Part II

1996 Words
"Do I know you?" Kilala ba kita? 'Yan yung tagalog nun 'no. O.M.G! Ang talino ko sa part na yan! Yan ang mga katagang nakarating sa akin sa lalaking isinumpa ko noong nakaraang apat na taon! How dare him? Amnesia boy ang peg? Pero imbis na mapahiya ako... "Sorry... Baka kamukha mo lang." tumayo ako mula sa pagkakatumba. Pinagpag ko ang ilang maduming parte ng pantalon na suot ko. "Wait... You are familiar. Have we met before?" pagtatanong niya na may accent pa. Arte nito. Kala mong hindi Filipino! "Hoy hindi mo ko maloloko. Isa kang malaking tuso. Tigilan mo na yang pagpapanggap mo, Mikael Tuazon Ricafort!!!" Mga katagang nasa isip ko kaso mas pinili ko ang simpleng pwede kong maireact sa sinabi niya. "No, we don't. And maybe, kalokalike ko lang yung ex mo... But we don't talk anymore, boy." nakangiti kong wika at tumalikod sa kanya. Magaling Alex! Simple pala yan ha. Subalit bago pa man ako makaalis ng tuluyan, he grab my right hand para pumaharap ulit sa kanya. Nakatitig lang siya sa akin ng mangyaring bumalik ako sa harapan niya. "Seriously? Have we met?" Tanong niya ulit. Pero sa pangalawang pagkakataon na iyon, hindi ko mapigilang makaramdam ng lungkot. Hindi ako nagkakamali. Siya si Mikael. Kahit na apat na taon na ang lumipas, kahit siguro magbago pa ang hitsura, alam kong sa mga mata pa lang niya siya si Mikael Ricafort. Ang greatest bully ng childhood ko no'n. Hindi ako nakaimik agad sa tinuran niya. Kung hindi niya ako maalala eh 'di mas magandang hindi niya pa ulit ako makilala ulit. Mas madaling ang sitwasyong gano'n. Apat na taon akong natahimik at ayokong sa college ko pa maranasan ang pambubully ulit. Though I know hindi naman literal na bully, pero sa mga kapilyuhan at kagaguhan niya noong bata pa kami lagi na lang akong napapahiya. Maliban sa manika, at sa ipis na major major at never kong makalimutan, nand'yan yung dating pinalitan niya ng ibang lunch box yung lunch box ko. Pinagpalit niya doon sa mataba naming kaklase. Ang ending muntikan na akong pisain ng damulag na yun. Pasalamat na lang at dumating agad ang titser namin no'n. Naalala ko rin na naglagay siya ng salamin sa may paanan ko nun na saktong nakaharap ang teacher ko at kinakausap ako. Nakapalda yung teacher namin noon ar kaya naman di sinasadyang makitaan man kung anong mayroon doon My gad. Hindi ko kinaya ang ginawa niya. Napatawag pa noon si Mama. Nand'yan din yung isang maulan na araw at bumabaha. Sabay kami umuwi. Siya yung nag-insist dahil siya yung may dala ng payong. Tatawid kami no'n sa isang pedestrian kaso baha. Sabi niya ipapasan niya ako pero ang ending, lumangoy ako ng wala sa oras sa baha. Nakaready na kasi siya at nakaupong nakatalikod sa akin. Yung pwestong ipapasan niya talaga ako. Nang ibababa ko na ang sarili ko, bigla siyang umalis. Naout of balance ako at ayun naligo ako sa mabahong baha! Plakda akong parang palaka. Ang sama sama niya sa akin. Ewan ko ba at parang ako na lang noon ang nakikita niya at napagtitripan. Marami pa, hindi lang yang mga yan. I hate this!!!! Naaalala ko lahat ng kagaguhan at kapilyuhan niya. Lalo na yung akala kong nagbago at humingi siya ng tawad. Tapos, ganito! I hate him so much! "I said no. Kaya pwede ba! Don't make eksena here. Maraming nananoood. Baka sabihin nagshushooting tayo ng film." sabi ko. Maka-Film ka naman Alexis. Feelingera ka rin eh no. Binitawan niya ako. At nagsabing "Okay. Sorry.. I just thought... You can help me." may lungkot sa mga mata niya. You can help me, you help me ka d'yan. Nako. Wag ako oy... Hindi. Hindi ako maniniwala. Ngunit kalahati ng isip ko ang nagtataka kung bakit hindi niya ako maalala. Hindi naman ako nagbago. At kung mayroon man ay yung puti ko lang at nagsususot na ako ng pambabae ngayon... Alam naman niya yun. No. Alexis, wag kang magpapadala. Palabas niya lang yan. Isang magaling sa acting din yang lalaking yan. "No I can't help you." sabi ko at tumalikod. May pawalk out ang lola niyo di ba? No... Don't me Mikael. Don't me... --- "Seriously batla, beyonce knowles mo ang bagong hottie fafa ng school? At tinawag mo siyang Mikael." Kanina pa siya nagtatanong about doon. Kaso ang binibigay ko lamang sa kanya ay silent treatment. May gumugulo na nga sa isip ko. Guguluhin pa nitong baklang to. "Hmmm." pagsagot ko. Naglalakad na kasi kami pauwi ng bahay. Looban kasi ng subdivision kaya mas pinipili naming maglakad para makapagchikahan. Pero wala talaga ako sa mood. May moodswing din ako minsan. "Don't tell me, na siya yung nakekwentong dating nangtitrip sa'yo noong childhood day mo?" daldal nito. Matipid lang ako sumagot tapos siya naka ilang paragraph na. "Baka kamukha niya lang." bored kong sagot. "He's Mikael Ricafort from Australia bakla. Pero 4 years siya dun. At sabi mo naglipad away to Australia yung Mikael na childhood 'friend' s***h bully noong kabataan mo. Baka siya na nga yun." "Hindi mo ba narinig at nakita? Parang wala siyang naaalala. Kay no need to worry about that." "Baka naman nagpapamiss lang. At saka nachika mo rin sa aking kapitbahay mo rin yun? So kung may magkakaroon ng tao sa kalapit bahay niyo, it means na bumalik na ang destiny mo!!" sabi nito.. Oo nga pala. Halos lahat nga pala ng naikwento ko sa kanya. Dahil bestfriend ko siya, nako pinagtawanan lang ako. Imbis na suportado nila ako at maghiganti, more laughing lang ang napala ko sa kaniya. "Mas mabuti ng hindi niya ako kilala. Mas gusto kong matahimik ang college life ko dito ko dito no." tugon ko. Ayoko ng maging magulo ang buhay ko. Lalo na dapat kong tulungan si Mommy para makabalik siya dito. Ang hirap kayang malayo sa magulang. "At isa pa. Abandonado yung bahay kaya for sure hindi siya iyon." sabi ko pa. Noong umalis sila, wala na talaga akong balita mula pa sa kanila. Miski si Mommy nawalan na ng connection sa kanila. Noong mga unang linggo na wala sila ay hindi ako sanay na wala akong inaabangang mangyayari sa akin. Dahil for sure noon na kahit di ko iexpect basta nasa paligid si Mikael, alam kong may kalokohan na naman siya. Pero dahil naging tahimik ang mundo ko ng wala siya, nakasanayan ko na rin at matahimik ang buhay ko. "Okay fine. Pero taray mo bakla ha. May pa "we don't talk anymore" ka pang nalalaman. At anong sabi mo? Baka kamukha mo yung ex niya? Haha. Benta ka dun!" at tumawa siya. "Gaga. Narinig ko lang iyon kanina sa radio namin. Maganda nga yung kanta eh. Slightly na LSS ako.. At saka anong gusto mong gawin ko, sabihin kong alalahanin niya ako? Helloo.. Sa ganda kong to?" charrreeett. If ever nga na makalimutan niya ako... Hmm... Ehh. Basta. Mas pabor sa akin yun. "Eh may paamnesia eksena rin yung tao. Kakalimutan ko na lang ang nangyari." "Impernes. Nagagamit din pala ang kanta kung saan ka na-LSS.. Pero what if maalala ka niya? Siguro may nangyaring di maganda kaya ka niya nakalimutan.. O kaya hindi lang ikaw... Pati ang ilang taong malapit sa kaniya." Mas pipiliin kong wag na niya akong maalala. Ayoko ng mga trip niya. "We don't talk anymore. Like we used to be...." pagkanta ko na lang para makaiwas sa tanong. Wala naman din akong maisagot. Ayokong ma-stress. "Bakla ka! Oh siya.. Maganda ang araw . Baka umulan. Wag mo ng ituloy yan." "Okay sige. Dito na lang ako. Wag biglang liko okay." sabi ko. Tumawa siya. Ilang kanto lang din sya after ng bahay namin. Kailan lang sila lumipat doon. Mas malapit daw kasi sa papasukan ngayong college. Papasok na sana ako ng may napansin ako sa kapit-bahay namin. Ang bahay nila Mikael... Malinis na siya at may kotseng nakaparada! O em jiiiiii!!! Edi ibig sabihin... No. Baka pinagbenta lang nila. Lumapit muna ako sa bahay nila para makasigurado. I-checheck ko na rin para kubng nagbalik na nga ang pamilya Ricafort, kailangan kong mag-ingat kay Mikael. Sumilip ako mula sa gate. Tahimik. Lumapit pa ako. Mukha akong agent na na nagmamasid. Sige lang Alexis. Pagbutihin mo. "Aww! Aww!!" "Waaahh!!!!" bigla ako napaatras na natumba! Aray ha. Kanina pa ko natutumba. Yung pwet ko masakit na! Pasalamat na lang ako at may gate. Kung hindi nakagat ako ng bongga! "Hoy tumahimik kang aso ka!" sabi ko dito ng makatayo ako. Pero patuloy lang ito sa pagtahol. "Sshhh!! May tinitignan lang ako wag kang maingay sabi. Behave please!!" sabi ko pa. Pero bigo ako. Aw aw ng aw aw. "Do you think you can shut up my dog that easy?" boses galing sa isang lalaki. Hinanap ko ang to find out na si Amnesia Boy pala! "At anong ginagawa mo dito?" tanong ko dito. "Mukhang ako ang dapat magtanong sa'yo n'yan. What are you doing in front of my house?" tanong niya at may paaccent pa yung pagtatagalog niya na kala mo ay ngayon lamang natututong magtagalog. Don't me Mikael! Oo nga. Napatigil ako and realized na andito pala ako sa labas ng bahay nila? Wait... "Bahay niyo to?" tanong ko. Kakalabas lang niya ng bahay nila at pumalapit papunta sa may tabi ng aso niya. "Yup." tapos nagcrossed arms siya at tumindig ng ayos.. "So are you stalking me?" sabi niya. Nag-ibang bansa lang, sobrang naging confident na sa sarili. Oo may nagbago talaga sa 'yong lalaki ka. Mas lalo ka pang naging guwapo! Pero ang kapal!! "Hoy! Hindi kita iniistalk no. Kapal nito. Makapag-accused ka naman. Para sabihin ko sayo, hindi ka gwapo oy! At kung mag-i-stalk man ako, hindi sa kagaya mo! Panget!" sigaw ko dito. "What? Panget? Means ugly right?" nakakunot noo nitong tanong. "Oo. Kala mo namang di mo alam." umirap ako dito. Sinuri niya ang sarili niya.. "You should look at me one more time." Hindi ko alam pero napatingin nga ako sa kanya. Napatingin ako sa mukha niya. Well, napalunok lang ako. Siya na ba ang Mikael? Ang masasabi ko lang, kung noong bata pa kami ay may hitsura na siya, hindi makakailang pagkaguluhan ang pisikal na katangian niya ngayon. Oo na. Hindi naman talaga siya panget. Sinabi ko lang yun kasi wala akong ibang masabi. Sa totoo lang , kung hindi ko lang kilala 'tong mokong na 'to, I'm sure magiging Morris din ang magiging reaksiyon ko kapag nakita ko siya sa unang pagkakataon. Siyempre tanda ko siya. Yang mga mata niyang makatingin ay seductive, tapos yung ilong niyang yan... Ang tangos na mas lalong tumangos ngyayon tapos yung lips. O em jiii! Ewan ko lang ha. Di ko naman siya natitigan noon pero, gosh. Bakit ba gan'to yung pakiramdam ko. Err.. Hindi ko naman siya crush noon no. Baka nga siya ang may crush sa akin kaya lagi siyang nagpapapansin sa akin. Ehh naman kasi bakit ganan yung lips niya. "See? Now, tell me now that I'm ugly. Seems you can't take your eyes off of me now.." mga salitang nagpabalik sa wisyo ko. Nagbuntong-hininga ako bago man ako magsalita ulit. "Ewan ko sa yo! FYI. Sinuri ko lang talaga no. And I found out, pangit ka talaga Happy?" sabi ko. Tumahol ang aso. "See? Pati aso ko doesn't agree na pangit ako." nako. So may kakampi siya. "Paano mo naman naintindihan ang sinabi niya. Ilang kahol lang naman yun." "Because Yago is my Bestfriend." sabi niya at tumahol ulit ang aso niya na biglang nagtatalon sa harapan niya. "Ay, kaya pala... I see. Magbestfriend nga kayo." natatawa kong sabi. "Yes. And what's wrong with that?" takhang tanong niya. Ngumiti ako ng malapad at nagsalita. "Walang problema dun. Kitang kita naman ang ebidensya na magbestfriend kayo." "What do you mean?" "Slow ha. Magkamukha kayo ng aso mo!" Pero bago pa man siya ulit makapagsalita. "Hep hep! Shut up. Aalis na ako. At maling bahay ata yung napuntahan ko eh. Bahay pala ng mga aso! Babussshh!" sabi ko at tumalikod. Tumawid ako papunta sa bahay namin na may ngiti sa mga labi. Feeling ko tuloy ang sama ko. No, Alexis. Hindi ka masama. At si Mikael yan. Wag kang papadaan sa mga palabas niya. Mas masama siya. Wag mong kalimutan ang mga ginawa niya noon sa'yo. Nang makapasok ako sa may gate namin ay tinignan ko siya. Nakatingin siya sa aso niya at parang kinakausap. If I know, tinuturuan niya yung aso niyang kampihan siya. Haha. Parang nagalak naman ako at nabara ko siya. Tumingin siya sa akin. Nginitian ko lamang siya at binelatan. Bleehh. Sinara ko ang gate at tumalikod. Muli akong naglakad papunta sa loob ng bahay na humahalakhak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD