Halos magsara ang lalamunan ni Vanessa sa gulat. Bigla pa siyang napaayos ng pagkakaupo at mayamaya'y tumanaw sa labas ng sasakyan. "Paano mo nakuha ang bagong number ko?"
"Ako ang unang nagtanong, Vanessa babe."
She raised a brow. "I'm not your babe, Matt! Hello, gumising ka nga! I've already dumped you over a year ago. Nakailang palit na ako ng phone at jowa, hindi mo pa rin ako tinitigilan! Pati kotse ng kapatid mo, hindi ako tinatantanan at nandito nakaharang!"
"What? Aaron is there? Saan?"
Halos durugin ni Vanessa ang phone sa kamay niya. "Nasa impiyerno siguro. Doon mo puntahan!" Padabog niyang isinuksok sa bag ang cellphone at halos humiga sa upuan. Kung bakit kasi napakaliit ng mundo. Ano naman kasing ginagawa ni Aaron dito? Napatakip siya ng mukha. Sh*t. Sana hindi banggitin ni Iñigo na nandito ako. At sana hindi magsumbong ang maarteng Pennee na 'yon tungkol sa ginawa ko. Ngayon ay totoong sumasakit na ang ulo niya.
***
"So, ayon. Dahil sinamantala ko na may offers, nag-drop ako sa school. Pero na-realize ko, mas mahalaga pa rin ang studies kasi kapag nakatapos ako, mas malayo ang mararating ko." Pansamantalang humigop si Aaron sa bowl ng ramen, saka nagpatuloy. "Isa pa, ayoko ring matulad sa kuya ko na umaasa sa allowance ng parents namin."
"May kuya ka pala? Nasaan na siya?" tanong ni Pennee. Dahil sa pakikinig niya sa kuwento ni Aaron ay hindi niya namamalayang pangalawang bowl na ang hinihigop niya. Mabuti na lang at naroon ang kanyang Yaya Linda. Nang dumating sila ay halos mangatog siya at manghina sa lamig. Ngunit nang bulagain sila ng homemade ramen ng matanda ay nabuhay ang kanyang dugo.
Aaron shrugged. "Walang nakakaalam. Mas gusto niyang tumambay sa bahay ng mga kabarkada niya kaysa umuwi sa bahay. Minsan ko na nga lang siyang makita sa campus."
Pennee blinked. "You mean sa school din natin siya nag-aaral?"
"Unfortunately." Matapos ilapag sa mesa ang bowl ay nagpunas siya ng tissue. His face looked satisfied. It was because of the delicious merienda and of course, he was in the house of his apple of the eye. Pero ang pag-usapan ang kapatid niya ay bagay na hindi nakakapagpasaya sa kanya kaya bahagya siyang napasimangot. "Third year college na siya ngayon. BSIT ang course."
Third year? BSIT? Natigilan si Pennee. It was then she realized that Yigo was also in the same course and college level. Hindi kaya kaklase 'yon ni Yigo?
"Nakakaistorbo ba ako?"
Just as a cue, Pennee gasped when she heard a familiar voice. Paglingon niya ay nakitang nakasandal si Iñigo sa may hamba ng pinto. Nagsalubong ang mga kilay niya dahil muli na naman niyang naalala ang chat ng nobya nito sa kanya. Pero siyempre, hindi na niya ito babanggitin pa. Malay ba niya kung inutusan ng binata si Vanessa upang makaiwas na siya'y sunduin. "O, bakit nandito ka?"
Iñigo stared at her in surprise. Tila ba nakarinig siya ng imposibleng balita. "I should be the one asking you that." Dire-diretso siyang umupo sa silya na katabi ni Pennee.
NagngingitngitNagngingitngit man siya sa inis, nakuha pa niyang hawakan ang mukha nito upang masiguro na wala itong sugat o pasa. "Wait, are you okay? Sinong naghatid sa'yo?" Nang marinig niyang tumikhim ang kasama ng dalagita, hindi man nais ay nilingon niya ito. "And who the— who are you?" Pinigilan niya ang sarili na singitan ng 'the hell' ang kanyang tanong.
"Siya si Aaron, classmate ko. Siya lang naman ang naghatid sa'kin kanina kasi napansin niyang wala akong sundo." Marahang ibinaba ni Pennee ang pares ng maiinit na kamay sa kanyang mukha. Ipinatong niya ang mga ito sa mesa. "Kumain ka na ba?" Pag-aalok niya. Iyon lang ang paraan upang hindi niya ito awayin sa harap ng kanyang kaklase. How she wished Iñigo would make the effort to thank Aaron.
"Hello." Aaron stuck out his hand. Dahil malaking tao rin siya ay hindi na niyaya kailangang tumayo upang iunat ang braso. "Nice to meet you, Kuya Yi—"
"You can go now," mariin na bulong ni Iñigo.
Halos malaglag ang panga ni Pennee sa ipinamalas ni Iñigo. Namula siya sa hiya para sa kanyang kaklase kaya binulungan niya ang kababata. "Ano bang sinasabi mo? Ang rude mo naman."
"Ako lang ba ang rude?" tanong ni Iñigo sa dalagita ngunit kay Aaron nakatitig. "Hindi ba rude 'yong kapagkung kani-kanino ka nagpapahatid, samantalang nandito ako? Paano kung napahamak ka. Pennee hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sa''yo."
Pennee opened her mouth to utter a word. Pero naunahan siya ni Aaron.
"As you can see, Pennee arrived here safe and sound. Masaya siyang nakauwi, not until you show up," inis na ganti ni Aaron. Kung bastusan ang labanan ay siguradong hindi siya magpapasapaw.
"Get lost, you jerk," Iñigo hissed. "Naihatid mo na siya, 'di ba? So, ano pa'ng ginagawa mo rito? Sinasamantala mo ba na wala ang parents niya?"
"Yigo naman, nakakahiya ang ginagawa mo," Pennee almost cried. Tila nais niyang matunaw sa sobrang humiliation. Ano bang nakain ng kanyang kababata at ganito ito umakto? "What if, ikaw na lang ang umalis?" She didn't want to say that. But it was the growing irritation in her chest that was talking in her behalf.
Tiningnan ni Iñigo ang dalagita na tila siya'y tinraydor nito. "Bakit ako ang pinapaalis mo?"
"Ang tanong is... bakit kasi sinusundo mo pa ako? Hindi mo naman ako responsibility, 'di ba? Hindi ako ang dapat na binabantayan mo kasi hindi mo naman ako..." She paused and cupped her mouth. Mabuti na lang at hindi niya naibulalas iyon.
"You've been in danger once. Kaya hindi mo ako masisisi kung ganito ako, Pennee."
Her guards were up again. "Hindi na ako bata, Yigo. Kaya hindi mo na ako dapat binabantayan. Hayaan mo, sasabihin ko kay Daddy na ibalik na ang driver ko. Ayaw mo 'yon? Hindi ko na kayo maaabala?"
Iñigo frowned confusedly. "Maaabala? Kami? Sinong tinutukoy mo?"
"Umalis ka na nga lang. Please!" Itinuro ni Pennee ang pinto.
God knew how much Iñigo wanted to stay and ask her what the hell really happened in school. At kung bakit tila may malalim na hugot ang inis nito sa kanya. Pero dahil sa desperadong pakiusap ng dalagita at dahil tila patalim na tinarak nito ang pagtataboy sa kanyang dibdib ay nagdesisyon siyang tumayo.
Walang sabi-sabi na nilisan niya ang bahay ni Pennee.