C10- Claire

4673 Words
Bumalikwas ako sa pagbangon nang marinig ko ang malakas na katok sa pintuan. Tahimik akong pumikit at hinintay ang sasabihin ng kumakatok na alam ko naman na si kuya lang 'yon. Inaantok pa ako pero kailangan kong pakinggan ang sasabihin niya at baka importante. "Claire! Hindi ka ba papasok? Anong oras na, male-late ka na, oh." Kaagad akong dumilat nang marinig iyon. Ay, shìt! Nagising ako bigla at nawala ang antok ko. "Papasok, Kuya!" sigaw ko at halos madapa na ako nang bumaba sa kama. Muntik ko nang makalimutan na may pasok pa pala kami ngayon, nawala sa isip ko. Bakit kasi pumikit pa ako sa huling alarm clock kanina? Kainis! Pumasok agad ako sa banyo at mabilis kong hinubad ang mga damit at shinoot sa may basket. Suminghap ako nang maramdaman ko ang malamig na tubig mula sa shower. Nakalimutan ko rin na gawing warm, pero ayos na rin dahil lalo akong nagising. Matapos kong magbanlaw sa katawan ay nag-toothbrush agad ako at wala pang sampung segundo ay tapos na ako kaya lumabas na rin agad sa banyo. Nag-suot na rin ako ng uniform at halos tuloy-tuloy ang ginagawa ko dahil anong oras na pala. Fifteen minutes na lang ay mag-umpisa na ang klase. Late na ako pagdating sa school. For the first time, male-late ako ngayon dahil sa pagsama ko kagabi kay Yanah. Pero ayos lang, minsanan lang naman 'yon kapag trip lang naman nila akong isama. Saka umiiwas din kasi talaga ako sa kanila dahil mas palagay akong kasama si Jamaila dahil pareho kaming hindi mayaman. Kung hindi lang birthday ni Yanah kagabi ay matinding tanggi talaga ang gagawin ko. Kaso badtrip ako kagabi at wala rin si Jamaila kaya wala rin talaga akong choice. Ayos sana at mag-enjoy rin sana ako kung wala ang bwesit na JD doon. Pero hindi kp akalain na miyembro pala ang bwesit na 'yun doon! Kung alam ko lang talaga na magkikita kami doon at kung sana nalaman ko rin, edi sana nagdahilan na lang pala ako para hindi ako makasama. Sigurado kasi ako na doon talaga ang punta nila para sa mga babaero na 'yon. Halata naman kasi na gustong-gusto ni Yanah ang Danzel na 'yun. Bigla akong nag-alala sa kanya kung nakauwi pa kaya sila ng buo? Hindi ko alam kung makakapasok sila ngayon dahil sigurado anong oras na iyon iuuwi. O, baka nga hindi umuwi. Kasi kung mga kaibigan rin ang mga iyon ni JD kagabi, tiyak manyak din ang mga iyon katulad ng bwesit. Itsura pa lang, hindi na maasahan. Mga gwapo nga pero babaero at manloloko rin naman. Bigla akong nakaramdam ng pag-init sa pisngi nang maalala ko ang mga sinabi ng manyakis na iyon kagabi. Kaya umiling ako sabay buntonghininga at tinapos ko na ang paglagay ko ng kolorete sa aking mukha bago dinampot ang phone at bag saka lumabas na rin ng kwarto. "Akala ko wala kang pasok." Salubong agad ni kuya sa akin pagkalabas ko ng sala at maabutan ko siyang nagkakape. "Nakalimutan ko kasing mag-alarm, Kuya, e." alibi ko at habang nagsasalin ng tubig para inumin ito. Nauuhaw ako at parang umiikot pa ang paningin ko sa hangover. "Tara, hatid na kita para hindi ka masyadong ma-late." Narinig kong suhestiyon niya kaya hindi na ako tumanggi pa dahil tama nga naman siya. Ilang minuto akong male-late kapag nag-commute pa ako.Tutal, mukhang wala naman yata siyang pasok ngayon. Swerte ko pa rin kahit papano dahil ilang minuto lang akong male-late. "Sige." payag ko habang nagsusuklay ng buhok. "Okay. Let's go." yaya niya at tumayo na rin. Sabay kaming naglakad palabas ng gate. Ramdam ko ang pagkulo ng sikmura ko pero wala na talaga akong oras kung magka-kape pa ako. "Ikaw ba, walang pasok?" tanong ko pa rin pagka-angkas ko sa kanyang motor. "Ahm..wala. Actually, may out of town ako mamaya. Pinapadala ako ni Boss sa Cebu," sagot niya na hindi ko mapigilan ang tahimik na magdiwang. Dahil kahit papaano ay matahimik ang bahay kahit ilang araw lang. Walang magulo at maingay. Solong-solo ko ang bahay kahit ilang araw. Hindi naman ito bagi dahil lagi naman siyang nag-out of town. "Hanggang kailan ka doon, Kuya?" "Baka 2 or 3 days siguro," tugon niya bago pinaandar ang motor. "Okay. Ingat ka doon." Mabilis ang pagpapatakbo ni Kuya Marco kaya ilang minuto lang ay nasa harapan na kami ng school. Bumaba agad ako pagkahinto niya. "Thanks, Kuya. Ingat ka sa byahe mo mamaya." Ngiti ko sa kanya. Tumango siya. "Sige na. Pasok ka na, aayusin ko pa ang gamit ko." Tahimik akong tumango. "Bye…" Paalam kong hindi ko na siya nilingon pa at lumakad na papunta sa gate. Sa labas pa lang ay kita ko na ang ilang estudyanteng naglalakad na kasabayan ko at mukhang naghahabol na rin sa unang klase sa umagang ito. Kaya mas lalo kong binilisan ang paglalakad para makaabot pa ako. Ilang hakbang pa lang ay naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko kaya tiningnan ko ito habang sige pa rin ang lakad ko. Napabuga ako ng hangin nang si Paul ang makita kong tumatawag. Finally! Naisipan niya ring tawagan ako. Pero hindi ako natutuwa. Ngayon pa lang ay beastmode na ako sa kanya kaya sa inis ko, hinayaan ko lang itong matapos bago pinatay ang phone bago ko pinasok sa loob ng bag. Siya naman ngayon ang mag-isip sa akin. Bahala siya! Pagkarating ko sa loob ng school ay nakagawian ko nang sa upuan ni Jamaila ang tingin ko. Namangha pa ako nang makita ko siyang nakangiting tumingin sa akin. "Hi, besh!" walang boses niyang bati sa akin dahil nasa loob na ang unang teacher kaya sandali akong bumaling doon para bumati. "Morning, prof." tipid na ngiti ko saka tumango ng mahina bago lumakad papunta sa upuan ko. "Morning…" rinig ko pang bati rin sa akin ni Prof. Pagkaupo ko ay tumingin ulit ako kay Jamaila. So, pumasok na rin siya? Hindi ko mapigilan na magtampo sa kanya dahil hindi man lang niya ako mini-message kung anong oras siya nakauwi kagabi at saan siya galing. Tiningnan ko rin ang inbox kanina ay wala talaga siyang chat kahit tuldok man lang. Ngumiti ulit siya sa akin at walang boses ulit siyang nagsalita. Sorry at lowbat ako ang sinabi niya. Sa halip na sumagot rin nang tahimik ay ngumuso ako't inirapan ko siya para malaman niyang nagtatampo ako sa kanya. Nakita kong tumawa siya nang bahagya kaya sa inis ko, inikutan ko siya ng mga mata at sa harap na ako tumingin upang makinig kay Prof Genesis. Lumipas ang ilang ilang minuto hanggang matapos ang unang klase ay naging maayos naman ang utak ko at hindi ako lutang kahit ramdam ko ang hangover ko. Idagdag pa ang panginginig ng sikmura ko dahil walang laman kahit kape man lang sana. "Besh, sorry na. Lowbat kasi ako at mahina ang signal sa pinuntahan namin." Boses ni Jamaila kaya nag-angat ako nang tingin sa kanya. "Namin?" Ulit ko sa sinabi niya. Kumurap at naging mailap ang kanyang tingin sa akin. "Ahm… oo. Iyong kaibigan ko. In-invite niya kasi ako biglaan kaya hindi na ako nakapagsabi sayo noong isang gabi. Sorry." nakangiwing sagot niya. Sumimangot ako sa kanya dahil nagtatampo talaga ako. Umupo siya at humarap sa akin. "Sorry na. h'wag ka ng magtampo. Treat kita mamaya sa canteen." Pang-aamo niya pa. Mas lalo akong sumimangot sa kanya. "E, si Romnick? Nag-explain ka na ba?" Sa halip ay tanong ko sa kanya. "Uum.. nagkita at nag-usap na kami kanina pa." tumatangong tugon niya na bahagya pang nakangiti. "At saka, kaibigan lang ba talaga, Maila?" tunog panghuhuli ko sa kanya. Tumutok siya sa akin kaya hindi rin ako kumukurap at pati paghinga ko ay pinigil ko rin habang hinihintay ko ang pag-amin niya. Hindi ako sigurado kung aamin nga ba siya sa akin. "Kaibigan ko lang siya, ano ka ba?" Natawa pa siya nang bahagya nang sabihin niya iyon sa akin. "Saka alam na rin iyon ni Romnick kaya no need to worries." kindat niya pa at muling tumayo nang pumasok ang pangalawang prof namin. "Treat mo 'ko, ha." Paalala ko na lang para tapusin na ang pagtatampo ko sa kanya. Ayoko ng pahabain dahil hindi ko rin naman siya matitiis. Siya na nga lang ang kaibigan ko na nakakatagal ng ugali ko, aawayin ko pa ba? Tsaka, nag-uusap na run naman sila ni Romnick. At kung nagtatampo at naiinis man ako ngayon, ay sa lalaking bf ko…kay Paul. Grabe, natiis niya talaga ako na hindi tawagan ng isang araw. Kaya humanda talaga siya sa akin. Pero sa ngayon, ayaw ko muna siyang makausap. Bahala siya! Titiisin ko rin siya ng isang araw na hindi nag-update sa kanya. Hindi ko siya papansinin katulad ng ginawa niya sa akin. Lumipas ang mga oras at gaya nang pinangako ni Jamaila ay nilibre niya nga ako sa canteen. Maraming foods kaya natunaw agad ang tampo ko sa kanya. Ang babaw lang talaga ng kaligayahan ko. Pagkain lang ayos na. "Ano, nagtatampo ka pa rin ba?" Nagpunas muna ako ng bibig bago ngumusong tumingin sa kanya. "Next time, matutong magpaalam, okay? Para hindi ako atakehin sa pag-alala " patutsada ko na tinawanan lang niya. "So, bati na tayo?" ngisi niya. Tinaasan ko siya ng kilay. "Burger pa." Sa halip ay ungot ko sa kanya. "Okay!" ngiti naman niya at tumayo saka umorder ulit ng kay ate na natatawang umiiling sa akin. "Naisahan ka na naman ni Claire, Jam!" wika pa ni ate na hindi ko mapigilan ang mapangisi. "Sana'y na po ako diyan, Ate." rinig ko naman na sagot ni Jamaila kay ate. Matapos namin kumain ay bumalik ulit kami sa room para sa ikaapat na klase. Pero dumaan ang ilang oras hanggang sa mag-tanghalian ay hindi ko pa rin binuksan ang phone dahil wala pa rin akong balak na kausapin si Paul. Samantalang sina Jamaila at Romnick ay maayos na. Parang walang tampuhang nangyayari na taliwas sa sinabi ni Romnick sa akin noong isang araw. Ang sweet kasi nila tingnan kaya hindi ko na naman mapigilan ang mainggit sa kanila. Ang sweet kasi talaga ni Romnick kay Jamaila. Hindi gaya ni Paul, hindi man lang talaga nanunuyo sa akin ngayon. Siguro naman ay alam naman niyang galit ako dahil naka-off ang phone ko. Hanggang sa sumapit ang hapon ay mabigat pa rin ang dibdib ko at medyo masakit ang ulo ko kaya pilit na pilit ang pakikinig ko ngayon sa lecture namin. Pero hindi ko mapigilan na mag-alala kay Yanah at sa mga kasama niya dahil hindi ko sila nakita ngayong araw. Baka anong oras na sila umuwi at kahit ayaw ko mang isipin ang nangyari sa kanila ay hindi ko maiwasan. Imposible naman kasi na wala, e halata ko naman na type ni Yanah si Danzel. At si Gale… parang gano'n rin sa bagong dating na kamukha ni Kyle. Wish ko lang, sana hindi sila magsisisi sa huli. "Besh, bukas na tayo magsabay, ha. Mag-de-date daw muna kami ni Romnick. Babawi muna ako kay my loves ko." excited niyang saad. "Okay." ani ko at tipid na ngumiti nang makita ko si Romnick sa labas ng room na naghihintay sa kanya. "Bye…" "Ingat kayo." pahabol ko at tumalikod na para umuwing mag-isa. Ayos na rin na bukas na kami magkwentuhan dahil wala rin ako sa mood ngayon. Lutang pa ako at gusto munang matulog. Lalo't masarap matulog ngayon dahil ako lang mag-isa sa bahay. Matatahimik ako ng ilang araw dahil wala si Kuya at siyempre, hindi rin pupunta ang mga bwesita niya. Lalo na si JD. Hindi tataas ang dugo ko ng ilang araw dahil hindi ko siya makikita. Sumakay agad ako ng jeep at bumaba sa palengke para mamili ng lulutuing ulam. Bumili na rin ako ng gulay, isda, itlog, at kung anu-ano pa ang kailangan para sa isang linggo. Nang matapos ay sumakay ako ng tricycle at nagpahatid na sa amin. Pagkarating ko sa bahay ay saglit akong nagpalit ng damit bago nilinisan ang mga pinamili ko at nilagay ito sa ref. Nang matapos ay nagluto na rin ako ng pagkain na sakto lang para sa hapunan ko dahil wala na nga si Kuya Marco. Pritong baboy ang naisip ko para mabilis lang lutuin. Alas nueve daw umalis si Kuya kaninang umaga. Ngayon ko lang nabasa ang message niya dahil kakabukas ko lang din ng phone ko. Dahil kay Paul, damay lahat ang mga nagme-message sa akin. At kung kahapon ay ni isa ay wala siyang message, ngayon naman ay punong-puno ang inbox ko sa kanya. Puro sorry at ang mga nakikita ko at gaya ng rason ni Jamaila sa akin, gano'n rin sa kanya. Mahina ang signal sa pinuntahan niya. Ano, nagkataon na pareho sila ng pinuntahan? Lecheng rason! Paulit-ulit na lang! Pinatay ko ulit ang phone nang makita kong rumihestro ang pangalan niya sa screen ng phone ko. Hindi ko alam pero naaasar ako sa paliwanag niya. Wala naman kasing bagong rason kundi iyon pa rin sa tuwing umaalis siyang walang paalam. Hindi ko alam kung dapat ko na ba siyang pagdudahan sa alibi niyang iyon. Iba rin kasi ang kutob ko. Iba ang tumatakbo sa isip ko sa tuwing hindi ko siya makontak. Minsan naiisip ko kung seryoso pa ba siya sa akin. Nag-iba na rin kasi siya minsan kapag magkasama kami. Hindi na kagaya ng dati. Oo, sweet siya pero parang kulang. Iyon kasi ang nararamdaman at napapansin ko sa kanya. Kapag tinatanong ko naman ay laging wala ang sinasagot niya. Haynaku! Bahala nga muna siya sa buhay niya! Nakakawala siya ng mood. Nilapag ko ang phone at imbes na isipin pa si Paul ay kumain na lang ako para makatulog nang maaga. Gusto kong matulog dahil lalong sumakit ang ulo ko sa tuwing naiisip ko siya at ang pambalewala niya sa akin. Nakakatampo lang lalo. Nang matapos kong kumain at maghugas ng kinainan ay pinàtay ko ang lahat ng ilaw sa sala matapos kong masigurong lock na ang gate at bahay bago pumasok ulit sa kwarto. Naligo muna ako at humiga na rin sa kama. Nagbuntong hininga akong tumingin ulit sa mga message na pinadala sa akin ni Paul. Marami ulit siyang text at sinabing nasa labas daw siya ng bahay dahil gusto niyang mag-usap kami. Pero dahil patay na ang ilaw ay iniisip niyang wala ako dito sa loob. Wala pa rin akong balak na i-text siya at bukas na lang kami magtutuos. Baka kasi lumala lang kapag hinarap ko siya ngayon. Masakit ang ulo ko at baka kung ano pa ang masasabi ko sa kanya. Magpapalamig muna ako sa ngayon. Pagkatapos kong mag-message kina mama at papa na i-off ko ang phone ay natulog na rin ako dahil panay na rin ang hikab ko. Antok na antok na talaga ako at ilang minuto lang ay hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid. Basta naalimpungatan na lang akong malakas ang kulog at ulan sa labas. Samantalang ni ambon ay wala naman kanina. Atsaka parang may narinig akong bumabagsak sa sala kung hindi ako nananaginip. Saka ko pa lang napapansin na madilim pala sa loob ng kwarto ko. Brownout na pala pero hindi man lang ako nagising na namatay ang electric fan. Ilang saglit pa ay kinabahan ako nang bigla kong narinig ang malakas na kulog kasabay nang may muling bumagsak na gamit sa sala. Hindi ako matatakutin pero hindi ko maiwasan ngayon. Para kasing may taong nakapasok sa loob at ngayon pa talaga kung kailan mag-isa ako at wala si Kuya. Alangan naman multo iyon e hindi naman totoo 'yun! Jusko katapusan ko na ba? Natatakot ako pero hindi ako papayag na hindi ako lalaban bago magtagumpay ang taong iyon kung anuman ang binabalak niya sa pagpasok sa loob ng bahay namin. Kahit nanginginig at sasabog na ang dibdib ko ay nilakasan ko ang loob na bumaba sa kama at kinakapa ang flashlight sa drawer. Nang makapa ko ito ay bumuga ako ng hangin at kinuha ko ang walis tambo sa gilid para ipang-hampas sa taong iyon. Habang pinipihit ko ang seradura ay parang sasabog na ang dibdib ko nang dahan-dahan ko itong binubuksan. Nagdadalawang isip ako at mas lalo akong nakaramdam ng takot nang mas bumungad sa akin ang madilim na sala na may kasamang malamig na simoy ng hangin. Diyos ko naman! Bakit ngayon pa kasi nangyari? "Claire." Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko iyon kaya pinàtay ko agad ang flashlight. Mahina lang iyon pero sa laki ng boses ay nakakakilabot pakinggan. Meron ngang tao at kilala niya ako, jusko! Sinara ko ulit ang pintuan at ni-lock ito.Sumandal ako sa likod at pilit na pinapakalma ang sarili. Hindi ako natatakot sa kanya. "Lord, ikaw na sana ang bahala sa akin. Please, huwag muna ngayon. Gusto ko pang magtapos ng pag-aaral at bumawi sa mga magulang ko.." Paulit-ulit kong usal nang mahina. Tumindi pa lalo ang takot ko nang marinig ko ang yabag ng paa na mukhang papunta sa kwarto ko. At hindi ko mapigilan ang humigpit ang kamay ko sa walis nang makarinig ako ng katok sa labas ng kwarto ko. Hindi ako kumibo at kahit natatakot ako ay hinanda ko ang sarili para sa taong iyon. Ilang saglit pa ay pinihit na rin niya ang seradura ko kaya sumiksik pa ako lalo sa pinto. Wala pang segundo, ay nagulat ako nang tumunog ang click ng pintuan ko. Nabuksan niya! Diyos ko po! Halos mabingi ako sa lakas ng pintig ng puso ko nang makitang bumukas na nga ang pintuan ko. Natatakot akong itulak pasara dahil baka mataranta ako lalo at hindi na makisip ng paraan. "Clai—" Hindi ko na siya pinatapos at sunod-sunod ko siyang hinampas kung saang parte ng katawan niya ang tinamaan ko. Wala akong pakialam kung mapuruhan o mapatay ko siya ngayon dahil sa pagpasok niya sa bahay namin. Trespassing siya at hindi ko alam kung ano ang pakay niya sa akin. Todo ang ginawa kong paghampas ng flashlight at walis tambo at wala akong pakialam kung maubos ang lakas ko basta lang, maunahan ko siya. "Ouch! Shìt! Fck! Damn it!" sigaw niya rin nang sunod-sunod pero hindi ako tumigil at sige pa rin ang paghampas ko sa kanya gamit ang walis tambo. Kahit medyo pamilyar ang boses niya ay hindi pa rin ako huminto dahil sa takot na bumalot sa akin ngayon. "Claire! Stopppp! Damn it! It's me! It's me!" Muling sigaw niya na ramdam ko ang paghigpit ng hawak niya sa aking kamay nang mahuli niya ang ito. Dala pa rin ng takot at kilabot ko ay bumwelo ako at sinipa ko siya sa paa sabay tulak sa kanya nang malakas kaya bumalandra siya sa may pintuan. "Claire! Sto--" "Hayop ka! Sino ka, ha! Anong gagawin mo sa akin?! Mamamatay ka muna bago--" "Claire, ano ba?! Ako 'to! Si JD! Si JD Damn it!" Halos mabingi ako sa lakas ng boses niya sabay yapos sa akin na halos hindi ako makahinga nang pigain niya ang katawan ko at napatili na lang ako nang sabay kaming nabuwal sa kama ko na kasama siya. Pareho kaming hiningal kabayo at dinaig pa ang tambol sa lakas ng kaba ng dibdib namin. "Ano bang nangyayari sayo?!" Hingal na hingal niyang tanong sa akin at ngayon lang din luminaw sa pandinig ko ang boses niya. "JD…?" Paniniguro ko at hindi pa rin nawala ang takot ko. "Ako nga." Pagalit niyang sagot sa akin. Nang marinig ko iyon, nabawasan ang takot ko at tumutok ako sa kanya kahit hindi ko siya nakikita. "Grabe ka, papatayin mo ba ako?" Kahit hindi ko kita ang kanyang mukha ay halata sa boses niya ang pagkaasar. Pinakawalan niya ako kaya saka ko pa lang napagtanto ang posisyon namin na agad ko siyang tinulak para umalis siya sa aking ibabaw. "Ang sakit, grabe." Reklamo niya pa na ramdam ko ang pag-upo niya sa kama. Ilang segundo pa ay nagkaroon ng liwanag mula sa phone niya kaya binuksan ko rin ang flashlight na hawak ko pero ayaw nang umilaw. Mukhang nasira ko pa yata sa paghampas sa kanya. "Tignan mo ang ginawa mo, oh?" Bumaling ako sa kanya nang marinig iyon at gano'n na lamang ang pagdilat ko nang makita ko siyang duguan sa may bandang panga at siko. Tumitig ako sa kanyang mga mata at kita ko ang sambakolniyang mukha nang tumingin sa akin. "Ano ba kasing ginagawa mo dito? Bakit ka pumapasok dito? Alam mo naman siguro na wala si Kuya MArco, 'di ba?" Maldita kong tanong sa kanya para pagtakpan ang konsensya ko. Hindi siya sumagot at tagpo lang ang kilay nang tumingin sa akin habang pinunasan ng panyo ang kanyang sugat. "Huwag mong sabihin na hindi mo alam na wala dito si Kuya?" "Alam ko. Kaya nga ako nandito dahil wala kang kasama at may nakita akong lalake kanina sa labas na umaaligid dito. Sabihin pa ng kuya mo wala siyang maasahan sa akin." Tunog pangonsensya pa pero ang suplado naman ng kaniyang mukha. Mukhang galit talaga siya sa ginawa ko pero halatang nagpipigil lang. "Sino ba 'yon?" Tagpo ang kilay niyang baling sa akin. "Aba, malay ko?! Alam mong nandito lang ako, e!" Nandidilat kong sagot sa kanya. Tahimik ang sumunod na nangyari sa pagitan namin pero ramdam ko ang pagtagal ng mata niya sa akin. "Hindi ka man lang ba magso-sorry sa akin?" Maya-maya ay saad niya. "Ba't ako magso-sorry? E, ikaw nga itong pasok nang pasok ng bahay namin kahit alam mong naka-lock ang gate at pinto? Saka ngayon pa talaga kung kailan umuulan kaya siyempre iisipin ko na magnanakaw ka! Tapos tinawag mo pa ang pangalan ko kaya hindi ko maiwasan na rapìsť ka!" Asar kong sagot sa kanya at gumapang ako papunta sa drawer para kunin ang phone ko at gamitin ang ito pang-ilaw. "Baka gustong mong gamutin ito." "Madilim nga, 'di ba?" Pabalang kong sagot sa kanya. "Punasan mo na lang dahil marami na ang tumulong dugo." "Bakit ba ang demanding mo? Hindi mo ba kayang magpunas?" "Hindi at kasalanan mo 'to." "Ano? At bakit kasalanan ko, aber?!" Inis kong sagot at sinamaan ko siya ng tingin. "Kung hindi ka pumasok--" Natigil ako sa pagsasalita nang biglang umilaw ang banyo. Bumalik na rin ang kuryente sa wakas kaya mabilis kong kinapa ang switch at binuksan ito. Bumaling ulit ako sa kanya nang lumiwanag ang kwarto ko at gano'n na lamang ang pagkagulat ko nang makita ko ang sugat na tinamo niya sa panghahampas ko. Hindi lang pala panga at leeg niya ang napuruhan ko dahil pati ang kilay niya ay pumutok rin. Maging ang siko at kamay niya sa kanan ay marami din dugo na parang nahiwa ng kung anong bagay. Lumunok akong tumitig sa kanya. "So, ngayong nakita mo na, gagamutin mo na ba ako?" Tanong niya at klarong-klaro ko ma ang itsura niyang pakiramdam ko ay sasakmalin na ako anumang sandali. "Sorry…" mahina kong saad kahit labag man sa kalooban ko, pero hindi mapigilan ang makonsensya dahil sa ginawa ko. "Gamutin mo 'ko at ipagluto mo ako ng itlog na kinain mo." Utos niya sa akin na kahit ayaw kong sundin pero wala akong choice kundi ang tahimik na lamang sundin ang gusto niya para makabawi man lamang ako. Kaagad ko siyang niyaya sa sala para linisan at gamutin ang sugat niya. Mukhang sa slamin ng flashlight ko galing ang sugat niya. Nabasag ito kaya nahiwa ang braso niya. Tahimik kong ginawa ang panggagamot sa kanya at kahit ramdam ko ang pagsunod niya nang tingin sa akin ay hindi ko pinapansin para mabilis kong matapos. Baka kasi kapag tumitig ako sa kanya at mailang ako. O, kaya ay maasar pa ako at baka mapuruhan ko pa lalo ang sugat niya. Pinahiram ko rin siya ng damit ni Kuya para palitan ang suot niyang damit na basang-basa din pala dahil mukhang nagpapaulan pa yata. Naging caregiver ako bigla ng JD na 'to, ah! Ang swerte ng bwesit na 'to! Naku! Pasalamat talaga siya ngayon at kasalanan ko ang nangyari sa kanya. Nang matapos ay pinagluto ko na siya ng itlog para manahimik na siya sa kaka-ungot sa akin. "Claire, gusto kong luto at lasa noong kinain mo." Gulat akong lumingon sa likuran nang marinig ko ang boses niya na bigla na lang magtayuan ang balahibo ko dahil bahagya itong paos sa pandinig ko at ramdam ko ang mainit niyang hininga sa aking leeg. Sa pagkagulat ko, naitulak ko siya dahilan na mapaliyad ako paatras sa kalan. Ngunit mabilis ang kamay niyang hinapit ako sa baywang sabay hila padikit naman sa kanyang katawan kaya nagwala agad ang alaga ko sa dibdib. "Tulak kasi nang tulak, akala mo may virus ako." Simangot na sermon niya pa. Tinulak ko pa rin siya at mabilis akong kumuwala sa kanya. Gusto ko siyang sagutin ng "Bakit, wala pa ba?" Pero sinarili ko na lamang at baka magbangayan na naman kami. Gusto ko ng tahimik at makatulog ulit dahil maghating-gabi pa lang pala. "Pwede ba, doon ka na lang at hintayin mo na lang akong ihatid ito?" Pasuplada kong utos sa kanya. Pero tumaas ang kilay ko nang ngumiti pa siya sa akin. "Okay. Basta sarapan mo, ha? Katulad ng lasa na kinain mo, ha?" "Oo na!" Pikon kong sagot at tinagpuan ko siya ng kilay. Lumawak lalo ang ngiti niya sa akin na ipinagtataka ko dahil wala naman nakakatawa sa mga sinabi ko. Abnormal yata ang JD na 'to. "Nagugutom na ako." Parinig niya pa na inikutan ko lang ng eyeballs bago hinarap ko ulit ang pagbatil ng itlog. Bumalik siya sa sala kaya niluto ko na agad ang itlog na labag na labag sa kaloob-looban ko. Ang sarap ibuhos ang asin at pampasarap para madala at hindi na magpapaluto sa akin. Nang matapos ay hinain ko na agad ito at tinawag siya para papuntahin sa kainan. "Siguro naman nakabawi na ako at pwede ka ng umuwi sa inyo pagkatapos mong kumain." Diretso at walang ligoy kong saad matapos kong ilapag sa harapan niya ang itlog na may konting kanin. Tumingin siya sa pagkain bago sa akin. "Pagkatapos mong hampasin?" Balik-tanong niya sa akin na nilakihan ko lang siya ng mata. "At saka, sobrang lakas pa ng ulan sa labas, Claire, hindi mo ba naririnig?" Dagdag niya pa kasabay ng pagkidlat. "See that? Baka matamaan ako ng kidlat kapag nag-drive ako ng motor." Dugtong niya ulit na halatang walang balak na umuwi. "At anong gusto mong sabihin?--" "Dito ako matutulog, Claire, at bukas na ako uuwi. H'wag kang mag-alala, wala akong gagawing masama sayo kung iyon ang iniisip mo." "... unless ikaw ang may gagawing masama sa akin." Ngisi niya pang dugtong na ikinadilat ko. "Anong sabi mo?!" "Wala. Pero baka gapangin mo 'ko. O, kaya'y maisipan mong dagdagan ang sugat ko--" "Kumain ka na nga lang!" Asar kong sabi pero hindi ko mapigilan ang mag-init ng pisngi. Kumain na nga siya at hindi ko maiwasan na tumitig sa kanya dahil ang OA niya kumain. Itlog lang naman pero kung makakain ay akala mo sobrang sarap ng kinakain niya. May papikit-pikit pa kasi ng mata habang ngumunguya. "Wow, Claire, ang sarap! Ngayon alam ko na kung bakit gano'n rin ang reaksyon mo noong kumain ka nito." Kumalat agad ang init sa pisngi ko nang marinig ko iyon dahil iyon nga din pala ang reaksyon ko noong gabi. So, ginagaya niya ako, gano'n? Gaya-gya talaga ang bwesit na JD na 'to. "Claire, baka pwedeng… makahingi na rin ng kape." Medyo alanganin niyang hirit na agad uminit ang ulo ko. "Magtimpla ka! Ano ka, walang kamay?" Pasinghal kong saad bago siya tinalikuran. "Masakit ang sugat ko, Claire. Kumikirot…." Paawa niyang sambit na mukhang wala na naman akong choice dahil sa pangungunsensya niya sa akin. "Leche! Kung hindi ka--" "Last na promise. Tapos tulog ka na pagkatapos. Huwag kang mag-alala, wala akong gagawin sayo. Maghihintay ako kung anong oras mo ako kakalabitin." Nakangising biro niya pa na agad tumalim ang tingin ko sa kanya. "Ang manyak mo talaga, 'no?" Hindi ko mapigilang komento sa kanya na sa halip na ma-offend, tamawa pa siya nang malakas na tila ba aliw na aliw sa sinabi ko. Kinilig pa yata siyang sabihan na manyak. Abnormal talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD