GWEN'S Nung ihihiga na niya ako sa sofa habang naghahalikan kami bigla na lang kaming nakarinig ng malakas na pag bukas ng pinto sa living room kaya agad kaming naghiwalay ni Benedict. Lumingon ako para makita kung sino yun, bigla akong nanlamig ng makita ko kung sino ang pumasok sa living room. "F-Flint." Nauutal kong banggit ng kaniyang pangalan. Nakatayo lang siya doon sa may pintuan, kalmado pero yung mga kamao niya nakakuyom. Ganun parin yung tindig niya matigas, matipunan at parang sinasabi niya na mas angat ako sa iba. Ganun parin ang suot niya kanina syempre suit, kailan ko ba hindi nakitang nakasuit itong lalaking ito? Bakit siya andito? Diba nasa kaniya na si Xamantha, ano pang ginagawa niya dito? Hindi ako makagalaw dahil syempre nagulat ako na may pumasok at mas nakakagulat

