six

1779 Words
GWENETH Hindi ko alam kung bakit ayaw magpakita ni Flint kay Nanay. Tuwing hinihila ko siya papasok ng kwarto ni nanay ayaw naman niya. Kaya nagpaalam na lang kami kila ate at kuya, yeah nagkita na si Flint at ang asawa ni Ate. Minsan natatawa na lang ako tuwing sinasabi ni kuya na alagaan ako. Nagpapatawa ka kuya eh ang boyfriend kuno ko bestfriend ang kamatayan. Mafia Boss laging one step closer sa kamatayan aba baka madala pa ako. Mga 5 steps naman hahaha geh. Nung parehas na kaming nasa kotse nag aya akong magpatugtog. "Aray!" pinalo niya yung kamay ko kaya napalayo naman ito sa radyo. "Don't touch it mamaya papatugtugin mo na naman yung kanina mo pa nirerewind." naiinis niyang sabi, nagcross arms ako at padabog na sumandal sa upuan. Ang arte para nga maniwala na ako eh. "Put on your seatbelt." inabot niya yung seat belt sa dulo ko, biglang napalayo yung ulo ko dahil ang lapit ng mukha niya sa akin. Hindi ko maiwasang iadmire yung mukha niya, siya yung tipo ng lalaki pag gising mo nakahubad parati at may breakfast in bed ka, siya mismo yung pagkain joke. Tapos pag-gising mo rin nakahubad ka din pala yun pala di ka na virgin. Bigla siyang napatitig sa akin, hindi ako makahinga sa lapit ng mukha niya shh shh puso hindi ngayon battle of the bands para mag ingay ka! "Ang pangit mo." At mabilis na bumalik sa upuan niya. Pota nasira yung moment ko sa kanya, ampogi nga ang yabang naman. "Hindi ako yung pangit, yung porma ko lang huwag ka ngang ano diyan!" rason ko kung bakit ako pangit, hahaha may rason pala yun. Inistart na niya yung kotse niya. "Sinisi mo pa damit mo eh wala ka ng pag-asa." minsan kailangan mo na talagang tumahimik para hindi ka na masaktan. Nagsalita pa kasi ako kita na ngang laging may sagot si Flint kahit hindi tinatanong. Bwiset. Ay may naalala ako speaking of kasuotan bakit yung damit niya pangbusiness man diba Mafia Boss siya? "Pst." sumulyap siya sa akin at bumalik sa road yung tingin niya. "Bakit naka suit ka diba Mafia Boss ka?" "I'm the boss natural lang na magsuot ng suit and I'm a businessman." Cool na sagot niya. "Pero, yumayaman ka sa pagpatay?" bulong ko. "Yes, underground ang sinalihan ko. Pag may napatay o natalo kang ibang grupo ibibigay nila sayo lahat ng pera na nakapatong sayo. For example, ako at ang grupo ko dahil na sa higher spot kami ngayon 890 billion pesos ang presyo namin pag natalo kami." halos lamunin ako ng upuan ko sa narinig kong presyo nila. "890 billion?!" bulyaw ko, tumango naman siya. Lumiko kami at napatingin sa hindi pamilyar na paligid. "Pero sapat na bang halaga yun sa buhay niyo? Binigyan kayo ng buhay para pangalagaan yan at para hindi isugal." malungkot kong sabi. Sinasayang lang nila yung buhay nila na ibinigay ng may kapal. Imbis na alagaan nila ito at mahalin ang natitira nilang kaarawan habang may pag hinga pa sila eh siya namang alok nila sa demonyo ng buhay nila. "You know nothing kaya naiintindihan kita kung bakit mo sinasabi yan." walang emosyon na sabi niya, bumuntong hininga na lang ako. "Saan ba tayo pupunta?" tumingin ako sa kanya, nakita ko ulit yung tattoo niya sa likuran ng tenga. Ang cool talaga nun. "Sa mansion ko but I call it our base, ipapakilala kita sa mga tauhan ko. And we will held a celebration para matunugan ng kalaban natin na may girlfriend na ako at soon to be wife." bakit parang hindi siya masaya nung sinabi niyang soon to be wife. Hindi naman sa pag aano pero ganun ba talaga ako kapanget? "Oh tapos susugurin tayo, tapos babarilin tayo, tapos mamatay tayo yey!" sarkastiko kong sabi at tinaas ko pa yung dalawang kamay ko na parang natutuwa. Ngumisi siya at umiling. "Don't worry may rules dito, hindi kami makikipag-away sa asawa ng iba pero." nag red yung stop light, pinatong niya yung siko niya sa manubela at tumingin sa akin. "Pwede namin silang agawin." Kumunot ang noo ko at nag-alala. Agawin? Ang ibig sabihin nito makikipag away ako sa ibang girlfriend o syota o asawa ng kabilang grupo at pwede akong agawin? "Paanong agaw?" nagtilt yung ulo ko, dumiretso ang tingin niya at tinignan kung green na yung traffic light. "Sa kahit anong paraan, make you fall in love with them or even force you." pinaandar naman niya yung kotse at napasinghap ako. "Paano kung naagaw nila ako? Anong gagawin ko?" natatakot ako mga veh paano kapag may mas pogi pa kay Flint? Paano kapag dinukot ako pero ang pangit ng dumukot sa akin? "Don't worry walang nagkakainteres sayo kaya ikaw ang kinuha ko." naningkit yung mata ko at nagfocus sa seryosong lalaking ito. Parang wala lang sinasabi niya parang hindi siya nakakasakit. "Nakakainis ka." tumahimik na lang ako at hindi na nagsalita. Ako yung kawawa eh kapag nagsalita ako. Tahimik yung byahe mukhang malayo-layo pa, paidlip lang kahit sandali. *yawn* ***************************************** "Panget pst." may nariniig akong boses. "Wake up." may umaalog sa braso ko. "Mmm." umungol ako at nainis sa umaalog sa akin. Badtrip natutulog ako eh, ginalaw ko yung kamay ko at pinalo kung sino man ang nanggigising sa akin. "Ah d*mn you." nakaramdam ako ng kamay sa dibdib ko. Nagising kaagad ako, lahat nagising sa akin pati yung dugo ko gising na gising. "Hayup ka!" kinurot ko yung kamay niya na kahawak sa dibdib ko at siniksik ang sarili sa gilid. "Ayaw mong magising eh." inikutan niya ako ng mata. Nanggalaiti ako at kinagat ang labi. "Ikaw!" susugod sana ako kaso may nagbukas ng pintuan sa likuran ko. "Ahhhh!" Akala ko mawawalan na ako ng ulo buti na lang may sumalo sa akin, tumingala ako para makita kung sino yun. Waaah may bagong fafables. "Hi." ngumiti siya sa akin. Hindi ko alam kung saan ako nasisilaw sa araw o sa ngipin niya? "Hello hehehe." awkward na sabi ko. Tinulungan niya akong lumabas, binasa ko yung labi ko ng magkaharap kaming dalawa. "Ako nga pala si Gweneth." pabebeng sabi ko. Wala sa akin yung tingin niya, nasa likuran ko. Yung mga mata niya kumikinang, mukha siya... Nahumaling? "Ay!" aba hinawi ako! "Boss Kick Pepe my loves!" tumili siya oo tumili yung lalaki at dire-diretso niyang sinugod si Flint. Napanganga ako, bakla siya? Niyakap ni girl ay ni boy ay girl? Si Flint, si Flint naman parang may pandidiri sa mukha. Napataas ako ng kilay at nagcross arms, nagmarcha ako papalapit sa kanila. Alam niyo bang sumubsob ako sa gilid ng kotse nung tinulak niyo ako? Bakit sa storyang ito lagi na lang akong hinahawi na parang wala akong pikpik at dibdib? Babae parin ako noh! "Tabi nga boy." pinaghiwalay ko sa kanilang dalawa at tinaas ko yung kamay ni Flint at pinatong ko sa balikat ko. Niyakap ko naman siya. "Akin siya." dumila ako. Naramdaman ko na naging stiff si Flint. "Excuse me?" mataray na sabi ni boy. "pwede ka ng dumaan boy." inirapan ko siya at pinanggigilan yung kilikili ni Flint. Mga day ang bango bango niya at isa pa ang tigas ng katawan niya. "Girl ako for your information hmp!" bumalik ang tingin ko sa kanya. "Nandito ka lang naman dahil gusto ni Kick Pepe na ibalik yung love of his life niya kaya huwag ka ngang feeling. Kunwari ka lang naman che." nilisan niya yung kinakatayuan niya. Ako naman napatingin kay Flint, may lungkot sa mga mata niya habang sinusundan ng tingin si 'girl'. Dahan dahan akong lumayo sa kanya. "Bakit may pagirl dito?" biglang tanong ko. "As long as loyal at kayang protektahan ang sarili at ang boss niya gender is not a problem." seryoso niyang sabi. Natawa ako. "Syempre pogi ka loyal talaga yan." ako lang tumawa saya 'no? Siya kasi seryoso, naapektuhan ata sa sinabi ni girl boy. "Flint?" napatingin siya sa akin, bumalik siya sa sarili niya. "Broken hearted ka 'no?" bulong ko. "Maybe?" nagshrug siya at hinawakan yung ulo ko, ito yung ayaw ko kapag mas matangkad sa akin yung kasama ko ginagawa akong gasul. "Halika na." hindi na siya nagpaliwanag, nauna na siya sa akin maglakad. Tahimik ko siyang sinusundan sa likuran. Hindi ko alam kung bakit nga ba ako nandito pero pakiramdam ko gagamitin niya ako para may isalbang babae sa buhay niya. Nung nakapasok na kami sa MANSION niya hindi ko maiwasang mabighani sa loob nito. May mga gold na knights tapos halos lahat yellow or gold at may white dito sa loob ng bahay niya. "Aray!' napahawak ako sa ilong ko, nabangga ko pala likuran ni Flint. Hindi ko makita kung anong nangyayari sa harap kasi nagdedaydream ak sa likuran ni Flint. Lumingon siya at inabot ako, inakbayan niya ako at hinila sa harap. Nagulat ako ng maraming lalaki na nakatayo sa ibabang floor. Teka bakit nasa second floor kami? May ibababa pa pala 'to akala ko nasa first floor kami eh. "Everyone, meet your new boss Gweneth. I'm confident that you will do your job to protect this woman until you die." hindi ako magalaw, nakanganga ako habang pinagmamasdan ang halos more than 100 na katao sa ibaba. May dalawang babae at sure na isang may pusong babae kilala niyo na yun, at puro lalaki na. Nagkakamali kayo kung iniisip niyo naka suit sila or nakablack. Colorful sila parang gummy bears hahaha. "Today, we will celebrate dahil sa bagong myembro. Pansamantala lang siyang magiging kasapi dito." seryosong sabi niya, ewan ko bakit parang nalungkot ako? Lalo na nung tinanggal niya yung akbay niya sa akin baka mamiss ko yung amoy niya. Pero seryosong usapan, hindi naman sa chismosa ako kasi karapatan ko namang malaman kung ano bang problema ni Flint kasi kasama na ako sa gulong 'to pinasok niya ako kaya dapat lang malaman ko kung ano bang problema at dahilan niya. "Flint." tumingin siya sa akin. "Pwede ba tayong mag-usap. Huwag mong idadahilan na wala lang at huwag mo ring sasabihin na wala akong karapatang malaman. Flint pinasok mo ako dito pwede bang iinform mo ako kung bakit?" pakiusap ko sa kanya. Katulad ng inaasahan wala siyang reaksyon ni hindi siya gumalaw. "After the celebration, bumaba na muna tayo para makihalubilo sa kanila." umiwas siya ng tingin at hinawakan ang kamay ko. Natuon ang mata ko sa kamay naming dalawa, sa totoo lang hindi ako komportable sa kanya kapag siya ang lumalapit sa akin. Nagpadala na lang ako sa kanya habang naglalakad. Sana sa pinasok kong 'to bukod sa matutulungan ko ang pamilya ko sana walang mangyaring masama sa aking katawan, sa isip at lalo na sa puso. Mas masakit mabroken hearted kaysa magkasakit sa puso. Joke.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD