Sa takot ko na pasukin ni JD dito sa loob ng kwarto ko ay halos ayaw ko nang matulog at baka magising na lang akong katabi ko na siya dito sa kama ko. Mahirap na dahil dalawa lang kami dito sa bahay. Kahit kaibigan pa siya ni Kuya ay hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak niya. Ang bigat na ng mga mata ko dahil inaantok na talaga ako pero kinakabahan ako. Bakit kasi nandito pa siya? Bwesit talaga! Pero teka, totoo kaya ang sinabi niya na may lalaking umaaligid sa labas ng bahay? Sino naman kaya iyon? Hindi kaya si Paul lang 'yon? Sana siya lang. Kinuha ko ang phone at binuksan ito muli para tignan kung si Paul nga ang lalaking tinutukoy niya. Huminga ako nang malalim dahil si Paul nga 'yon nang mabasa ko ang chat niya na nasa labas nga siya. Pumunta pala talaga siya dito kanina.

