SEN’s POV I was busy for the whole week. Like I promised, studies first. Walang bar at walang gala. Kahit ang pag-iinom sa apartment ay pumase ako. Kailangan kong ayusin ang lahat bago ako umuwi sa probinsiya namin. Ang sabi ng Daddy ko, nasa bansa ang Ninong Basti ko. Excited na akong makita siya kahit medyo hindi na malinaw sa akin ang feature niya. Ayon sa mga kuwento ni Dad, habulin ng chicks si Ninong Basti. Matagal nang panahon ng huli ko siyang nakita kaya hindi na masyadong malinaw. Nasa US sina Ninong kasama ang Ninang ko. Si Ninang ang hindi ko pa nakikita. Kapag nasa probinsiya ay ayaw lumabas ng bahay. “Sana lang bumawi ang Ninong ko ngayon. Bilhan niya sana ako ng iphone. Mayaman naman siya, okay na iyong pambawi niya sa mga pasko na wala siya rito.” Nandito si Suzee s

