Part III

1822 Words
Pasukan na! Ambilis naman ng isang linggo noong nag-enrol kami ng beshie ko. Sa wakas wala ng uniform. Sabi sa orientation namin last week, isang beses lang kami required mag-uniform. That's pretty cool. Pretty like me. Chareett.. So, this is our first day! Kakagising ko lang! So dahil ayokong malate, sa school na lang ako kakain. For two years na wala si Mommy, nasanay na rin akong mamuhay mag-isa. Magbudget, mamili ng sariling needs, maglinis ng bahay, gumawa ng mga gawain sa bahay, magluto, magwalis at higit sa lahat natutunan kong lumandi! Charrreeet lang. I can stand alone na naman siguro.. Tinuruan naman ako ni Mama. Noong mga unang araw niya sa Japan, halos buong araw kaming magkavideo call! Kasi tinuturuan niya rin ako at nagtatanong ng mga dapat gawin at siyempre namimiss ko siya. Hindi ko nga alam kung kailan balik niya. Hindi rin kasi siya makapagsabi ng exact date. After ko makapaligo ay nagbihis ako. Simple lang naman ang pormahan. Plain white shirt na medyo loose sa akin at fitted jeans and then sneakers. Konting ayos at polbo lang then catch my shoulder bag then gora na! Nang makalabas ako ng gate ay napansin ko ang katapat bahay namin. Oo nga pala. Si amnesia boy pala ang nakatira doon. Ngayon ay papasok na rin siya. Naks naman. Masyadong ginalingan ang porma. Papasok lang yan sa school pero nag buhok, slicked back, tapos ay naka V-neck an black shirt. Nakafitted din na kulay black din at airmax na halong puti at itim din. Seriously? Saan siya pupunta? Sa lamay ba? "Oh. Makatingin ka. Baka malusaw siya." Nagulat ako sa nagsalita! Si Morris pala. "Papatayin mo ako sa gulat eh. Oh bakit ka andito." "Hellooo.. Dito rin kaya ako sa subdivision nakatira. Dinaanan na kita para may kasabay ako. Pero mukhang gusto mong sumabay sa kanya." sabay turo kay Mikael. "Hindi no. Saka hello... Di ko siya kilala." "Amnesia gay ka na rin chi?". Di ako kumibo. "Eh paano kung maalala ka niya bigla?" "Nako 'yan ang ayokong mangyari. Baka pagtawanan lang niya ako and kung mangyari man yon, nako lilipat ako ng school!" "Paano kung hindi ka man talaga niya nakalimutan. Yung tipong nagpapanggap lang?" "Oh let it be. Magpanggap na lang siya atleast wala akong poprobemahin. Atsaka, ayoko ng mangyari sa college days ko ang nangyari sa akin no'ng nasa elementary days kami 'no!" "Bahala ka nga. Pero waaahhh!! Dito pala siya nakatira sa tapat niyo eh. Wit mo chinikabels sa'kin. Sabihin ko kay mudra, dito na lang ako magstay sa inyo. Bet mo?" "Walang kaso sa akin. Pero kilala kita, lalandiin mo lang siya.." "Ipaubaya mo na sa akin. Malay mo, mainlove siya sa akin. Eh happy ending kami! Gosh. Look at him. Ang hot niya sa outfit niya ngayon. Helloo Fafa!!." sabi nito at kumaway pa! Kumaway pabalik si Mikael at kumindat with pogi pose! My gad ang signature niyang gawain noon. Siya nga talaga si Mikael. "Oh my gad! Kita ko yun kumindat siya! Gosh! May pag-asa ako batlaaa!" sabi niya at may paghawak pa sa kanyang pisngi. "Nako. Tara na. Nakirat lang siya wag kang assuming!" Naglakad ako at sumunod naman siya. Patuloy siyang nakatingin kay Mikael. Baliw talaga 'tong isang to. ---- Nakarating kami ng school. Kumain kami sa canteen. It's already 8am at 8:30 ang simula ng una naming klase. Hahanapin pa namin kasi ang classroom. Nagpunta muna kami sa may locker room. Malaki din ang school na ito. Andami ring students. Yung iba ay mahahalatang baguhan. Nakita ko rin na may field din dito at covered court. First day of school nga naman. Nakakatamad. Inaantok pa ako. Pero kailangang mag-aral eh. I take Culinary Arts. Dahil mahilig ako magluto, mas okay siguro na yun ang i-master ko. Mahilig din kasi akong kumain kaya dapat marunong din ako magluto. Kaso iba ang hilig nito ni Morris. Kinuha niya ay Industrial Engineering. Marami daw kasing boylets. Nako ha. Lalandi lang siya duon. Pero tiwala naman ako d'yan. Dati pa niya yun sinasabi sa akin.. After namin makakain ay nagsimula kaming mahanap ng room. Hindi naman mahirap hanapin dahil may building ang bawat course. Mabuti na lamang ay magkatapat labg ang building namin ni Morris. Nagpasya kaming maghiwalay. Excited na ako makita ang bago kong classroom. Ang nakalagay sa room ko ay a CA Blg. 2-5. Ibig sabihin, building ng Culinary Arts 2nd floor 5th Room. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at tinungo nag classroom ko. Ang ingay naman ng mga 'to. Umakyat ako sa 2nd floor. Hagdan lang naman ang dinaanan ko. Mataming nakatambay pa. Yung iba ay nakikita kong napapatingin sa akin. Nakakaconcious ha. Pero deadma na lang. Nagpatuloy akong umakyat at nang marating ko ang 2ndfloor ay hinanap ko yung CA 2-5. Marami ding estudyante. My gad. May mga bekis like me. May mga epek, at pwede na. Hmm.. Mukhang magiging maganda rin ang aking first day ha. Nang marating ko ang aking room, 15 minutes before magstart ang klase. Air-conditioned ang room at iilan pa lamang kaming mga narito. Umupo ako sa may pinakadulo na upuan. Maghihintay na lamang ako dito. Magseselfie ako at dahil libre ang wifi dito, hashtag first day ang peg ko! Habang nagbabrowse ay may lumapit sa akin. "Hi." bati ng babae sa akin. May kasama rin siyang lalaki. Ang ganda naman nito. Tapos ang gwapo rin ng kasama niya. Magboyfriend ata. "Ah. Eh hello.." at ngumiti ako. "Well, pwede makishare ng seat?" iytinuro niya ang upuang nasa tabi ko kung saan nakalagay ang malit kong bag. Napalingon ako saglit sa room at nankita kong occupied na ang seats na kanina ay vacant pa. "Surelamey. No problemo!" sabi ko. Kinuha ko ang aking bag. At inilagay sa likod ko. Umupo naman yung dalawa sa tabi ko. "Thank you ha. Well, by the way, I'm Trinity.." pagpapakilala niya at nag abot ng kamay. "Ah. Alexis." nakipagkamay ako sa kanya. "And oh, he is Dmitri." sabay turo niya sa lalaki na nakaupo at seryosong nagmamasid. "Ah. Hello.. I'm Alexis." and this time ako naman ang nag-abot ng kamay. Tinignan lamang niya ang kamay ko at tinignan ako. Ngumiti ako ng payak. My gosh. Ngayon ko lang napansin gwapo siya ha. Pero nangalay na ako't lahat, isnab ang kamay ko. Ang suplado ha. Napahiya ako dun ng very bad! "Nako. Hayaan mo na yang pinsan ko ha." pagsingit ni Trinity. "Meron kasi yan ngayon. Haha." dagdag pa nito. Napatawa naman ako. "What do you mean Trin?" sabi ni Dmitri at kumunot ang noo nito. "Wala. Girls' talk you know." "Girl!? Or do you mean.. Gay?" supladong sabi nito. At natawa sa tinuran niya Ow em ji!! Ang suplado na, namemersonal pa. "Stop that! What a rude attitude?" suway nito ni Trinity. "First day niya kasi. Wag mo na lang pansinin." sabi ni Trin. "That's okay. Hehe." nagfake na lang ako ng smile. Tumingin ako kay Dmitri na ngayon ay nakatingin pala sa akin. Inirapan ko na lang. "By the way, nice to meet you Alexis. May I call you Alex?" tanong niya. "Okay lang naman. Nice to meet you too." "Thanks Alex. And I noticed wala kang kasama. Okay lang ba na maging friend kita?" "Ah. Meron akong kasama kanina pero magkaiba kami ng course eh. Kaya... okay lang sigurong sumabay sa inyo." sabi ko sa kanya. "Yey! New found friend. Ang bait mo naman." "Haha. Di naman. Okay nga yun eh kasi bago pa lang ang pasukan.." "Well, oo nga so mamaya sabay sabay na lamang tayo." "Okay." Nagkwentuhan pa kami bago pa man dumating ang unang professor para sa araw na ito. As usual hindi naman mawawala ang pagpapakilala sa buong klase. Wala din masyadong ginawa. Sinabi lamang ni Professor Hernandez yung mga gagawin sa kanyang subjects. At kung paano kami makakakuha ng grades and the rest is blah blah blah. Halos 2 hours pa kami maghihintay bago ang susunod na subject. Kagaya nga ng inalok ni Trin, ay magkasabay kaming pumunta ng canteen. Hindi naman ako gutom pero siguro mas okay muna dun muna kami tumambay. Hindi nagsasalita si Dmitri. Ewan ko kung nabobored siya. Nakikinig lamang ito ng music. Nagulat ako ng magpinsan nga sila dahil hindi halata. Nakabili na ako ng kakainin ko. Nauna ko kila Trin na ngayon ay namimili pa at ako ay maghahanap ng mauupuan. Medyo crowded kaya nahirapan ako makakuha ng upuan sa aming tatlo. Nakita ko si Morris na kumakaway. May kasama rin itong dalawang babae at isang lalaki. "Uy pwede makishare. Buti may vacant pa!" "Yup. I reserved that kasi nakita kita na may kasama. Asan na sila?" "Nandun pa. Sinabi ko kase maghahanap ako ng mauupuan." sabi ko habang lumilingon sa may counter area ng canteen. "Okay. By the way. Eto na ang new found friends ko sa room. Eto si Clarity... Serenity at si Karlos." sabi niya habanhg tinuturo niya. Nasa harapan niya kase yun. Ang pwesto ay Sa kaliwa, si Karlo, sumunod si Trinity bago si Clarity. "Hello. I'm Serenity. Just call me Seren." sabi niya. Wait.. Parang may kamukha siya. "Hello. Clarity here. Just call me Clare. Ang ganda mo naman beks. Bet ko yang hairdoo mo!" sabi niya. Medyo blonde kasi ang kulay ng buhok ko. Tapos medyo pangkorean style yung gupit. "Thank you. I'm Alexis. Wait. Twins ba kayo?" baling ko sa dalawa. "Yes!" sabay nilang sabi.. "Oh, I see.." "And there she goes... our beloved twin, Trinity!" sabi ni Clare at lumingon ako sa likod ko. Nakita ko sila Dmitri at Trin na papalapit. "Triplets???" windang naming tanong ni Morris. "Yes! By yesss!!" pagconfirm ni Clare at Seren. "Ay bongga kayo jan! Masyadong ginalingan!" sabi ni Morris. "Hey guys! You are there pala. So I think pwede na kaming makiupo dito no?" Bungad ni Trin ng makarating sa table namin. "Yes Sis. And I think, it's pretty cool na ang napili mong kaibigan ay may kaibigan pala sa room namin!" "Really?" "Yup. Meet Morris!" at tinuro si Moris. At ayun nagkakilalan sila! Nagpasya na kaming umupo at kumain ng sabay-sabay. "I'm done eating! Woohh!! Sarap talaga kumain!!" singit ni Karlos. Hindi ko na siya napansin kanina dahil tahimik siya kanina. Gwapo rin siya katulad ni Dmitri. So magpipinsan sila? "Ang takaw mo talaga. Kami magsisimula pa lang oh." "Sorry guys. Pero kanina pa talaga ako gutom." sabi nito na medyo natatawa. "Uy! Nice to meet you pala!" baling ni Karlos sa akin. "I'm Karlos." pagpapakilala nto na may malapad na ngiti. Hindi na ako umarte pa at nakipagkamay ako. Buti na lamang ay mababait din ang mga nakilala namin. "Uy Karlos! Kanina pa yang shakehands ah. Nakain pa si Alex!" "Oops. Sorry! Haha." sabi nito at tumawa. Inalis ang kanyang kamay sa pakikipagshakehands. Nagkamot ito ng ulo. At uminom ng kanyang Dutchmill. Bali ang position namin ay ako, si Moris, then Trin and Dmitri. Sa kabila, katapat ko si Karlos, Clarity at Seren. Dahil mahaba ang oras ay nagkwentuhan kaming pito. Pero may mga bagay siguro na hindi inaasahan. "Owww my gossshhh!!!" napasigaw ako at napatayo sa kinauupuan ko ng may biglang malamig na dumaloy sa ulo ko at nabasa ako. Anak naman ng lemon juice oh!!! Napatayo rin ang kasama ko at nagulat din. May ilan ding mga estudyanteng napatingin sa direksyon ko. Dahil sa reaksiyon ko. "I'm sorry... I didn't mean it.." paghingi ng isang lalaki. Lumingon ako at nakita kong si Mikael! Tinignan ko siya ng masama! Well kasalanan niya o hindi, mapapahiya pa rin ako! My gad! Eto na naman ba ang simula? He didn't mean it! Arrrghh. Isa ka talagang malas Mikael!!!! ______________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD