SEN’s POV Nakapag-shower na ako. Handa na akong matulog. Iba ang pantulog ko rito. Hindi katulad sa proninsiya na jogging pants o di kaya ay terno na pajama at papolo style na pang-itaas. Dito, terno ng shorts at spaghetti strap na pang-itaas na makintab ang tela at madulas. Si Ninong, binigyan ko na siya ng kumot at unan bago pa ako mag-shower. Kanina pa iyon kaya malamang tulog na. Ang kaibigan ko namang si Suzee, busy na. May naririnig pa akong kalabog mula sa kuwarto nila. Normal na iyon sa kanilang dalawa. Baka kung anong exhibition pa ang ginagawa nilang dalawa. Nahiga na ako. Malakas pa rin ang ulan. Nakailang beses na ako ng papalit-palit ng puwesto ko, hindi pa rin ako makatulog. Si Ninong ang naiisip ko. Makatulog kaya siya? Baka naeeskandalo na rin siya sa ingay noong d

