Ganoon na lamang ang pagtataka ni Iñigo dahil pagdating niya sa classroom ni Pennee ay wala siyang naabutan ni isang estudyante. Ang totoo'y sarado na ang pinto. Gayunman, upang makasigurado ay pinihit niya ang doorknob. He shook his head when he was convinced that the class was really over.
Sumilip siya sa kanyang wrist watch. "This is impossible. Wala pang five p.m. Bakit wala na sila?" aniya at sinuksok ang phone sa kanyang bulsa. He checked his messenger. Napakunot siya ng noo dahil wala ang conversation thread nila ni Pennee doon. "Anong nangyari? Bakit wala rito? Last night lang, may chat pa ako sa kanya."
"Honey." Nagbuntong-hininga si Vanessa at mula sa likuran ng binata ay niyakap niya ito. She tried to stay calm because she was guilty of doing something naughty. Ngunit mabuti na lamang at bago bumaba si Iñigo kanina ay naisipan niyang burahin ang conversation ng kanyang boyfriend at ni Pennee. Hindi niya lubos maisip kung ano ang magiging reaksyon ng binata kapag nalaman nitong pinadalhan niya ito ng kanyang provocative na selfie. For now, she was safe. Ngunit paano kung magsumbong ang spoiled brat na 'yon? Surely, she would hate Pennee so much if Iñigo got mad at her. "Baka naman umuwi na sila. Let's go. Wala na kayang ibang tao rito. Unless, gusto mo ng privacy para mahalikan mo ako."
"Please, Vanessa, not now." Halata sa tono ni Iñigo ang pag-aalala ganoon din sa mukha nito habang nagsisimulang i-dial ang number ni Pennee. Nanigas ang kanyang panga nang idikit ito sa kanyang tainga at walang ibang narinig kundi telephone operator. "What the hell? Bakit out of reach?"
"Mahina lang siguro ang signal kasi malakas pa ang ulan." tugon ni Vanessa sa kabila ng pagbabalewala sa kanya ni Iñigo. Sinamahan niya ang nobyo ngunit simula nang dumating sila sa campus ilang minuto pa lang ang nakararaan ay tila deadma na siya nito. Ang tanging pruweba lang na nakikita siya ni Iñigo ay ang jacket nitong suot niya. Sa lakas ng ulan ay pinasuot sa kanya ito dahil pansin nitong nanginginig siya sa lamig. Marahil kung walang Pennee, mas higit pa rito ang ipapamalas ni Iñigo na pagpapahalaga sa kanya. "Kung nandito si Pennee, kanina pa natin nakita. Pero wala, kaya nakauwi na 'yon."
"Kailangan kong makasigurado, Vanessa." Lalong lumukot ang mukha ni Iñigo habang muling dina-dial ang numero ni Pennee. Patanaw-tanaw din siya sa paligid sa pag-asang baka nasa tabi-tabi lang ang kanyang hinahanap.
Heat was creeping up Vanessa's cheeks due to irritation. "Oh come on, hon. Malaki na ang Pennee na 'yon. Sigurado akong nakauwi na siya dahil marami namang puwedeng sumundo sa kanya, hindi ba? Ikaw na rin ang nagsabi na may security company ang daddy niya. Hindi naman siguro siya na-kidnap."
Iñigo paused. He slowly turned to Vanessa and shoot her a sharp stare. "Don't say that. Hindi puwedeng mangyari 'yan. Not again!" Doon siya nagsimulang lumakad-takbo. Just by hearing that Pennee was kidn*pped sent a freaking scary chill up and down his spine. "Pennee?" Umaalingawngaw ang buo at nag-aalala nitong boses sa buong lobby. May security guard sa 'di kalayuan na agad niyang tinungo.
Ngunit hindi pa siya nakakalapit dito ay hinawakan siya ni Vanessa sa braso.
"Sandali nga lang, Iñigo..." She made him spin to face her. "Teka, bakit parang ang OA naman ng reaction mo? I was just joking around when I said that. Bakit, naniniwala ka ba talaga na na-kidnap si Pennee? Can you at least calm do—"
"Wala ka kasing alam!" Iñigo hissed. He knew he might be acting exaggerated at the moment. Pero hindi niya mapigilan ang sariling alalahanin ang nakaraan. Unknown to many, he had suffered too from trauma due to that kidnap incidence. Hindi para sa kanya kundi para kay Pennee. Nalayo siya sa kababata nang hindi niya alam kung okay na ba ito o hindi. And now that Pennee was nowhere to be found and couldn't be contacted, his anxiety was beginning to raise without his control. But of course, that bit from the fact was not his girlfriend's concern anymore. Ayaw niyang may ibang makaalam ng madilim nilang nakalaan. "She is my responsibility. Ipinagkatiwala siya sa akin ng daddy niya kaya hindi ko siya dapat pinapabayaan."
Vanessa's shoulders sagged. "Fine. Sorry na. Pero ganito na lang, puntahan na lang natin sa bahay nila para makasigurado tayo na safe siya. What do you think?"
"Paano kung wala pa siya ro'n?" Iñigo asked. There was a vulnerable tone in his words. "Mananagot ako kay Tito Ezekiel."
"That is the only thing we can do. Iñigo. Kaya tara na at baka lumakas lalo ang ulan. Ayokong magpalipas ng gabi rito." Hinila ni Vanessa ang braso ni Iñigo.
It was a fact that if something happened to Pennee, Iñigo knew that he was the one to be blamed. Hell, kahit matalik na magkaibigan ang kanilang mga tatay ay batid niyang ibibitin siya nang patiwarik ng kanyang Tito Ezekiel. Pero higit sa lahat, nag-aalala siya sa kababata dahil sa kapakanan talaga nito. He purely wanted to maintain her safety.
Halos isang oras ang dumaan nang makarating sila sa bahay ni Pennee. Mabuti na lamang at huminto na ang ulan kaya hindi na nila kailangan pang magdala ng payong. Hindi pa man nakalalabas sa sasakyan si Iñigo ay napansin niya ang isang pulang sportscar sa tapat mismo ng gate. "Kanino kaya 'yon? Hindi naman mukhang kotse ng parents ni Pennee."Nang bumaling siya kay Vanessa ay ganoon na lamang ang pagtataka niya nang mapansing namumutla ito na nakatitig din sa kotseng iyon. "Kilala mo ba kung kanino 'yon?"
"No," mabilis na tugon ni Vanessa. Pinilit niyang ngumiti kay Iñigo at hinaplos ang braso nito. "What if I stay here? Hihintayin na lang kita. Hindi ka naman siguro magtatagal, right."
"I'm not sure about that, Vanessa," ani Iñigo na nagtataka pa rin sa reaksyon ng nobya. "Teka, okay ka lang ba? You look tensed?"
"Baka dahil lang sa panahon, hon. Pakiramdam ko nga, sisipunin ako, eh." Inabot niya ang pisngi ng binata. "Sige na. Kung magtatagal ka sa kanila, okay lang. Dito na muna ako kasi baka makahawa ako sa loob. I will be fine here, don't worry." She smiled sweetly.
Iñigo sighed. Ngayon ay mas kalmado na siya kaya mas nakikita na niya ang kalagayan ng kanyang kasintahan. Bigla siyang nakadama ng guilt dahil hindi niya sinasadyang kaladkarin pa ang dalaga sa kanyang mga personal na problema. Now, his girl really looked sick. Kasalanan niya ito. "Huwag kang mag-alala. I just make it sure na nasa loob na si Pennee. Tapos, aalis na rin tayo para ikaw naman ang alagaan ko. Buong araw, ikaw ang nag-aalala sa akin. So I will give the rest of the day to you." He gave Vanessa a quick kiss on her lips and got out of the car.
In fairness, her guy had his own key to the gate. Pero hindi na niya ito sisitahin tungkol doon. Basta nagbunga naman ang buong araw niyang pagpapapansin. She felt she won this round against Pennee. Kahit na nag-inarte ang kababata ng kanyang nobyo ay siya pa rin ang pinili nito.
She giggled soundly as she answered her phone that was ringing for almost two minutes now. "Yes?"
"Kasama mo na naman ba ang shota mong hilaw?"