Tulad nga nang sinabi ni Xolani ay nakahanda na ang hapunan nang makarating kami sa kinaroroonan ng mga kasamahan namin. Kasali sa binayaran namin dito sa resort ang mga pagkaing ni-request naming ipaluto para sa hapunan. Nagsindihan na rin ang mga ilaw sa paligid dahil lumubog na iyong araw. Maaga pa para sa nakasanayan kong oras ng hapunan pero parang kumakaway na sa'kin ang mga nakahaing pagkain kaya nagutom ako bigla. "Kakain na 'pag kumpleto na tayo," pahayag ni Star habang inaayos ang ilang hiniwang prutas sa isang malapad na plato. "Sina Yudz at Nica na lang iyong wala pa," dugtong pa nito. "Nakasunod na sa'min ang dalawang iyon," saad ni Xolani at pasimpleng kumuha ng isang tuhog ng pork barbecue. Inalok pa akong kumagat pero umiling ako bilang tanggi habang tumingin-ting

