GWENETH "This is how we torture." Flint bluntly answered. Lumapit ang lahat sa babae pwera saakin, hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Parang binuhusan ako ng malamig na yelo. Niluhod ni Flint ang isa niyang tuhod at marahas na hinawakan at pinisil ang pisngi ng hubad na babae. Humihikbi ito, halatang lata na ang katawan. Nakakadena ang kamay at paa habang nasa lapag. "Tell me who's the mastermind behind Uno's death? Tell me!" nakikita ko ang pag higpit ng pag hawak ni Flint sa babae. Uno? Si Papa? Doon na ako gumalaw, lumapit ako sa kanila pero nasa likuran lang ako ni Keneth. Nanginginig ako sa takot. Ngumisi yung babae at tumawa. "That old man deserves to die! He ruined our clan! You all ruined our clan we built and now, I'm happy that this is finally happening to you! I HOPE YOU

