GWENETH "Flint." humikbi ako habang paulit ulit kong sinasambit ang pangalan niya. Hindi siya gumalaw, hindi talaga. Para ngang hindi na siya humihinga, hindi niya rin binalik ang yakap ko sa kaniya. Tumingkayad pa ako lalo para maabot siya. Isiniksik ko ang mukha ko sa basa niyang leeg at hinayaan niya akong itago ang mga hikbi sa kaniyang leeg. Namimiss ko na ang amoy ni Flint na napakamasculine at natural ang amoy niya. "Akala ko nasa Europe ka na." mahinang bulong ko, ngunit hindi siya sumagot. Nagtataka naman ako kung bakit hindi siya nagsasalita, ni isang kibot sa kaniyang katawan ay wala akong natanggap. Kaya minabuti kong lumayo at tumingin sa kaniyabg mukha. Walang reaksyon sa kaniyang mukha, napakablanko niya. Ayaw niya ba ako makita? Napahawak ako sa puso ko at nasaktan sa n

