Part I

1848 Words
PART 1 ALEXIS' POV "Junak! Surelamey ka na ba sa school na yan?" "Ov courseee, Mameeyy... 101% yan no. Maganda naman ang turo dito balita ko eh. Pati mas mura dito Mom. Hindi mabigat sa bulsa 'no. Pinakita ko naman sa'yo. Malakas makaFEU di ba?" "Okay. Tiwala naman ako sa'yo. Kaya paghihirapan ni Mommy mo ang maigapang ka sa college." sabi nito. "Ay oh. Gagapang talaga. Pwedeng maglakad Mameeeyy.." natawa siya sa biro ko. "Mana ka talaga sa akin, nak. Pati kagagahan ko eh 'no papatulan mo.." "Naman Mamey! Kaw kasi eh... Mag-e-MMK na naman ba tayo? Bawal ang drama di ba? Hayaan mo magsight din ako ng part time job, para naman kahit papa'no ay mahelp kita Mamuuu!!" "D'yan ako walang tiwala. Magsasighthing ka lang ng boylets! Don't me. Don't your Mother." sabi nito at umirap. Don' t your Mother?? Yung totoo. Nakasinghot naman siya ng katol. "Miii... Alam kong kasing ganda kita pero never pang lumalandi ang dalaginding mo 'no! Pero part yata ng growing up ang paglandi!" "Correction, mas maganda ako sa'yo. Sa matres kita galing baka nagkaamnesia girl ka na. Pero wag mong manahin ang aking kalandian. Baka majuntis ka ng maaga. Mahirap na!" "How I wish Miii... Kung makajuntis ka naman, haler.. Angry bird kaya ang pinagkaloob ng dugo ni pudra! Sayang nga eh. Ganda ko pa naman." sabi ko at flip my hair to the right and left. "Mag fly away ka papuntang Thailand. Doon mo paliparin si Tweety bird mo at palitan ng fresh na maning walang balat." suhestiyon ni Mommy. "Support mo talaga akis sa kabaklaan ko no Mommy! Kaya love na love kita eh.." "Naman, nak. You're the only one I have... Sarangghae..." tono ni Mama na ginaya yung bida sa The Legend of the Blue Sea. Nahook kasi siya doon. "Sumi-Sim Cheong ka na ha. Gusto ko yan." natatawa kong sabi sa kanya. "Kaya nga ako nandito sa Japan di ba? Sarangghaee Joon Jae." nabaliw ng tuluyan. "Korea 'yon Mi..." bored kong sabi sa kanya. "Sorry na agad. Magkakamukha lang naman sila." "Whatever.. O sige na Mommy.. Malolobat na yung phone ko. Tomorrow is the day na lang ulit." "Okay, magbeauty rest na lang muna ako. Yung mga bilin ko ha. Don't forget." "Yes.. IKR. Lalabbyyuuuu!!" "IKR?" takhang tanong ni Mommy. "I know right. Sige na Ma. Wag pabayaan ang self. Okay." "K. Fine. BB." "BB Cream??" "Gaga! BaBush! Labyuuu." may sariling abbreviation din siya no? Yun lang at namatay na yung phone ko. Hay nako. Buti umabot. Hindi ko kasi nacharge overnight. Nganga tuloy ako. Kasalukuyang nasa bench ako kung saan malapit ang nasagap kong wifi connection dito sa school na papasukan ko, FORTH EULYSIS UNIVERSITY. Lakas maka FEU. Bakit ako nakaconnect? Siyempre alam kasi ng bestfriend ko ang password. Ang pinsan niya kasi nasa Registrar kaya ayun. Getsung lang ang password at instant connected na kami. Yup. Tama kayo. NagJapan ang Mom ko. The reason is... Hindi na sapat ang kinikita niya dito sa Pinas. Single Mom siya at hindi pa niya natapos ang high school dahil dinadala na niya ako noon. Sumasideline lang siya sa mga bar as singer.. Hindi ganun araw araw kumikita ng bongga kaya naman mas pinili niyang mag-iibang bansa. Yung Papa ko ay hindi ko nakilala. Wala din kahit picture man lang. Sabi ni Mom, campus crush daw ang Daddy ko no'n at dahil maganda naman talaga ang Mommy ko, hindi malabong nagkainlaban silang dalawa. Ang nakakalungkot nga lang, hindi niya kami pinanindigan ni Mommy. Tira ng tira hindi naman pala kayang maging Ama. Pero okay lang sa akin kung lumaki akong Ama. Naging Ama naman din ang aking Mommy para mapalaki ako ng ayos. Ang nakakalungkot pa ay pinalayas si Mommy ng sarili niyang magulang. Sa kinse anyos na edad kasi ay nasa sinapupunan na ako ni Mommy. Hindi daw natanggap ng pudra at mudra niya. Kaya eto kami, sariling taguyod. Yung tinitirahan namin ay binigay ng aking runaway pudra na binigay ng father niya sa amin para daw tigilan na siya ni Mommy. Mayaman naman yun kaya go push ang pagbigay ng baler sa amin. Kaya kinakailangan niyang mas malaking kita, ngayong nasa kolehiyo na ako. Noong isang taon lamang siya umalis. Sayang nga at hindi siya ang nagsabit sa medalya ko nang makagraduate ako as 1st honorable nitong nakaraang high school graduation.. Okay lang. Inaalay ko naman sa kanya ang mga achievements ko. Alam naman niya yon. Lab na lab kaya niya ako at ganun din ako sa kanya. Napili ko itong school na ito dahil hindi katulad ng ibang universities, mas mura dito ng 50% kaya gora na ang beauty ko ditey. Ayoko naman ding pahirapan si Mommy. Sinabi ko na sa kanyang hahanap ako ng part time job. Para kahit papa'no ay may sarili akong panggastos. Alexis Bernal. Yan ang napakagandang pangalan ko. Chareeettt.. Lakas maka Kris Bernal di ba? Pero mala Kim Domingo ang ganda ko. Buhat bangko na itoooo.. *Evil Laugh* Pati isa pa, kung bakit ko napili ang school na ito, they support l***q. I mean, walang discrimination. Kaya pasok ang beauty namin ng baklang friend ko dito. Bakla din kasi yun. "BATLLLAAAAA!!!!" isang pag-irit ang narinig ko na kinakabog ng dibdib ko. Siya ang bestfriend kong bakla, si Morris Phillip. Yup. You heard me. Pang sigarilyo ang ganda niya. Tumatakbo ng malandi siyang lumapit sa akin. "So artista na ba ako para tumili ka ng ganyan? Para ka kasing nakakita ng artista ah." sabi ko sa kanyan. "Eh nemen keshe beklee... Meyyyy geeed!!! Endeme kesheng boyletsss.. Ang eepek!" sebe nye. Pete eke nepepegeye. Letsee! "Nandito ka ba para mag-aral or pag-aralin ang mga lalaki?" "Ang hard mo naman besh. Siyempre mag-aaral. Mag-aaral ng kalandian ganernnn!!" "Gaga ka talaga! May ichichika ka ba?" "Ay oo nga pala. Yes naman bessshhh... Kanina kasi pagpasok ko dito sa school, may pinagkakaguluhan silang boylet sa labas ng gate. Kaya ako natagalan, naging giraffe muna ako para masight si boylet. And my gad batlaaaaa!! I can't believe from what I seeeee... Eeeeee...!" sabi niya at parang hihimatay siya habang umiirit. "Ay mukhang interesting ha. May tiwala ako pagganyang ang reaksiyon mo. Ispluk mo na batlaaaaa!!!" sabi ko rin na nasasabik. Oh di ba? May inner kalandian din ang Kim Domingo niyo.. "Kyaaaaahhh.. Mala Robert James M. Reid ang kagwapuhan teh!Makalaglag ng panty!" nanghahampas at niyuyugyog ako habang sinasabi niya yun. Sadista rin to eh. "Bakla ka! Dapat tinawagan mo ko!! Sana nakita ko rin. Selfish ka rin eh no!" sabi ko sa kanya na may paghampas din! "Gaga. Patay ata phonelet mo. Tumatawag ako kanina pa eh." Oo nga pala. Nalowbat kanina. "Okay di bali... For sure naman na makikita ko rin yan dito sa campus." "Oo naman bakla. For sure! Baka maghubad ka ng Teletubbies mong panty. Sinasabi ko sayo.." . "Gaga ka. Ikaw 'tong may teletubbies na panty." "Tara na nga. Baka makasalubong natin. Chika ko kasi ditey siya mag-aaral. Galing daw kasing ibang bansa. May pa-car si Fafa.!" Naglakad kami papuntang pila ng registrar para nakapag-enrol. Ang tagal kasi ni bakla eh. Long lines tuloy sa pagreregister.. "Nalaman mo ba ang pangalan?" Napatigil siya ng saglit. "Aww. Uting. Wit nasagap ng radar ko teh..." sabi niya na nawala ang ngiti sa labi. "Hay nako. Hindi ka pa certified malandi." "May certification pala ng paglandi. Sorry na batla." at tuawa siya "Oo. Certification of Kalanditionism. 