"Huy, Pennee. Hindi mo man lang ba babatiin si Yigo?" tanong ni Dolly habang maingat silang dumaraan sa mga nakaupo na audience. Kung hindi nga panay ang pagtayo ng iba ay wala pang limang minuto ay narating na nila ang exit ng gym. Ngunit dahil lahat ng tao roon ay hindi magkamayaw at walang ibang atensyon kundi ang koponan ni Iñigo, inabot ng labinlimang minuto bago sila nakarating sa dulo kung saan kaunti lamang ang tao. Pansamantalang tumigil si Pennee sa tapat ng washroom. Nakasimangot pa rin siya ngunit nakatanaw sa binatang dahilan kaya sumama siya kay Dolly na manood ng basketball. "Kailangan pa ba? Sa dami ng bumabati sa kanya, hindi na niya kailangan ang pagbati ko. Yakap pa lang ni Vanessa, panalong-panalo na kaya siya." Isang higupan lang at simot na niya ang canned juice na h

