SEN’s POV Sobrang mapagbiro ang tadhana. Ako lang ang nagbibiro noon pero nang gumanti, sobrang sakit. Hindi lang pala ako ang nahihirapan. Akala ko, madali lang kay Ninong ang lahat pero hindi pala. Katulad ko rin siya at mas higit pa ang sa kanya dahil kay Ninang. Kahit nalaman ko ang lahat, kahit alam kong mali, may parte pa rin ng puso ko ang sumisigaw. Ngunit hindi ko kayang magdesisyon ngayon. Hindi siya ganoon kadali. Makakaya ko bang harapin ang mga tao na sasabihan nilang kabit ako? Na malandi ako dahil pumatol ako sa aking Ninong? Sobrang hirap. Pero nandito na ang katunayan na may hangganan ang lahat. Tadhana na rin ang gumawa ng paraan para mailayo ako kay Ninong, ang katotohanang may asawa siya. Sinamahan ko si Ninong para salubungin si Ninang. Nakiusap siya sa akin.

