"I'm sorry, Aaron. Hindi mo dapat nakita 'yon?" Todo takip ng mukha si Pennee habang humihingi ng tawad sa kaharap. Gayunman, sa loob-loob niya ay hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. Simula noong muli silang magkita ay hindi pa nagkakaroon ng ganito katinding pagtatalo. Madalas dati ay parati lamang siyang napipikon sa mga pang-aasar ni Iñigo sa kanya. Ngunit kaagad din siya nitong sinusuyo hangggang sa bati na sila. Ngunit ngayon, hindi niya lubos maisip kung saan nanggagaling ang kakaibang pagsusungit nito at pati ang kanyang kaklase ay nagawa pang bastusin. Tumayo si Aaron at umikot sa mesa, saka tumabi kay Pennee. Inalis niya ang mga kamay ng dalagita sa mukha at ikinulong sa mga kamay niya. "Huwag kang mahiya. Ako lang naman 'to. Saka hindi na bago sa akin ang nakakakita ng away.

