SEN’s POV “Tuloy ka, Seb,” si Suzee na ang nag-invite kay Ninong para pumasok. Inilapag ni Ninong ang mga dala ko sa center table na nasa maliit naming sala ni Suzee. “You know what? You look familiar,” humawak pa si Suzee sa kaniyang noo at tinipa-tipa iyon. Hindi ko alam kung natingnan din niya si Ninong noong gabing iyon. “Sen?!” nakapamaywang naman siya ngayon. Ako naman ang hinarap niya. Naupo ako sa isahang upuan. Pinili kong hindi tumabi kay Ninong. “What?” naalala na kaya niya? “Siya ba si Mr. Right?” tanong niya at napatayo ako para takpan ang kaniyang bibig. Napatingin sa akin si Ninong. “Who is Mr. Right?” “Ikaw!” wala na ako magagawa sa kadaldalan ni Suzee. Bakit ko pa ba siya pipigilan? Nabanggit ko rin naman iyon kay Ninong, hindi lang ‘yung code name niya. “Am I,

