seven

2034 Words
GWENETH Naranasan niyo na bang tumae pero naka squat? Sabi daw ganun daw dapat tumae sa ng mga doctor tinry ko kaso walang kwenta nangawit yung legs ko. Mga sinungaling sila! Mababaog sila! Bumaba kami at mukha silang masaya ng makita nila ako, lahat sila nakangiti pwera kay pa-girl. Che, binalikan ko sila ng matamis na ngiti. Nag hahi-hello lang sila sa akin, halatang masaya silang makita ako pero hindi sila komportable sa akin. Isa isa silang nagpapakilala pero patawarin nawa dahil sa dami nila ay wala akong matandaan. Ang natatandaan ko lang na pangalan yung yung pagirl, Edwardo pero gusto daw sa kaniyang itawag Angelina. Medyo malayo pero sige pagbigyan natin ang hiling ng isang lalaki. Kung inaakala niyong pormal ang party nagkakamali kayo dahil nung pagpasok namin sa I think activity area ang tinataag sa lugar na ito. Akala niyo may mahabang table, may fancy plates at mugs, may orchestra diba kasi kapag nakita niyo talaga yung bahay na ito parang kahawig ng palasyo ng mga hari at reyna sa britain tapos may chandelier... Nagkakamali kayo dahil pang wrecking ball ang nakasabit sa itaas ng kisame. Isang disco ball, malakas na tugtugan ang dami pang mura ng kanta, puro usok dahil naninigarilyo karamihan sa kanila. Nakaupo ako sa tabi ni Kick Pepe s***h Flint at nakaakbay siya sa akin habang nakapalibot ang mga mataas niyang tauhan sa amin. Nagkekwentuhan sila at buga ng buga ng usok sa kanilang mga bibig akala mo tambutso (tambucho). Ako nganga sa kanila, straight face tapos nangangasim ako minsan pag hindi ko makayanan yung sigarilyo nila. Pero sobra na... I kennot. "MGA HOTDOG KAYO!" tumayo ako at pumadyak. Sumigaw ako ng pagkalakas lakas pagkatapos nun ay naghahabol ako ng hininga. Natahimik ang lahat pati yung kanta, lahat sila napatingin sa gawi ko. "May hika ang nanay ko hindi ko alam kung may hika ako kaya.." yumuko ako para tignan si Flint at kinuha yung sigarilyong nasa pagitan ng dalawa niyang daliri. "Ito.." nanlaki yung mga mata niya. "Bilang isang bago niyong 'boss' ay hindi ko pinahihintulutan ang kahit na sino sa inyo na manigarilyo kung hindi ay kakainin ko 'to at seryoso ako." seryoso kong ulat sa kanilang lahat, nakatanga lang sila sa akin habang nagsasalita ako at nung patapos na ay tumingin sila sa gawi ng original boss. Syempre napatingin ako kay Flint na taimtim siya nakatingin sa akin at sa totoo lang hindi ko maiwasang mamula at hindi ko alam kung bakit kaya huwag niyo na lang tanungin. Basta feeling ko tuwing tumitingin siya sa akin pati yung kaloob-looban ng katawan ko tinitignan niya. Nilihis niya ang tingin at natuon sa mga tauhan niya. Tahimik ang lahat at naghihintay ng approval. Nanlaki yung mga mata ko ng bigla siyang tumango at pinapayagan niya ang utos ko na sundin ng kanyang mga tapat na tauhan. Lahat napagroan dahil kahit pa ayaw nila ang naisip ko at dahil sa utos ni Flint kailangan nilang gawin iyon. Sinawsaw ko sa tubig yung sigarilyo ni Flint at iniwan na lang doon. Masaya akong bumalik sa pagkakaupo sa tabi ni Flint, kunot ang noo na parang may naiisip at gustong itanong o sabihin sa akin malay ko basta may gumugulo sa kanya. "Kick Pe--" pinutol niya ako dahil parang ayaw niya talagang tapusin ang sasabihin ko. "Flint." pagtatama niya, ay nakalimutan ko. "Pasensya na Flint naman talaga tawag ko medyo confuse beh sorry na beh." nagpout ako, natawa ako ng nandiri siya sa ginawa ko kaya inasar ko na lang ulit. "Beh beh beh." tumawa yung mga nakapaligid sa akin at bumalik ang tugtog at kasiyahan. "Miss Gweneth." napatingin ako kay... Kay... Napangiti siya dahil nahalata niya atang hindi ko siya matandaan. "Lloyd po." Kinantyawan ko siya. "Woah lakas maka John Lloyd Cruz." nagtawanan sila syempre pwera kay Angelina na nasa kabilang tabi ni Flint at si Flint mismo. Yung isa bitter yung isa, hindi tao haha. Naisip ko bigla wala pa akong code name gusto ko may code name ako. "Call Me Inday Pepe." tumingin ako kay Flint dahil inasar ko lang siya huwag lang mapikon tanggal ulo ko kapag sinapak niya ako. Sinamaan niya ako ng tingin. "Hahaha boss grabe." sabi nung isang babae patawarin nawa dahil hindi ko siya tanda. Hindi namin inalis ni Flint ang mga mata namin sa isa't isa, nag peace sign ako. "Joke lang hehehe, bakit kasi ganun yung pangalan mo? Pwede naman King Pabebe hahaha para ako si Queen Pabebe." biro ko sa kanya, bumungisngis ako ng inikutan niya ako ng mata. Cute ehem. "My father accidentally kicked my mother's v****a, are you happy?" napasinghap ako sa gulat dahil sa pagkadiretso niya. "Yung bibig mo naman, preno lang pwedeng itoot mo na lang." saway ko sa kanya. "Epal ka kasi." may narinig akong pagirl na nagsalita, tinaasan ko lang siya ng kilay. Wala akong oras para pansinin ang taong hindi karaptdapat pagtuunan ng pansin. "Angel." saway ng isang babae. Parang tanga ako babae at lalaki ang tawag sa kanila may pangalan naman sila. "Teka teka lang ha, pwede isa isahin niyo ulit yung mga pangalan niyo? Paikot mula sayo.." turo ko sa lalaking anime este kulay green hanggang sa babae. Tumango naman sila, nahihiya silang makipag usap sa amin. "Kenneth." taas ng kamay ni kuyang may green na buhok. "Hansel." ohohhh hindi ko siya napansin kanina pero ngayong nakita ko siya hindi ko maiwasang mapamangha sa kagwapuhan niya. Lahat sila pogi pero sa lahat ng nakita kong tauhan ni Flint, si Hansel ang pinakapogi. "Jeff po Ma'am." kumindat sa akin si Jeff, bumungisngis ako. Mukhang magkakasundo kami neto ni Jeff. "Mikee Miss Gweneth." woah ang lumanay niya magsalita at kita mong mahinhin siya seryoso bang mafia 'to? "An--" magsasalita sana si Angelina pero ayaw ko sa ugali niya kaya nilagpasan ko siya. "Next!" nagkatinginan kami ni Angelina masama kaming nagtitinginan sa isa't isa. "Quit it, two of you." saway sa amin ni Papa Flint, sabay kami ni Angelica na umirap. Tumingin ako sa tabi niya at nginitian siya. "Emerson." medyo pamilyar sa akin si Emerson. "Pamilyar ka sa akin." bulong ko, bigla siyang na-tense. Umiling siya, tinitigan ko siya ng mabuti at pilit na inaalala kung saan ko siya nakita "Kamukha ko kasi si Enrique Gill." napalayo ako ng ulo at hindi naniwala sa sinabi. Tinawanan lang namin siya. "Ang kapal ng mukha mo!" sigaw ni Jeff. Nakatitig parin ako kay Emerson, umiwas siya ng tingin. "Ikaw na.." siniko niya yung babaeng katabi niya. "I'm Sarah at ako yung inutusan ni Boss Kick na mag aayus sayo. Don't worry papagandahin kita. so fab~" cheerful na sabi ni Sarah, nginitian ko siya pero awkward. Dapat ba matuwa ako dahil sa sinabi niyang 'papagandahin kita' positive ba yun o negative. "Hehehe wait lang nakaramdam ako ng uhaw ang dami niyo pero matatandaan ko tiwala lang." sabay kuha ko nung tubig na nasa harapan ko. "Do you really drink?" sa wakas pinansin na ako ni Flint. Tumingin ako sa kanya, naka-cross arms siya. "Oo naman bawal?" paano mabubuhay ang tao ng hindi umiinom ng tubig? Tumango na lang siya, nilagok ko yung puno ng baso ng.... Tubig? Bumigat ang ulo ko at parang nag init. "Flint.." nanghihina kong tanong sa kanya, napatingin ako sa kanya. Parang dumadami siya.. Bakit ganun? "Dami mo pepe.." bulong ko sa kanya tapos natawa ako." Ha. Ha.. Pepe madami.. Ha." "Boss lasing na ata si Miss Gwen." narinig kong may nagsabi nun "Gwen are you okay? Sh*t sabi mo umiinom ka you idiot! Haist." puno ng inis at pag aalala ang narinig ko kay Flint. Napapikit ako at nanghihina. Nakaramdam ako ng mga kamay sa likurang bahagi ng katawan ko at feeling ko bigla akong lumutang. "Wee!" "Tss stupid, iaakyat ko lang 'tong babaeng 'to. May sapak sa utak." sabi niya, nagpaalam naman yung mga tauhan niya. Nagsimula na siyang maglakad, natatamaan ako ng mga tao sa ulo pati sa paa. "Anyu bah!" shigaw ko. Sinisinok na ako, umiyak naman ako. "Waahh *hic* sinisi *hic ako waahhh!" kinusot kusot ko yung mga mata ko. Ayaw ko talaga ng sinisinok nakakabadtrip at nakakainis basta. "Sh*t!" nagmadali siyang lumabas ng activity area. "Bakit ka ba uminom ha!" sinigawan niya ako, tinanggal ko yung kamay ko sa mga mata ko. Galit na galit siya sa akin, hindi ko na masyadong naririnig yung tugtugan. Nasa mga braso ako ni Flint, mabilis na tumataas at bumaba ang kanyang dibdib. Napakagat ako ng labi, naguilty ako. "Sorry.." bulong ko at siniksik ko yung mukha ko sa dibdib niya na parang bata. Nagtutubig na yung mga mata ko. Huminga siya ng malalim. "Tanga ka kasi, tanga tanga alam mo ba ang tatay mo hindi umiinom at naninigarilyo. Tanga ka, papatayin niya ako pag nalaman niya 'to." may inis sa kanyang boses at napangat ang ulo ko. Hindi umiinom si Papa at naninigarilyo pero hindi ibig sabihin nun mabait na siyang tao, sana nga naninigarilyo at umiinom na lang siya kaysa pumapatay ng tao. Dahil sa trabaho niya namatay siya. "Wala na si Papa." tumulo ang luha sa aking mga pisngi. Naalerto naman siya. "Pwede bang sabihin mo sa akin yung tungkol sa babaeng sinabi ni ..." napatigil ako, nanuyo yung lalamunan ko. Tumaas yung kilay niya. "Ni?" hindi ako nakasagot. "Ni?" inulit niya, hinihintay niya ang sasabihin ko. Nakaramdam ako ng parang may sumipa sa kaloob-looban ko. "Ni Justin bieber kay selena gomez?" sinisinok kong sabi, pumupungay na yung mga mata ko. "What the hell?" "Kiss be with you!" hinila ko yung mukha niya at naglapat ang mga labi namin. ...at anong sabi niyo kapag nakita niyo yung kilikili ko? Kadiliman. *snore* *************** FLINT I frozed when our lips touched, my whole body stiffen and I can't even blink. My eyes glued to her peaceful face while her eyes were close. Yes, her peaceful face. Everytime I look at her face parang napakatahimik ng buhay niya pero ang totoo ay puno na siya ng problema. Still her face symbolizes Peace na kahit kailan ay hindi ko mararanasan. Her lips slowly parted to my lips and my breath hitched because I don't know what reaction should I give her but then... I heard snores coming out from her mouth. "Jungle ...juice *snore*" he buried her face against my chest. I can't helped but to smile and I don't know why. I should not and I can't. Binalaan na ako ni Angelina dito, yeah they gay guy na masasaktan ang babaeng 'to sa gagawin ko. But I'm sorry, I'm desperate to bring Xam back. Tinignan ko yung orasan na nakapatong sa table, pass 10 na pala. Tama lang na matulog na siya. So I decided to carry her going to where will be her room across mine and that's the room where her father stayed. Anyway she mentioned that may hika yung mother niya bigla kong naalala na may sakit yung mom niya at posibleng mapasa ito sa kaniya? I think dapat ko siyang ipacheck up muna bago ko siya payagan pumasok sa gulong ito. Anak parin 'to ng matalik kong kaibigan kahit pa malayo ang edad niya sa akin naging kapatid ko na rin yung tatay niya kahit hindi kami magkadugo. The door was slightly open, I gently kicked it para bumukas ng malaki. Nung nasa loob na kami ay sinarado ko yung pintuan at automatic yun naglalock at sa kanya ko lang nilagyan ng ganun. Maraming dahilan para ipalagay yun at nangunguna na ang pagiging babae niya. I walked towards her room still lifting this light weighing idiot woman. Dahan-dahan ko siyang hiniga sa kama, she's sleeping soundly. But as soon as her back touches the bed sheets agad na namula ang mukha niya and she grabbed my nape. Natuod ako habang siya she sensually kissing my numb lips. She clinged her arms around my neck and pulled me down closer to her. Napapatong yung dalawang kamay ko sa pagitan ng kaniyang mga mukha. Sandali niyang pinaghiwalay ang mga labi namin and she's looking directly to my eyes. "I miss you.." then she pulled down my face. I felt a hot blood cells circulating all over my body because of how good of a kisser she is. I just found myself kissing her back. What the f**k?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD