SEB’s POV “Ninong, nasa labas si Mommy,” kinakabahang wika ni Sen. “Pareng Basti, nand’yan ba si Sienna?” ako na ang tinatawag ni Anna. “Mom, nandito po ako. Wait lang po,” sigaw ni Sen habang nakatingin sa akin. “Open the door, Sweetheart,” hindi ko na mabago ang endearment ko sa kanya. Tumingin muna siya, bago lumapit sa pinto. Maayos naman siya, kumpleto ang suot at maayos na ang buhok. Wala na ring bahid ng luha. “Anak, nandito ka lang pala. Anong ginagawa mo rito sa kwarto ng Ninong mo?” tanong niya pagbukas ni Sen ng pinto. “Ah, k-kasi po –“ hindi ko na pinatapos magsalita si Sen. Ako na ang sumagot. “Mare, pasensya na. Nasugatan ang kamay ko, napasigaw ako. Naglalakad yata si Sen kanina at narinig ako. Kaya pinuntahan niya ako at nilinisan niya ang sugat ko.” Paliwanag ko.

