"Hindi ka pa ba uuwi?" Dumilat ako nang marinig ko ang boses ni Claire – ang babaeng siyang may kagagawan ng sugat ko ngayon. Nakasandal siya sa may hamba at naka-cross arm na masamang nakatingin sa akin. Hindi pa pala siya tulog. Siguro natatakot na baka pasukin ko. Gusto kong matawa dahil halata sa kanyang mukha ang hinala ko. Natatakot talaga siyang pasukin ko sa kwarto niya. Haizt! Kung siraulo lang ako, matagal ko ng ginawa! Babaero lang ako pero hindi ako siraulo. Pero grabe talaga. Grabeng babae. Dinaig pa ang nagwawalang tigre. Gusto na yata niya akong patayin sa tindi ng hampas niya sa akin kanina. Hindi ako makabwelo para pigilan siya dahil sobrang dilim at binanatan niya agad ako nang sunod-sunod pagkapasok ko pa lang sa kwarto niya. "Ano?" tunog naiirita pa niyang dagdag

