Chapter 17

1995 Words
Matiyagang naupo si Pennee sa isang sulok doon sa library. Hinihintay niya kasing matapos ang meeting ni Instructor Yuan kasama ng ilang mga estudyante. Sa tema ng usapan ng mga ito ay halatang mga player sa iba't ibang sports. Sabagay ay ilang araw na lang ay sasapit na ang Intrams kaya todo asikaso ito. Mukhang matatagalan pa sila, she thought. Ang tinatanaw niyang tao ay bigla kasing humarap sa white board at nagsulat. Nakagat niya ang labi habang nag-iisip ng gagawin. Ano kaya kung mag-excuse ako sa kanila para makausap siya. Bigla siyang napailing at binura sa isipan ang ideyang iyon. No, that's so rude. Sasabihin ko pa naman na aatras na ako. Tiyagaan ko na nga lang na maghintay. Napabuntong-hininga si Pennee sabay sulyap sa cellphone niyang nasa ibabaw ng mesa. Oo nga pala. Susunduin pala ako mamaya ni Yigo. I-chat ko na nga ngayon at baka pagalitan pa ako kapag hindi niya ako natagpuan sa klase. With that. She opened the messenger and her thumbs simultaneously punched the words. Yigo, if ever na hindi mo ako makita sa classroom, nandito ako sa library, ha. Dito na lang kita hihintayin kasi kakausapin ko lang 'yong instructor sa intrams. Matapos nito'y ipinatong niyang muli ang phone sa mesa at umangat ang mukha kay Instructor Yuan na seryoso sa pagbibigay ng mga tuntunin sa players. Hindi pa man nagtatagal ay tumunog ang kanyang phone. Dali-dali niyang binasa ito. She was smiling while opening Yigo's reply. Paniguradong mahaba na naman ang speech nito, gayong ang posibleng sagot lang naman sa kanyang mensahe ay, 'OK'. Pero dahil kilala niya si Yigo, katakot-takot na bilin na naman ang sasabihin nito. Their previous conversations could prove that. Ngunit dahan-dahang natunaw ang matamis na ngiti ni Pennee nang mabasa ang mensahe. Sorry, girl. Hindi ka susunduin ng BOYFRIEND KO. He is too busy with me, kaya kung okay lang sa 'yo, magpasundo ka na lang sa iba. Understood? Makailang beses siyang kumurap habang paulit-ulit na binabasa ang chat nito. For some seconds, her mind failed to comprehend the message. She even questioned herself if she texted the right person. Na-wrong sent ba ako? Tiningnan niya ang pangalan nito sa tabi ng label na 'active now'. Tama naman. Name to ni Yigo pero... She gasped, realizing that the person who responded was none other than Vanessa. Girlfriend nga, 'di ba? Pennee, bakit bigla kang naging slow? Shocked ka ba masyado? puna niya sa sarili. At nabitiwan pa niya bigla ang phone nang sumunod na dumating sa kanyang messenger ay ang halos hubad na selfie ni Vanessa. The young woman looked classy even though she was quite daring. Sabagay ay model student ito kaya balewala na ang magpakita ng balat... ng makinis at toned na balat. Pero bakit kailangan pa nitong magpadala ng larawan? Para maniwala siya na magkasama sila at hindi siya masusundo? Para pagselosin siya o inggitin? Her chest was squeezing tight as she tried to pick up the cellphone on the wooden floor. Pero pansin niyang may nauna na sa kanyang pulutin ito. At bago pa niya makilala ay naupo na ito sa tabi niya. "Your phone..." "S-salamat." Tinanggap ni Pennee ang cellphone, sabay tingin sa mukha nito. "Aaron?" Hindi niya batid kung ngingiti o maluluha. Nakaukit pa kasi sa isipan niya ang dating ng chat ni Vanessa pati na ang sexy photo nito sa bahay ni Yigo. "I-ikaw pala. Anong ginagawa mo rito?" "Kasama ako sa meeting ni Sir Yuan. Player din kasi ako. Sa basketball naman. Ikaw bakit nandito ka?" "H-huh?" Blanko pa rin ang isip ni Pennee. Although, her subconscious mind told her to not respond at all. Wala rin naman siyang magandang sasabihin. Gayunman, sa loob ng kanyang ulo ay walang katapusan ang pag-ikot ng salitang 'bakit?'. "Okay, that's all gentlemen. Dismissed na tayo." Napakurap muli si Pennee nang mapansin niyang papalapit sa kanila si Instructor Yuan. Makahulugan pa itong nakangisi habang papalit-palit ang tingin sa kanila ni Aaron. "Aaron, next time, kung a-attend ka ng meeting, doon tayo sa unahan, okay? Para hindi ka nadi-distract." Nahihiyang natawa si Aaron at tumango. "Sorry po, Sir. Ang totoo, kararating ko lang kasi kinausap po ako ng teacher ko doon sa isang subject ko. Pasensya po na na-late ako." Pennee noted the sweet smile curved from Aaron's face as he gazed at him. In fairness to this young guy, marunong din palang ngumiti. At dahil mas nakikita niya nang malapitan ay mas lalo niyang napapansin ang magandang hubog ng mukha nito. Aaron actually looked older than his age. Sigurado ba itong fifteen lang katulad ng karamihan sa kanilang klase? "Ganoon ba. Sige, walang problema. Priority n'yo pa rin naman ang lessons," ani Mr. Yuan at isinilid sa magkabilang bulsa ang mga kamay. Si Pennee naman ang binalingan niya. "How about you? Penelope, right? What can I do for you?" Pennee gulped first and her nerves almost froze. Bigla kasi silang na-conscious dahil bukod sa guro at nakatingin din si Aaron sa kanya at nag-aabang sa kung anong sasabihin niya. "G-gusto ko sanang sabihin na magba-back out po ako sa Miss Intrams habang maaga pa. "What?" Mr. Yuan looked at her in low brows. Naglaho nang ngiti nito nang maupo sa tapat niya. "What is your reason, young lady?" "H-hindi po kasi para sa akin 'yan, Sir," nakayukong sagot ni Pennee. "Sinong nagsabi na hindi para sa 'yo 'yan? Dahil sa nakikita ko, nasa 'yo ang qualities ng pagiging Miss Intrams," giit ni Mr. Yuan. "Penelope, ang pageant na 'yan ay hindi pataasan ng arte sa katawan kung 'yan ang iniisip mo. We are looking for the right students na kayang dalhin ang sarili at matatag ang kalooban—iyong hindi basta-basta nagpapatalo at determinado sa kanyang goals, iyong hindi lang ang sarili ang iniisip kundi pati na rin ang kapwa niya. Don't you think, wala sa 'yo ang mga katangiang 'yon?" Sa puno ng awtoridad na boses ng guro ay kusang umangat ang mukha ni Pennee. "Salamat po, Sir, sa paniniwala n'yo sa akin. Pero kahit gustuhin ko, hindi po ako sigurado kung papayag ang parents ko, lalong-lalo na si Daddy. Kailangan ko po munang hingin ang permission niya." Mabagal na tumango si Instructor Yuan. "Well, wala talaga tayong magagawa kung hindi sila pumayag. Pero naniniwala naman akong papayag sila, lalo ang mommy mo. Noong kaklase ko siya, minsan na rin siyang sumali at nanalo," he chuckled and passed a folded paper on Pennee's hand. Pagbuklat ni Pennee ay nakita niyang flyer tungkol sa Intrams. Naroon ang detalyadong sports na paglalabanan at iba pang aktibidad, kasama na ang pageant. "Nakasulat diyan ang website natin. Kapag nakapag-decide ka na, just register through the link," Instructor Yuan said. "O, sige, maiwan ko na kayo." "Sige po, Sir," sabay na tugon ng magkaklase. Nang umalis ang instructor ay nakabibinging katahimikan ang nangibabaw. Kaunti na lang kasi ang mga estudyante na nagbabasa at nasa malalayong mesa pa. "Sana hindi mo ituloy ang pag-backout, Pennee." Aaron was the one who broke the ice. "Dahil kung aatras ka, ako rin." Pennee chuckled sadly. Nakatingin pa rin siya sa brochure. "Bakit naman? Naku, huwag mo akong gayahin, Aaron. Anyway, kaya nga nagsabi ako nang maaga para makahanap sila ng replacement contestant." "Pero ikaw ang gusto kong partner,"Aaron stated. Pennee gulped. Ayaw na niyang tanungin pa ito upang hindi na humaba ang usapan. Basta nasabi na niya ang pakay kay Instructor Yuan kaya wala na siyang dahilan pa upang magtagal doon. Wala na rin siya sa mood na makipag-usap kahit kanino simula nang matanggap ang mensahe na iyon. She stood from the chair and snapilly grabbed her bag. "Kung okay lang, uuwi na ako. See you sa klase na lang bukas, Aaron. Sorry ha, nagmamadali lang talaga ako." Halos patakbo siyang naglalakad palabas ng gusali ng library makalipas ang ilang sandali. Napansin na lang niyang nakasunod na si Aaron sa kanya, gayunman hindi siya humihinto. "Pennee, wait. Sinong kasama mong umuwi? Parang hindi pa yata dumarating 'yong lalaking sumusundo sa 'yo. Sandali, kuya mo ba 'yon?" "No! I mean, oo halos kuya ko na siya. Pero hindi ko siya kuya." "Ano? Paano nangyari 'yon?" Dahil mabilis ding maglakad ay nakasabay na si Aaron sa dalagita. Mas nauuna pa nga siya minsan dahil mas malaki ang mga hakbang niya. "Pero nasaan na nga siya?" "I don't know and I don't care. Hindi niya ako susunduin ngayon. Actually, kahit kailan, hindi na ako magpapasundo sa kanya!" Pennee was confused about her sudden mood swing. Ngunit ano naman kung talagang nais sumabog ng kanyang nadarama? She felt as though she was a volcano exploding anytime soon. Tumingala siya kay Aaron. Goodness, he was taller than his age too. "Iwanan mo na ako, Aaron. Umuwi ka na rin. Tatawagan ko na lang ang daddy ko." Problem was... her parents were not in the city at the moment. Just hours ago, she received a call from them. Dumiretso sa Northern Luzon ang mga ito at baka lagpas hatinggabi na umuwi. "Are you sure? Bakit pakiramdam ko, hindi rin sila available? Kung gusto mo, ako na ang maghahatid sa 'yo. Nasa parking lot lang 'yong car ko." "Nagbibiro ka ba?" Napahinto si Pennee at muling tumingala sa kaklase. Hindi niya alam kung matatawa o maiinis na kay Aaron. Pero mas lamang siguro ang inis dahil ipinapaalala lamang ng kakulitan nito si Yigo. "Fifteen ka lang. Paano ka magkakaroon ng sariling car?" Tumaas ang isang kilay ni Aaron. "Fifteen? Sinong nagsabi sa'yo? Hey, I'm already eighteen." Pennee's jaw almost dropped. Bago siya magmukhang idyota ay tumikhim siya at nagtanong. "Really? Pero bakit... bakit nasa grade ten ka pa rin? Dapat college ka na, ah." Bago makatugon si Aaron ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Everyone on the ground raced to the building with great panic—kasama sina Pennee at Aaron. "Sabi ko kasi sa'yo ihahatid na kita. Umulan na tuloy!" Kinailangan ni Aaron na lakasan ang boses niya dahil malakas din ang ugong ng hangin. "Sabi ko sa'yo, okay na ako. Bakit ba ang kulit-kulit mo! Umuwi ka na!" "Pennee, saan ka pupunta? Lalo kang mababasa!" Halos madapa si Pennee nang tumakbo siya papuntang silungan. Ngunit napatili siya nang biglang kargahin siya ni Aaron sa mga braso nito. Tila hindi ito nabibigatan sa kanya at matulin pa ring tumatakbo patungo sa sasakyan nito. "What are you doing, Aaron!" "I am trying to get you out of the rain. Hindi ba halata?" Bago pa muling makapagreklamo si Pennee ay nasa loob na sila ng sasakyan. Hinahabol niya ang hininga habang pinagmamasdan si Aaron na buksan ang aircon. Ilang segundo lang ay lumamig na sa loob ng kotse. Pero bago tuluyang magpaandar ay sinigurado ng binata na nakasuot ang seatbelt nilang pareho. Seryoso? Eighteen na talaga siya? Pennee thought. She was watching him as he maneuvered the car expertly. And in fairness, his masculine aura suited his car. Pero paano? Bakit? "I know what you think of me, Pennee," natatawang wika ni Aaron nang makalabas sila sa gate ng campus. "Sige, magtanong ka lang. Willing akong sagutin lahat ng 'yan." "Talaga?" Tumaas ang kilay ni Pennee. Sisimulan na dapat niyang magtanong nang mag-ring ang kanyang phone. Pagkakita niya sa pangalan ng tumatawag ay tumulis ang kanyang nguso. Yigo? Sa inis ay pinutol niya ang tawag at nag-shut down ng phone. "Ewan ko sa 'yo." bulong niya. Sandaling sumulyap si Aaron sa kanya. "Siya ba 'yong sumusundo sa 'yo? Ano nga uli ang pangalan niya?" "Wala." "Wala siyang pangalan?" Aaron asked, confused. Napailing si Pennee. "Hayaan mo na siya. Umalis na lang tayo." "So, payag ka nang magpahatid sa akin?" Aaron asked, beaming. "I have no choice," bulong ni Pennee at matamlay na nagbuntong-hininga. Dapat kasi simula pa lang, hindi na ako pumayag na magpahatid sa kanya. Siguro hindi ganito ang nararamdaman ko ngayon. She looked through the window. Wala siyang makita sa labas dahil sa masaganang pag-agos ng ulan sa salamin. Pakiramdam niya tuloy ay nakikiiyak ang langit sa kanyang puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD