GWENETH P.O.V Nakaupo kami ni Flint, magkatapat kami at kanina pa kaming nagtatalo sa kung anong dessert ang para sa akin. "Ice cream." "No, ceasar salad." "Ice cream." "Ceasar salad." Nagsukatan kami ng matatalim na tinginan parehas kaming nagtatalo kung ano dapat bilihin ko. "Ahm sir, maam." Hindi namin pinansin yung waitress. "Bakit ba! Diba tinanong mo ako kung anong gusto ko? Para saan pa yun baliw talaga 'to." Naiinis kong sabi. Gusto niya para saakin ceasar salad eh hindi naman ako kambing. "Ice cream is not healthy." Mahinahon niyang sabi. Umiwas ako ng tingin, masyadong maamo ang mukha niya ngayon. Anong nalaklak nitong lalaking 'to. Una yung sa t-shirt na suot suot namin ngayon pati pants namin parehas female version saakin at male sa kaniya. "Hindi naman ako kambing. At

