C9- Claire

4198 Words
"You know him, Claire?" Pagkarinig ko sa boses na 'yon ni Yanah ay mabilis ang kamay kong lumapat sa dibdib ni JD at tinulak ko siya palayo sa akin. Walang kibo ko siyang tinaliman ng tingin pero daig ko pa ang tumakbo ng ilang kilometro sa bilis ng pintig ng puso ko. Samantalang ang bwesit na JD ay parang aliw na aliw pang nakatingin sa akin. Ang laki kasi ng ngisi niya at halatang sinadya niya talagang ilapit ang mukha niya sa akin. Leche! Ang sarap buhusan ng alak para luminis man lang kahit kaunti! "Claire… you know him?" Narinig kong tanong ulit ni Yanah kaya bumaling ako sa kanya saka sumagot. "No. Ngayon ko lang siya nakita." Tanggi ko dahilan na bigla na lang humalakhak ang papansin na si JD kaya napunta ang tingin namin lahat sa kanya. "Are you crazy?" Salubong ang kilay na puna sa kanya ng nagngangalang Danzel, na kung tama ang pagkarinig ko ay pinsan niya ito dahil sa narinig kong 'cous' ang tawag sa kanya. Ngunit imbes na tumigil ay nagpatuloy lang ang bwesit sa pagtawa. Kaya tahimik ko siyang pinandilatan pero mas lalo lang lumakas ang paghalakhak ng bwesit sabay umiiling na tumutok sa akin na para bang nang-aasar lang. Kaya hindi ko mapigilan ang igala ang tingin ko sa mga kasamahan ko. Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang makita kong iba na ang mga tingin nila sa akin. May laman na talaga. Binalik ko ang tingin kay JD. Nakakainis talaga ang manyak na 'to! Masyadong papansin. Ayaw na lang magpanggap na hindi kami magkakilala. Nilakihan ko ulit siya ng mga mata pero ayaw pa rin tumigil. Parang gusto ko ng isubo ang dalawang bote sa bunganga niya nang mabilaukan at matigil na siya sa kakatawa. Tignan ko lang kung di pa siya madala sa pambubwesit sa akin. "You are really crazy. Wala naman nakakatawa pero kung makatawa ka daig mo pa ang nasa mental." Komento rin ng Frost ang pangalan na katulad ni Danzel ay tagpo rin ang mga kilay kay JD na buang. "I knew it!" pasinghap naman na sambit ni Kyle at tumingin sa akin. "Claire, right?" naniniguradong tanong niya at kita ko ang pagtaas ng kanyang sulok ng labi. Halatang may kalokohang iniisip. Hindi ako kumibo. Nagtataka lang akong tumingin sa kanya. Lumaki rin ang ngisi niya nang tumitig sa akin. "JD–" "Nope! We don't know each other." Biglang putol ni JD. "Akala ko siya 'yung babaeng nakilala ko kagabi." dugtong niya pa sabay kindat sa akin. Paismid akong nag-iwas ng tingin at kahit ayaw ko ay naiinis na naman ako sa kanya dahil sa narinig kong palusot niya. Babae na naman kasi. Puro na lang babae. Napakababaero talaga ng bwesit na ito. "Hey, Claire, let's cheer!" Rinig kong sabi ni Yanah kaya muli akong tumingin sa kanya at kinuha ang inabot niyang baso na may laman na ladies drink. "Cheers, Yanah! Happy birthday!" saad ko sabay taas ng baso ko. "Oh? It's your birthday?" Manghang tanong ni Danzel kay Yanah na halatang nahihiya. "Yeah…" kiming tugon pa nito kaya hindi ko mapigilan na ngumiti para sa kanya. Halatang may gusto siya kay Danzel. Mukhang alam ko na kung bakit dito niya gustong pumunta. "Really?" nakangiting bigkas ulit ni Danzel na hindi ko maiwas ang tingin nang makita ko ang maganda niyang ngiti lalo't may magandang beloy din ito. Kaya nagulat na lang ako nang halos tumalbog ako sa sofa nang may pabagsak na umupo sa tabi ko. Kaagad akong bumaling sa kanya at agad napalis ang ngiti ko nang makita ko ang seryosong mukha ni JD. "Ano bang problema mo." mahina pero matigas kong sita sa kanya. Hindi siya kumibo pero grabe ang pagsimangot niya sa akin. Nakipagtagisan ako ng tingin sa kanya ng ilang segundo dahil nakakapagtaka ang mga kinikilos niya. Nang bumaling siya nang tingin ay umurong ako ng kaunti dahil dikit na naman ang katawan namin. Nandidiri ako dahil naisip ko na naman ang nakita kong pakikipaghalikan niya kanina sa labas. Ngunit umisod rin siya sa akin nang umupo rin ang si Kyle sa tabi niya. Kaya tahimik akong bumuga ng hangin dahil wala na akong maurungan. "Hindi ko alam na nagpupunta ka pala sa mga lugar na ganito, Claire. At sobrang igsi at daring ng suot mo. Gusto mo bang mabastos?" Gano'n na lang ang lingon ko kay JD nang marinig ko 'yon. Sa hindi maipaliwanag ay bumilis na naman ang pintig ng puso ko nang makita kong tahimik niya akong tinititigan. Pero salubong ang kilay niyang sinuyod ako nang tingin. "So? Ano bang pakialam mo? Buhay ko naman ito. Okay?" asar kong sagot sa kanya bago ko hinila pababa ang laylayan ng suot ko dahil mukhang tutulo na ang laway ng manyak na 'to. "So, gusto mo nga?" tanong niya ulit na halata sa boses niya ang iritasyon. "Wala ka ng pakialam do'n!" pikon kong tugon at matalim ko na naman siyang tinititigan. Hindi ko alam kung anong problema ng JD na 'to. Nagiging pakialamero yata ngayon. Wala nga si Kuya pero nandito naman siya at panay ang puna sa akin. Nakakainis. Imbes na mag-enjoy ako para matanggal ang inis ko, pero mukhang madadagdagan pa yata dahil pakialamerong JD na 'to. Bakit ba sa dinami-dami ng night club ay dito pa sa pagmamay-ari nila. Nakaka-beastmode talaga. "Yanah, let's dance." narinig kong yaya ni Danzel kay Yanah at kitang-kita ko ang pag-alinlangan niya ngunit bigla itong hinila patayo ni Danzel kaya napatili na lang ito sa gulat at napasunod papunta sa gitna. "Nakakainis ka." reklamo pa nito na tinawanan lang ng lalake. Tahimik naman na nakangising nag-ilingan ang dalawang katabi ko na mukhang alam na alam ang galawan ni Danzel kay Yanah. Gusto ko man pigilan si Yanah pero halatang kinikilig siya kay Danzel. At saka, birthday niya ngayon kaya ayaw kong maging kj sa gabi niyang ito. Pagbigyan na, ika nga nila. "Hey, hey, hey! Narito lang pala kayo." Magkapanabay pang bigkas ng dalawang lalakeng kambal na may kasama pang parang kamukha ni Kyle. At ang isa ay medyo seryoso ang mukha na parang pamilyar sa akin. Di ko lang matandaan kung saan ko ba siya nakita. Pero kung tama ang pagkatanda ko, Garrette yata ang pangalan niya. "Oh, may chicks pala dito!" Pansin ng Kyle na mukhang lasing na yata. "Kurt, I think you need to go home now. You're drunk." Sabat naman ni Kyle sa kakambal nito na Kurt pala ang pangalan. "No, I'm not." sagot rin nito sabay upo sa tabi ni Gale. "Hi, what's your name, honey?" tanong nito kay Gale at nanlaki ang mga mata ko nang makita kong hinipuan agad nito si Gale sa hita. Ngunit napalunok na lang ako ng laway nang makita kong tila nagugustuhan pa yata ni Gale ang ginawa nito dahil hindi man lang pumalag. Bagkus, ngumiti pa ng matamis. "Hi, I'm Gale," tugon pa nito kay Kurt na kita ko nang dumikit pa ito sa katawan ng lalake. "Tssk!" rinig kong singhap ng katabi ko kaya napabaling na naman akonsa kanya. Katulad kanina ay may maloko na naman siyang ngiti. Maging si Kyle at ang iba pang kasama ay gano'n rin. Iisa lang ang mga ngiti ng mga ito nina Gale at Kurt. "Anong nakakatawa?" Hindi ko mapigilang tanong kay JD. Tinagpuan ko siya ng kilay nang tumingin siya sa mukha ko. "Ang mga kasamahan mo. Gustong-gusto rin nila." tugon niya. "Ikaw ba, Claire—" "Hindi ako katulad nila. Kaya ibahin mo ako. Excuse me." putol ko sa matigas na boses sabay tayo. "Saan ka pupunta?" tanong pa niya at halatang nagtataka. "Magbabanyo lang ako." asar kong paalam at walang lingon na umalis sa harapan nila para hanapin ang banyo sa loob ng club. Wala pang minuto ay nahanap ko rin ang banyo nila kaya agad akong pumasok at umihi. Nang matapos ay naghugas ako ng kamay at lumabas na rin pabalik sa table namin. Ngunit pagdating ko doon ay wala na akong naabutan ni isa sa mga iniwan ko kanina. Kinabahan ako at baka iniwan na nila ako. O, baka tinangay na sila ng mga babaerong kasama namin kanina. Tumingin ako sa gitna at nakahinga ako nang makitang naroon lang pala sila. Sumasayaw at napapalibutan ng mga lalake. Umupo ako at naisip kong silipin ang phone. Baka may reply na sa akin si Paul kahit isang message man lang kung nakauwi na ba siya. Ngunit mas lalo lang sumama ang loob nang makitang wala pa rin talaga. Maging si Jamila ay wala rin. Kaya sa inis ko ay inisang lagok ko ang baso ko na may lamang alak. Nakakasama na talaga ng loob si Paul dahil hindi na yata ako naaalala pa. Sa tinagal-tagal namin ay ngayon lang ito nangyaring hindi siya kumuntak sa akin nang matagal. Muli akong nagsalin sa baso at ininom ulit ito. Naninikip ang dibdib ko sa sobrang sama ng loob. Nagagalit ako na hindi ko maintindihan. Nasaan ba kasi siya? Bakit isang text o chat man lang ay hindi niya magawa sa akin? Kapag ako ay may malaman lang talaga na may babae na siya, humanda siya sa akin talaga dahil pinagmukha niya akong tanga. Napahinto ako sa pagsalin ng pang-apat na baso nang bigla na lang dumilim ang buong kapaligiran. "Make some noise!!!" Malakas na sigaw ng DJ mula sa stage kasabay ng sobrang lakas ng tunog. Sumabay pa ang malakas rin na tili ng kababaihan kaya pakiramdam ko ay mababasag na yata ang eardrums ko. Bigla rin lumiwanag ang stage kung saan naroon ang DJ kaya napunta ang tingin ko doon. At napadilat ako nang makita ko si JD na katabi si Kyle na parehong wala ng suot pang-itaas habang tuwang-tuwa na sumasabay sa pag-indak ng tunog. Hindi ko akalain na DJ din pala ang bwesit na JD na ito. At bagay na bagay sa kanya at sobrang lakas ng dating niya sa tuwing tinataas niya ang isang kamay niya habang umiindak. Muling tili ng mga kababaihan ang pumuno sa loob dahil sa dalawang nakahubad na tuwang-tuwa naman nakukuhang atensyon. Kumurap ako at ayaw ko man titigan ang mga katawan nila pero hindi ko mapigilan dahil parehong magaganda ang pangangatawan ng dalawa. Parehong perpekto at wala man lang talagang kataba-taba. Kitang-kita ang mala-pandesal na abs. Pumikit ako't umiling dahil pakiramdam ko ay nagiging manyak na yata ako sa habang tinititigan ko sila. Sumimangot ako nang makitang may umakyat na apat na babae at walang hiyang yumakap sa dalawa. Niyakap naman ng mga ito pabalik at mas lalong magtagpo ang kilay ko nang mula sa inuupuan ko ay kitang-kita kong hinalikan nito si JD na ginantihan naman ng manyak. Napanganga ako nang tumagal yata ng ilang segundo. Grabe, hindi man lang talaga nahiya at sa harapan pa talaga ng maraming tao. Yumuko ako at tinuloy ko ang pagsalin ng alak sa baso dahil hindi ko na nagugustuhan ang nangyayari sa akin. Alam ko naman dati pa na ganito na si JD at wala akong pakialam doon pero bakit parang hindi ko na nagustuhan ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita siyang may babae? Wala akong pakialam sa kanya at kailanman ay hindi ko siya magugustuhan dahil sa ugali niyang babaero. No way! Hinding-hindi talaga kahit mamatay na ang lahat ng kuku ko sa paa. Hindi. Ako. Magkakagusto sa kanya! Inubos ko ang laman ng baso at naglagay ulit. Gusto kong maglasing ngayon talaga para kapag makita ako ni Paul bukas ay malaman niyang nag-inom rin ako. Sinuway ko ang gusto ang utos niya. Pinagbabawalan niya akong uminom kahit hindi naman talaga ako umiinom at nagpupunta sa mga lugar na ito. Pero sa ginawa niya ngayon sa akin, gusto ko siyang galitin para makaganti man lang ako sa kanya. Naisip ko rin na h'wag na siyang i-text o i-chat para mag-isip din siya kung ano ang ginagawa ko. Tatlong magkasunod pa ang ginawa kong paglagok bago ako makaramdam ng pag-ikot ng paningin kaya tumigil ako at binaba ang baso. "Claire!" Narinig kong sigaw kung saan kaya sumandal muna ako sa upuan at hinanap ito. Pero wala akong makita kaya sa stage ako tumingin dahil parang kaboses ni JD iyon. At laking gulat ko nang makitang sa direksyon ko siya nakatingin. Kunot noo akong tumingin sa kanya. Sa akin nga ba? Lumingon ako sa aking likuran pero wala akong makitang tao. Maging sa kaliwa't kanan ko ay wala rin dahil halos lahat ay nasa gitna at masayang sumasayaw. Tumingin muli ako kay JD at muli na naman sumipa ang dibdib ko dahil sa akin pa rin siya nakatingin kahit sumasayaw pa siya. At kahit malayo ako at medyo madilim ay kitang-kita ko ang galit niyang mukha sa tuwing natatamaan ito ng ilaw. Ano na naman ba ang problema niya? Nababaliw na yata. Huwag niyang sabihing kinukwesyon niya ang pag-inom ko nang sunod-sunod? Edi, wow! Muli akong yumuko upang magsalin ng alak sa baso. Sa inis ko ay pinakita ko sa kanya sa tuwing umiinom ko para lalong maasar sa akin. Badtrip ako ngayon kaya h'wag na h'wag niya akong pigilan kung ayaw niyang madamay. Nakakamangha lang dahil bihira lang naman ako uminom at patago pa iyon kay Kuya pero hindi pa ako nalalasing ngayon. "Hi, would you like to dance?" Umangat ang tingin ko sa nagsasalita at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko rin si Janryll. Isa rin sa mga kaibigan ni Kuya Marco at JD. "Claire?!" gulat niyang sambit. Huwag niya rin sabihin na isa rin siyang miyembro dito? "Why are you here? Alam ba ni Marco na nandito ka?" kagaya rin ng tanong ni JD kanina. "No. At hindi niya pwedeng malaman kung ayaw mong lasunin tayo nito sa bahay nila kapag nakikikain tayo." biglang sabat ni JD na hindi ko napansin na bumaba na pala sa stage. "Kaya tandaan mo, hindi natin nakita si Claire dito, okay?" dugtong pa nito sabay kuha ng basong hawak ko at walang paalam na ininom ito. Tahimik na lang akong napasimangot sa kanya. Parang namumuro na yata itong lalake na itong inumin ang mga iniinom ko. Kinakain ang mga kinakain ko. Parang hindi man lang yata nagdadalawang isip na kainin kahit nilawayan ko na. "Okay. Hindi ko nakita si Claire dito." ngisi pa ni Janryll sabay tingin kay JD na mukhang may ibig sabihin nang kumindat bago kami tinalikuran na sumasayaw papunta sa gitna. Dalawa na naman kaming naiwan kaya hinanda ko ang sarili dahil tiyak matinding bangayan na naman ang mangyayari sa aming dalawa. "Hindi ka pa ba uuwi?" biglang tanong niya kaya kunot noo akong bumaling sa kanya. "Hindi." matigas kong sagot sabay layo sa kanya. Napangisi siya sa akin na inikutan ko lang ng mata bago ko sinalinan ang baso at ininom agad ito. "May problema ka ba?" tanong niya ulit pero hindi ko siya nilingon at sa halip ay muli akong nagsalin at nilagok muli ito. "Claire… anong problema?" mahina pero rinig ko at halata sa boses niya ang konting pag-alala. "Wala." tipid kong sagot bago sumandal saka pumikit na tumingala. "Wala? Pero bakit parang gusto mo ng ubusin ang alak dito?" "Gusto ko lang uminom, bakit ba?" bara ko sa kanya at magsasalin na naman sana ako nang bigla na lang niya akong hilahin patayo at masubsob ako sa matigas niyang katawan. "Ano ba!" angal ko sabay tulak sa kanya. Ngunit imbes na bitawan ako ay hinapit niya ang baywang ko dahilan na mas dumikit pa lalo ang katawan namin. "Tara sumayaw muna tayo. Mamaya ka naman uminom." lahad niya sabay payakap akong hinila papunta sa gitna. At gano'n na lamang ang singhap ko nang ikulong niya ako gamit ang braso at kamay niya. Sinubukan kong itulak ang dibdib niya para makawala ako dahil naiilang ako. Naiinis at naiilang ako sa ayos naming dalawa. Isang dangkal lang yata ang pagitan naming dalawa para makadaan ang hangin, kung makadaan nga. Subalit naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin at parang pinagsalikop pa yata ang dalawa niyang kamay para hindi ako makawala. "Pakawalan mo 'ko." matigas kong utos at binigyan ko na naman siya ng warning look. Hindi rin ako tumigil sa panunulak sa kanyang dibdib pero parang balewala lang sa kanya ang ginawa ko. "No. Lasing ka na at anytime, mababastos ka na doon." "Hindi pa ako lasing at kaya ko pa ang sarili ko. Kaya pwede ba, bitawan mo 'ko!" singhal ko na dahil sa tingin ko ay minamanyak lang ako nito, e. Nagpapalusot pa. "At sa tingin mo, itong ginagawa mo ay hindi pambabastos?" diretsang sita ko sa kanya. Saka ko pa lang naramdaman ang pagluwag ng yakap niya sa akin nang sabihin ko iyon. Hanggang sa bitawan niya na nga ako. "Fine. Sinabi mo 'yan, ha!" tunog asar niya ring saad. "Oo! Kaya pwede ba, h'wag mo akong pakialaman! Hayaan mo muna ako? Patahimikin mo muna ako, kahit ngayong gabi lang, pwede?!" Natahimik siyang nakatunghay sa akin na parang natauhan rin. "Claire, tell me… may problema ka ba? Ha? Sabihin mo sa akin." "Wala nga sabi. Ang kulit mo!" Maldita kong bwelta sa kanya at akmang babalik na sana ako sa table namin pero may biglang humawak sa braso ko kaya handa na naman sana akong maninghal pero natigil ako nang si Yanah ang makita ko. "Let's dance, Claire." ngiti niyang yaya sa akin. Tumagos ang tingin ko sa kanyang likuran pero hindi ko na makita si JD na ilang segundo lang naman akong tumalikod sa kanya. Kaya saan na napunta 'yon? Ano, napikon rin kaya mas nauna pang umalis sa akin? Edi, maganda. "Okay." sagot ko kay Yanah at sumabay na rin ako sa tugtog. Kahit papano naman ay marunong akong sumayaw. Kaya hindi naman ako magmukhang poste dito sa gitna. Lumipas ang ilang minuto kaming nagsasayaw habang paminsan-minsan ay umiinom sa tuwing may mapapadaan na waiter na may dalang iba't ibang alak. Hindi ko na ulit nakita pa si JD kaya malamang may babae na naman iyon na kasama. At baka nagkaldagan na sa mga oras na ito. Pero wala akong pakialam kahit ilang babae pa ang kasama niya. Dumaan ang ilang oras at ramdam ko na ang pamamanhid ng katawan ko kaya saglit akong huminto. Ngunit napansin ko rin na nawala na naman ang mga kasama ko kaya naisip kong bumalik na sa table namin at umupo. Muli akong tumingin sa phone upang tignan ang oras. Mag-hating gabi na pala pero parang wala pa yatang balak na umuwi sina Yanah na hindi ko alam kung nasaan na. Tiningnan ko ulit kung may message na sa akin si Paul, ngunit katulad kanina ay wala pa rin talaga. Parang gusto kong ibato ang phone dahil nakakasama na talaga siya ng loob. Gusto kong maiyak sa galit pero pinipigilan ko. Kaya pabagsak ko na lang ibinaba ang phone sa sofa. "Hey… kaya mo pa ba?" Tumingin ako sa nagsasalita at mas lalong uminit ang ulo ko nang si JD na naman ang mabungaran ko. "Ano na naman ba?!" asik ko sa kanya at hindi ko mapigilan na suriin na naman ang suot niyang damit. Bago na naman kasi at mukhang bagong paligo na naman siya dahil basa ang buhok niya. At base sa awra niya kanina ay mukhang naka-score na naman ang manyak na ito ngayon dahil ang aliwalas na naman ng pagmumukha, e. Grabe, ilang oras pa lang kaming naghiwalay pero naka-score na agad sa malas na babae. "Wala ka na bang ibang alam na kulay?" Hindi ko mapigilang puna sa kanya. Ayokong mairita pero iyon ang nararamdaman ko sa tuwing mapapansin ko ang damit niya. Feeling ko lagi akong nasa lamayan. Nakaka-bad vibes lagi ang JD na 'to. Baka mamaya, lahat ng malas masalo ko pa! "What's wrong with my outfit? Ayos naman, ah?" Tahimik akong napaismid nang marinig ko ang tugon niya. Nagtatanong pa talaga, akala mo nagsusuot ng ibang kulay. "Bakit? Kapag nagsuot ba ako ng ibang kulay, hindi ka na magsusungit sa 'kin? Ngingitian mo na ako? Hmm..?" Nanlalaking mga matang tinignan ko siya nang paikot. Nagpapa-cute pa talaga ang manyak na 'to. Akala naman niya ay mauuto ako. Leche. "Asa ka pa." ismid kong sagot sabay dampot ng phone at bag saka tumayo. Gusto ko munang lumabas para sumagap ng sariwang hangin dahil pakiramdam ko ay naninikip lalo ang dibdib ko dito sa loob. Hindi ako makahinga nang maayos. Dumagdag pa ang papansin na JD na 'to sa problema ko kay Paul. "Claire! Where are you going?" rinig kong tanong niya pero nagtuloy ako sa paglalakad hanggang marating ko ang labas. Lumakad akong papunta sa madilim na bahagi na wala masyadong tao. Huminga ako nang malalim nang maramdaman kong humangin ng malamig. Kahit papano ay gumaan ang dibdib ko matapos ko itong ibuga. "Claire, let's go! Ihatid na kita." Pagod akong lumingon kay JD. "Ang sabi ko—" "Mauna ka na daw umuwi sabi ng kasama mo." Kinunutan ko siya ng noo. "Wala silang sinabi." "Wala nga but Danzel told me. Kasama niya si Yanah at maging ang mga iba niyo pang kasamahan. Sila na daw maghahatid mamaya," tugon naman niya na kahit nahihilo na ako ay nakita ko ang pagngiti niya ng maloko bago yumuko. "Hindi pwede!" sagot ko at akmang babalik ako sa loob upang hanapin sina Yanah pero mahigpit akong hinawakan ni JD sa braso. "C'mon, Claire, hayaan mo na sila. Besides, hindi naman siya bata at saka birthday naman niya ngayon. Ibigay mo na ang gabing ito sa kanya bilang regalo sa kaarawan niya." "Leche, JD! H'wag ninyong igaya si Yanah sa mga babae ninyo, pwede ba?! Hindi siya katulad—" "Katulad ng ano, Claire? Huh?" "Nauuto!" singhal ko sa mukha niya sabay pigsi ng braso ko ngunit biglang umikot ang paningin ko kaya nawalan ako ng balanse at napaupo ako sa bermuda grass. "Bwesit ka talaga!" Pikong sigaw ko sa kanya. Ngunit imbes na tumugon ay yumuko siya at napatili na lang ako nang parang sako niya akong binuhat kaya mas lalo akong nakaramdam ng pagkahilo dahil nalulula ako. "Ano ba, JD! Ibaba mo nga ako, bwesit ka!" sigaw ko sabay hampas sa kanyang likuran. Ngunit hindi man lang ako pinakinggan at nagtuloy lang sa paglalakad kahit maraming tao kaming nadadaanan at sa amin ito nakatingin. Pero ramdam ko ang paghila niya sa laylayan ko banda sa aking pang-upo para takpan ito. "Bakit kasi ganito pa ang suot mo. Gusto mo talagang mabastos, 'no?" rinig ko pang sermon niya. "Sabihin mo lang at ako na ang babastos sayo. Sisilipan lang naman kita at wala akong balak na hipuan ka." dugtong pa niya. "Leche!" sigaw ko at muli ko siyang hinampas sa kanyang likuran. Pero gano'n na lamang ang pagngiwi ko ng walang pagdahan-dahan na ibagsak niya ako sa loob ng kotse matapos niya itong buksan. "Grabe, sa payat mong iyan, ang bigat mo pala?" taka at hingal niyang puna sa akin. "Anong akala mo sa akin, hangin lang ang katawan?" "Nope. Ang laki kasi ng boobs at puwet mo." Ngisi niya nang sa dibdib ko siya nakatingin. "Bastos!" sigaw ko at akmang aabutin ko na sana siya para kalmutin pero bago ko pa magawa iyon ay naisara na niya ang pintuan ng kotse bago umikot sa driver seat. Pagkabukas niya ay lumagapak agad ang kamay ko sa braso niya. "Bakit, totoo naman, ah? Malaki talaga ang dede at puwet mo," sagot niya sabay huli sa kamay kong iisa pa ulit sana ng hampas. Namula ako sa sinabi niya kasabay ng pagwawala ng dibdib ko. Kaya sa halip na pansinin pa ang manyak na ito ay umurong na lang ako sa kabilang side at sa labas ako tumingin. "Kaya hindi mo ako masisisi minsan na tumitig sayo. Lalo't ang hilig mo din sa maigsi at masikip na damit. Bakat na bak–" "Manahimik ka na pwede ba?! Ang manyak mo talaga kahit kailan!" asar kong putol sa kanya at para na akong mapapaso sa tindi ng init ng pisngi ko. Tumawa siya nang malakas kasabay ng pag-andar nang mabilis ng kotse niya na hindi ko alam kung kanya ba ito dahil hindi ko pa siya nakikitang nagdala ng kotse sa bahay. Isang oras lang ang pagitan ay panay ang daldal niya na kahit isa ay wala akong sinagot at mas pinili ko ang magbingi-bingihan para matahimik kami pareho. Hanggang sa tumigil na rin siya at mukhang inakala niyang nakatulog na ako. Kaya nagulat pa ako nang nasa harapan na kami ng bahay kaya agad akong bumaba sa kotse niya pero naka-lock pa ang pinto kaya bumaling ako sa kanya. "Ano?" nandidilat kong tanong. "Wala bang good night kiss?" hirit niya. Nanlaki ang mata ko. "Hindi kita boyfriend kaya bakit ka manghihingi ng good night kiss, aber?" "O, kaya'y thank you kiss na lang." ngisi niya. "Ano ka, sinuswerte? Kahit farewell kiss pa, hindi! Kaya buksan mo 'to!" bara at utos ko sa kanya. "Sungit mo talaga. Ang damot pa. Sa pisngi lang naman." "Kahit sa talampakan pa. Nakakadiri kaya 'yang bibig mo. Kahit sinu-sino na lang ang kahalikan mo. Eww!" Hindi ko mapigilang bulalas dahilan na mapatulala siya sa akin. Kaya kinuha ko ang pagkakataon na iyon para buksan ang pintuan na agad naman bumukas. Lumabas agad ako at sinara ang pinto bago walang paalam na pumasok na sa gate namin diretso sa loob ng bahay hanggang kwarto ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD