ang family niya. Pero ang ate mo, kalaro siya dati. Well, kalaro ng mga pinsan n'yo. Pero mas malapit siya sa ate mo." "If you don't mind, Mommy, bakit tinatanong mo sa akin kung kilala ko pa siya?" Pennee asked. "Two weeks ago, tinawagan ako ng Ninang Innah ninyo. Narito na raw sila sa Manila," Persy said, smiling. Lalo tuloy niyang nagiging kamukha ang anak na babae. She was the older version of Pennee, anyway. "...at tumawag ulit siya kanina. Sinabi niyang bibisita raw sila mamayang gabi!" Pennee beamed in amazement. Hindi iyon dahil sabik siya na makita ang taong ni hindi nga niya alam kung nag-e-exist. Kaya siya natutuwa ay dahil personal na niyang makikita ang kanyang ninong at ninang. Ang totoo'y kilala lang niya ang mga ito dahil sa pangalan. But since they were arriving sooner, it meant more gifts would arrive too! Kaya nga bago siya pumasok sa school ay pipiliin na niya ang damit na isusuot nang sa gayon ay hindi siya magahol mamaya. The last thing she would want was to look haggard in front of them. She knew she didn't look cute all the time, especially that she just got from a bloody battle—from a brain-draining exam, rather. At sa kasamaang-palad ay sasabak na naman siya sa 'gera' mamaya. Pero naiintriga pa rin siya sa Yigo na iyon. Kailan pa siya nagkaroon ng kalarong lalaki? Ang natatandaan niya lang noong five years old siya ay ang kanyang mga pinsan na kinse anyos na rin katulad niya ngayon. *** Nakagawian na ni Pennee na bago pumasok sa klase ay bumibisita muna siya sa isang opisina katabi ng faculty building. The office was actually called Students' Help Club. It was a club she established last year when she was in grade nine. She was a student representative, anyway. At ngayong nasa grade ten na siya ay patuloy pa rin itong sinusuportahan. Thanks to her parents who were the major sponsors of the said club. At sila rin ang inspirasyon ni Pennee na tulungan ang mga kapwa niya estudyante. After all, they were the owners of the biggest charity institution in Manila—maybe in the whole country. Opening the door, Pennee nodded and smiled at the man in a button-down shirt sitting on the swivel chair. "Good morning, Sir Carlos." Umangat ang mukha ng matandang guro sa itaas ng monitor ng desktop computer nito. Nakangiti rin ito ngunit may bahagyang pagkagulat. "Good morning din, Penelope. Teka, bakit narito ka? May exam kayo, 'di ba?" "May forty-five minutes pa naman po ako, kaya okay lang na dumito muna ako. May kukunin din po kasi akong folder ng potential scholars kasi balak ko pong magpa-update ng list sa registrar's office mamaya." "Ah, gano'n ba? Very well, madaragdagan na naman ang matutulungan ng parents mo. Talagang hulog sila ng langit sa Alta Gracia University," he said proudly. "Kayo rin naman po, Sir Carlos. Malaki po ang naitutulong ninyo dito sa club. Kung hindi dahil sa guidance ninyo, mahihirapan pong patakbuhin ang club na 'to. Marami na po kayong natulungan in terms of moral support. Kayo po ang lagi nilang takbuhan kaya mahal nila kayo na parang pangalawang tatay." The guidance counselor smiled sadly. "You don't need to thank me, hija. Trabaho ko naman ito. I hope, sana matulungan ko rin ang sarili kong..." He paused. Mayamaya'y huminga nang ubod-lalim. "By the way, nag-transfer pala ang anak ko rito. At baka maging classmate mo pa siya." Natigilan si Pennee sa pagbabasa ng papel habang nakaupo sa couch. "Talaga po, Sir? What's her name?" "She's Scarlet," maiksi nitong tugon at biglang yumuko. "I'm excited to meet her," Pennee whispered while skimming through the names on the paper. Batid niyang magkakasundo sila. She was thinking that Scarlet might be as kind as her father. *** Habang naglalakad sa pasilyo ay patingin-tingin si Pennee sa kanyang relos. She only got eighteen minutes left. Kung maaari nga ay mag-teleport na siya papunta sa kanilang classroom upang hindi mahuli. Nagbilin pa naman ang kanilang guro kahapon na eksaktong alas-otso ay isasarado ang pinto. At ang maiwan sa labas ay awtomatikong gagawaran ng markang itlog. Her nerves were shivering in panic just by thinking of that. "Palabasin n'yo ako rito!" Pennee halted in front of the hallway leading to the comfort room. Sino ba naman ang hindi makakarinig sa umaalingawngaw na tinig na iyon? She looked around. Siya lang pala ang naroon dahil nasa kaniya-kaniyang mga klase na ang lahat. Lalo tuloy naninindig ang kanyang mga balahibo. She felt like committing a big sin upon being out of the class during an exam day. "Maawa ako sa akin! May exam pa ako kaya buksan n'yo ang pinto!" "At bakit ko naman gagawin ang sinasabi mo? Matapos mo akong tapunan ng juice? You ruined my blouse, kaya pagbabayaran mo ang ginawa mo!" Hindi na nakatiis si Pennee at pumihit siya sa direksyon ng banyo. Doon ay nakita niyang nagsisitawanan ang isang grupo ng mga estudyante sa labas ng pinto. Tatlo sa kanila ay bahagyang pamilyar sa kanya dahil nakikita na niya ang mga ito mula pa noong grade seven. Pero ang isa sa kanila na mas matangkad, hanggang kilay ang bangs, at maraming suot na porselas, ang hindi niya talaga kilala. Lumapit pa siya nang ilang metro. "Anong ginagawa n'yo diyan? Sinong nasa loob?" Huminto sa tawanan ang grupo ng mga babae. As they lose the smile, they began shooting sharp stare at her that could slice the heavy air. Lumapit ang babae na ngayon lang niya nakita. Crossing her arms over her chest, the girl stood in front of her, scanning her from head down to shoes. "Back off. Kung ayaw mong madamay dito." Mahina ang tinig nito ngunit may diin. "What?" Pennee raised a brow. Nang muling sumigaw ang tao sa loob ng banyo ay muli siyang naalerto. "Okay lang ba kayo? Nag-detain kayo ng babae sa loob ng banyo?" "So?" the fierce girl asked in a higher tone. "May kasalanan siya sa akin. Nakikita mo naman, 'di ba? Dinumihan niya ang blouse ko. Kaya kung ayaw mong pag-initan kita, umalis ka sa harapan ko!" "Sinong tinakot mo? Bakit, ikaw ba ang may-ari ng school na 'to para mang-harass ka?" Pennee snapped. Hindi niya pinansin ang pamumula ng mukha ng babae. Balewala rin sa kanya na sikuhin ito at hawiin na parang dayami ang tatlo pang babae na nakaharang. "Tumabi nga kayo!" When she opened the door, the sight of a terrified girl welcomed her. Lalong nanikip ang kanyang dibdib dahil nalaman niyang kaklase pala niya ito. "Sige na, Tala. Lumabas ka na." She tipped her chin towards the corridor. Napayakap ang kaklase niya sa kanya. "Oh, thank you, Pennee. Pero sabay na tayo!" "Mauna ka na at kakausapin ko lang sila saglit," Pennee said while patting her classmate's back. "S-sige. Bilisan mo lang, okay?" Matapos magpasalamat ay tumakbo palayo si Tala na tila may tinatakasang sunog. Pennee, on the other hand, was still facing the comfort room as she approached the unfamiliar girl. "Siguro transferee ka rito, miss. Ngayon lang kasi kita nakita. Pero sorry, kailangan kitang dalhin sa guidance counselor. Hindi kasi uso sa school na ito na kapag may kagalit ay ikinukulong sa banyo." "No way! At wala akong pakialam. Pero dahil pinakawalan mo siya, ikaw ang magbabayad sa kasalanan ng engot na 'yon!" "H-huh?" Pennee was about to turn her head to the girl when suddenly, somebody pushed her into the comfort room. "Anong—" Pagharap niya sa pinto ay sarado na ito. "Hey!" She tried to twist the doorknob. Sa kasamaang palad ay kandado na ito. Biglang binalot ng takot ang kanyang puso. "This can't be. May exam pa ako ngayon!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD