SEN’s POV “Anak, nakita ko ang Mama ni Danica sa palengke. Sabi ko nandito ka. Ayun, sasabihan daw niya si Danica para magkita raw kayo.” Sabi ni Mommy pagkarating niya. Galing siya sa palengke para mamili ng mga lulutuin namin para bukas. Kaya pala may natanggap akong message kanina mula kay Danica. Si Mommy pala ang nagsabi. “Nag-message na po, Mom. Punta raw po siya rito sa pista.” “Mabuti naman. Hindi ko pa nayaya ang Mama niya. Ikaw na lang magsabi na isama ang Mama niya.” Sabi pa ni Mommy. “Okay po, Mommy.” Tinulungan kong ilabas ang mga pinamili niya. “Mommy, ano po ang uunahin natin. Tutulungan ko po kayong magluto para matuwa po ang Ninong ko.” “Lilinisin ko pa ang mga karne. Isasangkutsa natin ngayon para mas pumasok ang lasa. Unahin mo munang gayatin ang sibuyas at bawa

