SEN’s POV Habang nagpapahinga si Seb, pinagmasdan ko siya. Tama ba ang ginawa ko? Tama bang bigyan ko ng chance ang nararamdaman naming dalawa? Muli kong ipinagkatiwala ang sarili ko sa kanya, pero sa pagkakataong ito, malinaw kung sino siya at ano ko siya. “Sweetheart, are you alright?” hindi ko napansin na nakamulat na pala siya. Malalim ang iniisip ko. “Oo… hindi… natatakot pa rin ako Seb. Natatakot ako na mawala ka kay Daddy.” “Shhh…” ipinatong niya ang isa niyang hintuturo sa aking bibig. “Hindi mangyayari ‘yon. Mag-iingat ako, mag-iingat tayo. Pero ngayon pa lang, nag-uumpisa na ang taong kinausap ko kahapon para mag-imbestiga sa mga pangyayari noon sa amin ni Valerie. I need solid evidence para makalaya ako sa kasal namin ni Valerie.” “Sana nga, Seb. Sana sa madaling panahon b

