bc

The Guy Who Stole My Panty

book_age16+
94
FOLLOW
1K
READ
drama
comedy
sweet
LGBT+ Patimpalak sa Pagsulat
bxb
humorous
childhood crush
first love
friendship
twink
like
intro-logo
Blurb

Alexis and Mikael are childhood friends. Mikael was a bully and Alexis had so much of Mikael foul plays and wishing that Mikael would just disappear in his life. An angel heard Alexis' wish. Mikael and his family immigrated to Australia and decided to live there for a while.

When college enrollment begun, Alexis and Mikael meet again but not how it looks like. Seeing each other again then tell how's life and stuffs but it makes Alexis wonder and sad at the same time. Mikael doesn't recognize him.

chap-preview
Free preview
Prologue
M I K A E L R I C A F O R T Isang lalaking sinusumpa ko! Isang malaking sumpa ata siya sa buhay na binigay ni Lord sa akin! Bakit ba sa dinami rami ng magiging kapit-bahay ay ito pang Mikael na 'to! Bakit ako galit na galit sa kanya? Simple lang naman... Una... I was playing alone with my toys. Dolls. Yes. Mga manyika talaga. Supportado ako ng single mom kong napakakalog din. Kaya binilihan niya ako ng dolls. Barbie dolls at may Ken na doll pa siyabg binili para sa akin. 'di ba? Bongga! Lumapit siya at nagtanong kung bakit daw ako naglalaro ng mga manika e lalaki daw ako. "Can't you see? I'm playing dolls. Lalaki pa ba ako sa paningin mo?" sarkastiko kong tugon sa kanya. Yes may pag-english talaga para dama niya! "Yes. May tete ka pa naman din eh. Kaya dapat hindi yan ang nilalaro mo." walang pakundangang sabi niya. Sa lahat ba naman ng sasabihin niya? Iyon talaga! "Wala kang pakialam Mikael. Kaya please lang tantanan mo ako." inirapan ko na lang siya. "Sige. Pero gusto mo laro tayo." Nilingon ko siya at binigyan siya ng matalim na titig. "Hoy. Iba na lang Mikael. Kung manggugulo ka lang makakaalis ka ng unggoy ka." "Unggoy? Gwapo ko namang unggoy." nagpogi sign pa siya at kumindat. Duh! Kala niya kinagwapo niya yun. Oy hindi no. Mukha siyang nakirat lang. "Dali na. Ako maglalaro sa lalaking manika mo." dagdag pa niya. Wala akong nagawa. Dahil bigla siyang umupo sa harapan ko at pinakialaman na niya yung lalaking ken doll. Una ay okay naman. Umaacting din siya ng bongga. Pero iba na ng malaunan. "Maghubad ka barbie.." Nagtaka ako kaya sinakyan ko na lang din.. "Bakit naman Ken? Nahihiya ako." "Okay lang yan. Maghubad ka na please." "Hoy, Mikael. Wag ganun. Nako ha. Ayoko ng iniisip mo." Tumawa siya. "Wala naman akong iniisip eh." pagtanggi nito. Inirapan ko siya. Dahil nauhaw ako nagpaalam akong iinom. Pumasok ako sa loob ng bahay namin at uminom. Pagbalik ko... "MIKAEL!" pagtawag ko sa kanya ng napakalakas at may halong gigil Nakita kong wala ng saplot yung mga barbie ko at si Ken na doll ay nakapatong sa isang barbie doll. My gad!! Narinig ni Mommy ang boses ko at lumabas ng bahay ta nakita rin ang mga laruan ko. "Alexis..." pagtawag ni Mommy sa akin. Nakatingin siya sa akin na parang sumuwat ako sa utos niya at napalingon sa mga manyika ko. "Mom, si Mikael ang may gawa niyan!" Nakita ko si Mikael sa gate ng bahay nila. Tumatawa ang loko! Nagpaliwanag ako pero hindi ako pinakinggan ni Mommy. Itinago niya ang mga laruan ko at hindi na ako nakapaglaro ng barbie doll simula noon. Pinagalitan pa ako at sinermunan. Nakakainis na Mikael yun. Argghh!! Pangalawa... Pinahiya niya ako sa circle of classmates namin no'ng grade 4 kami! Oo. Kamalas malasan nga naman classmate ko pa ang mokong na 'yon. Aba! Tinakot ako ng bongga at ending napaihi ako sa aking shorts! I'm scared of cockroaches. Ang ginawa niya ay nag-ipon siya sa isang box. Birthday ko no'n at nanlibre ako sa mga kaklase ko at kumakain sa may playground ng school. Bigla siyang lumapit at bumati sa akin. Nawi-weirduhan nga ako dahil bago sa kanya yun. I thought it was a sincere one dahil may inabot siya sa aking box. Kulay pula iyon na balot sa balat ng yema at may paribbon pa. Natutuwa ako no'n dahil sa kauna-unahang pagkakataon, may special treatment siya sa akin. I was excited na mabuksan iyon at nagmadali pa ako dahil gusto ko ng makita ang regalo niya. "AAAAAHHHHHHHH!!!" irit ko. Nang mabuksan ko iyon ay ang baho! At puno ng ipis! Napatapon ko ang kahon pero may ilang gumapang na sa kamay ko! "MOMMY!" sigaw ko ng pagkatindi tindi at umirit ako na parang wala ng bukas. I was stood there and crying so loud and calling my Mom. Irit ako ng irit dahil ramdam ko ang mga galamay ng mga ipis. My gad! Hindi ko maalis dahil ayokong hawakan. Tuwang-tuwa si loko! Nakakainis at tumatawa din ang iba naming kaklase. Hindi ko ma marecall kung paano ako nakasurvive sa phobia kong yun. I hate ipis ever since. Nakakadiri talaga. Napaihi ako sa shorts ko dahil sa takot. Namumuro na siya. Nang makauwi sa bahay ay mismong Mommy pa niya ang nagsorry. Ang kapal niya lang. Siya ang may gawa pero iba ang hihingi ng tawad sa kasalanan niya. Nagsorry siya. Pero I dunno if it was sincere dahil pahapyaw lang niyang binanggit iyon. Akala ko ay tapos na. No hindi pa.. Pangatlo... Grade 6. Niyaya niya akong magbike after ng school. At dahil mayroon naman akong bike. Pinagbigyan ko siya. Nang nasa park na kami. Pinakilala niya ako sa mga kaibigan din niyang may mga bisikleta rin. Yun pala may balak na naman ang lalaking ubod ng sama ang ugali. Kasabawat niya yung mga kaibigan niya. Paunahan daw. May patibong silang nilagay sa dadaanan ko. Isang malaking hole na akala ko ay daan yun pala ay pinatungan lang sako at mga lupa at tuyong dahon. Sumemplang ako doon at nagtawanan sila. Nako. Bully talaga. Nang patayo na ako ay hindi ko namalayang sumabit ang shorts ko sa may bisikleta ko. Basta naipit yung laylayan niya at dahil nanipis iyon ay nasira. Saktong hanggang pundyo ng shorts ko at sa may puwitan pa. Nakita nila ang suot kong underwear. Isang Kerokeroppi na design na panty kasi yun! Nakakahiya talaga at nagtawanan pas sila. "Mikaelllllll!!!!!! Kasalanan mo to!!! Galit ako sa'yo!!!! Galit na galit ako sa'yo. Tandaan mo yan!!! Wag ka ng magpapakita sa akinnnn!!!!" sigaw ko at narinig ko pa rin ang hagalpakan nilang mag kakaibigan habang ako ay tumatakbo pauwi ng bahay. Hindi ako lumabas noon ng bahay. Mabuti at wala noon si Mommy ng makuwi ako. Hindi ko alam na sinundan pala ako ni Mikael. Kumakatok siya sa pinto pero hindi pinagbubuksan. Nagsosorry siya. Nako! Hindi na ko papauto sa kanya. Sobra sobra na ginawa niya sa akin. Hindi lang yan yung mga bagay na ginawa niya. Kung tutuusin, hindi naman talaga yun bully. Palagi niya akong tinutukso pero kapag kami lang dalawa. Kesyo bakla daw ganito ganyan. Marunong akong sumakay sa mga biro niya. Pero yung iba kasi sobra na. Napuno ako. Hindi ko na siya kinausap simula ng mangyari iyon. Isang linggo ang lumipas noon at hindi pa rin ako tinitigilan ni Mikael para magsorry at pansinin siya. Pero parang hangin na lamang siya sa akin noon. Ayoko. Galit ako sa kanya. Lagi nga siyang may ginagawa o binibigay for peace offering pero deadma na lang siya. Alam kong uulitin niya yun. "Aalis na kami sa makalawa, Linggo yun. Pansinin mo na ko oh." wika niya habang naglalakad kami sa hallway ng school pauwi. Pero hindi ako sumagot. Nako pakulo lang niya yan. Mas okay yun aalis siya para wala ng gugulo pa buhay ko "Alexis. Please na oh. Matitiis mo ba ang gwapong tulad ko?" sabi niya. Ang hangin pa rin iya kahit humihingi ng sorry. No. Akala niya madadaan niya ko sa ganun. Never! Nakakinis. Bakit ba sa dinami rami ng pwedeng pagtripan ako pa? Hindi man sadyang isiwalat na nagsusuot ako ng panty dahil sa bakla ako pero baka mas gusto niyang pinagtatawanan ako. Pero this time hindi na. Matapos ang araw na iyon, wala na akong nakikitang Mikael. Hindi na niya ako kinukulit.Pabor din sa akin atleast wala akong ikakastress. Dumating ang Linggo na araw ng pag-alis niya. Hindi ko inaasahang pag uwi ko ng bahay galing sa galaan ay nakaparada ang sasakyan nila sa tapat ng bahay namin. Yup. May kotse sila. Mayaman naman sila. Katapat lang ng bahay namin ang bahay nila. Nadatnan kong nag-uusap sina Mommy at ang pamilya Ricafort. "Aalis na sila anak. May malaMMK ka bang mensahe para sa kanila?" may pagkaseryosong sabi ni Mommy. Pero natawa lang ang Mommy at Daddy ni Mikael. "Yung pang-Oscars ba, Mi?" natatawang saad ko. "Pwede rin. Kung kaya mong panindigan, go ispluk mo na." sabi ni Mommy. No wonder kung bakit supportado ako sa pagkabakla. Isang laking bakla din siya. "Ingat po kayo, Tita, Tito.. Magkita po sana ulit tayo.. I mean. Balik po sana ulit kayo.." pero at the back of my mind, bumalik sila pero wag nilang isasama si Mikael. "Sure naman iyon. Maybe after ni Mikael maghighschool, baka dito namin siya pag aralin ng college. And I hope na maging kaklase kayo ulit." tugon ni Tita Carissa. "Don't worry. Pwede rin. Mamimiss ko nga si Mikael eh.." "Really? You gonna miss me??" biglang sulpot ng lalaking sinusumpa ko. Sumulpot siya kung saang sulok ng bahay at pumalapit sa amin. Nako. Nirinig pa niya. "Oo naman. Wala nang mambubully sa akin. Wala nang magpapahiya sa akin. Nakakalungkot kaya yun.." sabi ko at nagpeke ng isang sad face.. Deep inside, aking pasasalamat ko. Kahit na hanggang college na siya doon okay lang. Or kahit forever na. Wala akong pakialam. Basta mawala na siya! Matatahimik na rin ang buhay ko. "Mamimiss din kita..." seryosong sabi niya. Charotero din 'to. Hindi niya ko madadaan sa ganyan. "Kayo talagang mga bata. Pagsensiyahan mo na ai Mikael, ha. Mabait naman siya, 'di ba. At kalimutan niyo na ang nangyari sa inyo. Tumatanda na kayo at sa paglaki niyo tatawanan niyo na lang kung anong nangyari sa nakaraan." sabi ni Tita Carissa. "O baka maging way yan para kayo ang magkatuluyan. My gad. Ang ganda ng anak ko pagnagkataon! Haba ng hair!" kinikilig na sabi ni Mommy. "Mommy!! Ano bang sinasabi mo. Nababaliw ka na naman." Nagtawanan lang sila. "Oh siya, paano yan Mare... baka malate pa kami sa flight. See you after 4 years or more, okay. Mamimiss kitang kachikahan." sabi ni Tita Carissa. "Oo nga. Baka maging tahimik din ang asawa ko doon. Alam mo na. New environment." pagsingit ni Tito Harold. "Nako. Mamimiss ko rin kayo no. Pero bonggalicious naman kayo. Australia pa ha. Wait niyo ako... Magja-Japan din ako soon kung makekeri ng beauty ko." wika ni Mommy. "Haha. Gaga ka talaga Mars. Pero sige ha. Mag ingat kayong dalawa ni Alexis. Alexis alagaan ang iyong Mommy okay." pagbilin ni Tita. "Yes po. Ingat din kayo.." Lumabas kami at inihatid sila sa kanilang sasakyan. Nakapasok na sila Tita at Tito sa sasakyan pero etong si Mikael ay hindi pa rin. Nagsosorry pa siya sa akin. "Hindi ako aalis dito, hangga't di mo ko pinapatawad. Sorry na. Promise. I regret those things na ginawa ko sa'yo." "Wow. English... saan ka naman natuto no'n? Regret regret mo mukha mo!" "Kailangan yun. Kasi sa Australia kami pupunta. Englishero daw mga tao dun eh. Kaya nag-aral na ako." Q "Okay. You may go. Shuppiii!!" sabi ko. "Alexis Bernal. Please sorry. Patawarin mo na ko. Para matahimik na rin ako. Please bago man lang ako umalis. Atleast nakapagsorry na ako at di na ako nakokonsensya." Seryoso siya. Okay fine. Mukhang ito naman ang huling makikita ko siya eh. Kaya naman pagbibigyan ko na. At sana wag na siyang bumalik pa. "Okay. Apology accepted. Mukhang huli na naman siguro kitang makikita eh. Matatahimik na rin ako." sabi ko. Walang paalam na niyakap niya ako. Nagulat ako sa ginawa niya. So ano na namang palabas 'to? "Hoy. Ano ba. Kadiri ka yakap-yakap ka pang nalalaman." "Thank you! Mamimiiss kita. And basta sorry ha. Magkikita pa uli tayo. Alam ko mamimiss mo tin ako. Mamimiss mo ang gwapong nang-aasar sa'yo." "Kapal mo oy. Lakad na. Wag ka ng babalik." Kumalas siya sa yakap at nagsalita. "Choosy ka pa ba? Mikael Ricafort na 'to oh." nagpogi sign pa ang loko at kumidat pa. "Pangit mo! Mukha kang kirat. Lumayas ka na!!" Nagpaalam naman siya. Umandar ang kotse nilang kulay pula. Nasa likod siya. Unang pumasok si Mama. Pero naiwan akong pinapanood ang palayong kotse. Nako salamat naman at wala nang Mikael sa buhay ko. "ALEXIS!" tawag na kumuha ng atensyon ko. Nilingon ko at nakita kong dumungaw si Mikael. Nagwewave ito ng goodbye. Napangiti ako at nagwave din. Nako wag ka na sanang bumalik. Pero nawala ang ngiti ko ng biglang may inilabas siya. Nakita ko ang ngisi sa kanya ay iniwawagayway ang aking underwear! Yung paborito kong kerokeroppi na panty! Nag-init ang mukha ko. "Salamat sa souvenir!" pagsigaw niya pa at tumawa ng pagkaloko-loko! "MI.KA.EL!" napasigaw ako sa galit. Sabi na. Hindi na talaga siya magbabago pa! Sa walangya siya talaga!!! Sa dami-dami ng pwedeng i-souvenir yun pa. Pwede ko naman siyang bigyan ng kung ano. At hindi ko yun binigay! Ninakaw niya. He steal it!!! That guy stole my pantyyyy! ______________________

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Husband's Secretary (TAGALOG)

read
1.4M
bc

My Millionaire Boss

read
1.7M
bc

ZACH HOFFMAN

read
225.8K
bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
416.2K
bc

Mr. Henderson: The Father of my Child -SPG

read
2.6M
bc

Sweet Temptress (Completed)

read
1.7M
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
427.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook