SEN’s POV Late na ang dinner namin dahil sa paghihintay kay Daddy. Pareho kami ni Simon na naghihintay sa kaniya sa sala namin. Wala pa ang kaniyang kotse. “Lagi po bang ginagabi si Daddy sa pag-uwi?” Nandito na rin si Mommy at sumilip pa sa bintana. Hindi naman ganoon kalaki ang bahay namin. Tama lang para sa aming apat. May tatlong kuwarto at may kani-kaniyang bathroom. Tama lang ang laki ng sala namin. Isang set lang ng sofa. Hindi katulad sa malalaking bahay na bukod sa may sala na, may receiving area pa na tinatawag. Okay naman ako na ganito lang ang aming bahay. Mas focus si Daddy na mabigyan kami ng magandang education ni Simon. Ang tuition fee ko pa lang ay sobrang bigat na plus ang allowances ko pa. Hindi lang baon, pambayad ko sa apartment, tubig, ilaw, at pagkain ko sa ar