3 months course lang yun. Instand malandi ka na. May nakita ako sa Tesda. Enrol ka, bet mo?" "Kalanditionism talaga? Parang bet ko yan! Magpapacertify nga ako!" "Go beshh!" Nagtawanan lang kami. Siya ang aking bestfriend mula pa noong highschool. Hindi ko alam kung paano ko siya naging kaibigan pero ang alam ko ay naging rival muna kami noon. I dunno why pero dahil pareho kaming may kalandian sa katawan, ayun... nagclick ang personality namin. Actually tatlo kami kaso, sa ibang school nag-aral ang isa naming kaibigan. Dun daw kasi gusto ng Papa at Mama niya. Kaya eto dalawa kaming maghahasik ng kalandian dito sa FEU! --- Natapos kaming makapagregister at ngayon ay kumakain kami sa canteen ngayon. Kinakain ko ay spaghetti at sprite na softdrink. Kay Moris naman ay macaroni salad at juice. Masaya kaming nagkekwentuhan ng kung ano anong naging experience namin nitong nakaraang summer. Suddenly may mga babae at bakla. tumayo at nagtilian. Nagulat namam kami. "Another hunky guy na naman ata yan bakla!" sabi ni Moris. "Truee?? Akala ko ba maganda ang turo dito? Baka mamaya magiging tulad nila tayo!" pagpuna ko. "Right! Pero tayo ang magtatop for sure!" "Gaga! Parang nagyon lang sila nakakita ng gwapo ha." "Ganitech kasi yan. Pukpukan kasi pag nakapasok ka dito. Mahigpit ang sistema nila dito pagdating sa mga pagbibigay ng grades at sa pagtuturo. Pipigain ang utak mo. And because of that, pinapayagan nilang ganan ang eksena. Di ba nasanay tayo na sa highschool may Junior at Senior Prom. Pero parang babalik ka lang ng highschool dito... Ang pinagkaiba, may Feeshmens at Sophomores Prom. Same with JS Prom. At nagsisimula ang searching ng mga potential King and Queen bago pa pumatak ang ang firts day ng school year. Kaya may mawiwitness kang ganyang eksena. May pagkaOA pero doon talaga minsan lang lumandi DAW ang mga estudyante dito.." paliwanag nito. Oh. I see... "Kaya pala. Well, bawal tayong lumandi ng bongga pala kapag di pa free sa mga ibibigay ng mga profs." "Yeah... right.. Pero pwede na naman pag-alam mong binigay mo ang best mo. Pero sila, habang di pa nagsisimula, go na agad! Kaya tara na makichika na tayo!!!" sabi ni Moris. Kinuha niya ang iniinom na juice at hinila ang kamay ko papunta sa kumpulang mga bakla at babae sa may kantin. Medyo weird ang school pero ang maganda naman ay yung pukpukan sa mga majors... Kaya siguro ayan kapag nakalaya ang mga estudyante, pukpukan din sila sa paglandi. Chareeet.. Nang makalapit kami ay hindi namin masight kung sino ang lalaking tinitilian ng mga lamang dagat na ito. Papalapit pa lang daw at papasok sa canteen. My gad ha. Parang ginawa namang movie ito. Kailangan talaga pagkaguluhan? Artista lang. Nakapasok na sa canteen at nakita kong nagbigay daan naman ang mga tao sa dadaanan nito.. "Ang gwapo naman nitoooo.. Kyaaahh. Kuya number mo!!" "Ang sarap magpalahi. My gad. Instant James Reid look!!! Anakan mo ko kuya!!" "Pak na pak!! Gosh. Ang hot naman ng freshmen na yan!" "Balita ko galing daw Australia yan. sa dami ng magandang Universities bakit kaya napili niya dito?" "Brains and hot looks siguro. Bihira lang yung ganun ha." "Oo nga. My gad!!! kyaaaahhhh!!! Nakakakilig!!!!" Ilan sa mga naririnig ko. Grabe naman sa anakan! Yung totoo? "Nakita mo na ba batla?" tanong ko dito.. Tumatalon talon kasi siya eh. "Oo. Gosh. Siya yung kaninang nakita ko pagpasokkkkk!! My gad!! Kyaaaahh" sigaw nito. "Nakoo ha. Hindi ko makita." bakit ba kasi ang liit liit ko?? "Magpatangkad ka kasi.. Kyaahhh... Kuya remember me ako yung kanina!!! Kyaaahhh!" Malanding tunay. Akala namang nakita siya kanina. Tumalon-talon din ako kagay ng ginagawa ni Moris. Hindi ko alam na pahawi na pala ang kumpulan at sa huling talon ko ay gumalaw ang nasa unahan ko at natapakan ko ang paa niya dahilan para matumba ako. Kasabay naman noon ang pagbibigay daan para sa lalaking tinitilian nila. "Arayyy!" sabi ko ng mapatama ang tumbong ko sa sahig. Medto bad ang pagkalagapak. "Ang lampa mo baklaa!!!" natatawang sabi ni Moris.. Napakamabuting kaibigan. Imbis na tulungan, pagtatawanan ka pa. . Tatayo na sana ako ng may napansin akong nakatayo sa harapan ko. Mula paa ay tinigan ko siya. Simple lang ang porma at nang mapunta nag titig ko sa mukha... "Mikael???" No this is not trueeee!! My gad. Pakisampal ako sa pagkakatulog please!! This is a bad dreammm!! ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD