Nagpatuloy ako sa paglalakad papuntang sakayan ng jeep at kaagad na sumakay papuntang school na pinapasukan ko. Pagdating ko sa loob ng school ay sa upuan agad ako ni Jamaila nakatingin. Pero wala pa siya kaya dumiretso na ako sa aking upuan. Dahil sa kapeng ininom ko kanina ay hindi ako nakaramdam ng gutom. Marami rin naman akong nakain kagabi kaya naisip kong mamaya na lang kakain. Nilabas ko ulit ang libro para ituloy ang naudlot kong pag-review kagabi.
Lumipas ang segundo at minuto ay nagulat pa ako nang tumunog ang bell para sa unang klase. Kasabay rin ng pagpasok ng professor namin. Kaya si Jamaila ulit ang hinanap ko pero wala pa rin siya at mukhang absent na naman siya ngayong araw na ito. Nagtataka na talaga ako sa kanya dahil ngayon lang din ito nangyari na dalawang magkasunod na araw siyang umabsent na hindi ko alam kung nasaan siya at kung ano ang dahilan niya.
Nagbuntong hininga ako at umayos ng upo nang magsimulang ng mag-lecture si Prof. At gaya ng inaasahan ko, hindi nasayang ang pag-review ko kagabi at ngayong umaga dahil may quiz nga na binigay sa amin si Prof. Maging ang sumunod na klase ay may quiz din kaya hindi ko mapigilan ang tuwa dahil lahat ay nasagutan ko naman.
Sumapit ang breaktime ay tumayo agad ako para pumunta ng canteen dahil ramdam ko na ang pagwawala ng mga alaga ko sa tiyan.
"Ate Feb, isang burger, fries at soft drinks nga po. Thank you." malambing kong suyo sa suki kong tindera.
Tumingin siya sa akin at ngumiti.
"Mag-isa ka yata ngayon, Claire?" Puna niya sa akin.
"Absent po si Maila, Ate," tugon ko bago ko inabot ang bayad at kinuha na rin ang in-order kong pagkain.
"Ah, gano'n ba?" tumatangong sambit niya.
"Opo, Ate." ngiti ko bago tumalikod at umupo sa bakanteng upuan.
Mabilis kong kinain ang pagkain at nang matapos ay bumalik agad ako sa room. Mag-isa lang ako kaya medyo na-bore ako ng kaunti. Si Jamaila at Romnick lang naman kasi ang kasama ko kapag breaktime. Pero wala si Jamaila at hindi ko rin napapansin si Romnick kaya walang dahilan na tumambay pa ako sa canteen.
"Claire, sama ka sa amin mamaya." biglang yaya sa akin ng sino kaya napalingon ako sa kanya.
Si Yanah Monteverde ang nakita ko na naging kaklase noong high school pero hindi na ngayon. Mayaman at spoiled brat kaya medyo ilag ako. Hindi ako masyadong nakikipaglapit sa kanya dahil sa status ng buhay namin. Mabait naman siya sa akin at ni isang beses ay hindi pa kami nagtalo. Nilalayo ko lang talaga ang sarili ko sa mayayaman dahil ayaw kong makarinig ng hindi maganda. Baka kasi mapaaway pa ako at iyon ang pinaka-iniiwasan ko sa lahat dahil ayaw kong ma-disappoint ang mga magulang ko sa akin. Gusto kong malinis akong magtatapos sa school na ito na walang violation.
Pero palakaibigan si Yanah kaya hindi ko rin siya matanggihan minsan kapag kinakausap niya ako. Kaya medyo goodvibes din kami kahit papano.
"Saan?" kunot ang noong tanong ko.
"Clubbing." ngiting-ngiti niyang tugon.
"Ayoko." mabilis kong tanggi na kaagad siyang sumimangot.
"Ang kj mo talaga! It's my birthday and I am inviting you!"
Matulis ang ngusong saad niya na ramdam ko agad ang kanyang pagtatampo.
Nagulat ako nang marinig iyon.
"B-birthday… mo..?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Lalong tumulis ang kanyang nguso nang tumingin sa akin. Tinagpuan niya pa ako ng kilay at bakas talaga na nagtatampo siya sa akin.
"Oo kaya! Kainis ka. Nagbubukas ka pa ba ng social media ko?" simangot niyang sagot.
"Sorry…hindi ko alam, eh… at hindi pa ako nakapagbukas ng socmed ko." nakangiwi kong sabi na irap agad ang ibinalik niya sa akin.
Ngumisi ako dahil nagi-guilty ako.
"Happy birthday…" bati ko sa kanya ngunit lalo lang siyang sumimangot sa akin.
"Happy birthday, Yanah. Sorry talaga, ha… hindi ko kasi talaga alam, eh." apologetic na wika ko.
Bahagya akong nakonsensya nang tumingin sa kanya.
"No. I won't accept that. Gusto kong sumama ka sa akin mamayang gabi." simangot niya pa ring sabi sabay arte ng pagbuga ng hangin.
Gusto kong matawa pero nagpigil ako at baka lalong magtampo sa akin.
"Saan ba?" tanong ko.
"Sa Race Club."
"Race Club?" ulit kong tanong sa kanya.
Hindi ako mahilig gumimik kaya wala akong ideya sa binanggit niyang pangalan ng club. Pero sigurado akong pang-mayaman ang club na iyon dahil mayaman naman siya.
"U-huh! Kaya tatanggapin ko lang ang apology mo kapag sumama ka."
Maang akong napatitig sa kanya nang marinig 'yon.
"Do I have a choice, Yanah?" Nakalabing tanong ko.
"Yes, you have. Say no to me and our friendship will be over." Nakangising hamon niya sa akin.
Mulagat akong tumingin sa kanya dahil wala talaga ako sa mood ngayon maggala. Pero ano nga ba ang magagawa ko? Ayoko siyang magtampo at higit sa lahat, ayokong tapusin ang pagkakaibigan namin. Baka isipin niyang ako na nga itong niyaya ay nag-iinarte pa ako. Mahirap na at baka maging isyu pa sa loob ng school.
"Okay. Bigay mo na lang sa 'kin ang ad—"
"No! Sumama ka na sa akin pagkatapos ng klase at ako na ang bahala sa susuotin mo."
Ngisi at kindat niya pa sabay layas sa aking harapan ng wala na naman akong nagawa kung hindi ang tahimik na sundan na lang siya ng tingin papunta sa room nila.
"Yan–" Hindi ko na naituloy nang marinig kong tumunog ang bell.
"Paladesisyon!"
Nasabi ko na lang sa kawalan tahimik na lang din akong pumasok sa silid namin dahil nakita kong papunta na rin ang professor amin.
Lumipas ang maghapon na wala pa rin akong natanggap na balita kay Maila. Maging si Paul ay hindi pa rin nagrereply sa mga message ko. Nagtataka na talaga ako dahil ngayon lang talaga ito nangyari.
Pagkatapos ng huling klase ay nakaabang na sa akin si Yanah sa labas pa lang ng pintuan. Kaya imbes na magreklamo ay nag-wacky face na lang ako ng sapilitan para hindi sumama ang mood niya. Sagot ko rin 'yon bilang pagsang-ayon na lang sa kanya at siya na ang bahala sa akin. Malaking ngisi agad ang nakita ko sa kanyang mukha nang makalapit ako.
"Let's go, Claire!"
Malaking ngiti na yaya niya sa akin na tahimik akong tumango at sumunod na sa kanya palabas ng gate. Sumakay agad kami sa kotse nila at pinaandar kaagad ito. Subalit napadilat ako nang maisip kong wala akong pamalit na panty kapag maliligo ako. Kaya nilingon ko agad si Yanah nang makita ko ang isang tindahan ng avon.
"Yanah, pwede bang huminto muna tayo? May bibilhin lang ako sa tindahan na 'yan." pakiusap ko nang saktong mag-stop sa traffic light.
Tumanaw siya sa labas bago pumayag.
"Okay. Makakabalik ka naman siguro bago tayo mag-go," ngiti niya sa akin.
"Saglit lang ako, Yanah." Paniniguro ko dahil alam ko naman na matatagalan pa talaga.
Ngumiti siyang tumango sa akin kaya mabilis akong lumabas at tumawid diretso sa tindahan. Panty lang naman ang sadya ko dahil nakakahiyang manghiram at magbalik. Dadamputin ko na sana ang tatluhang panty nang mapatingin ako sa pares na panty at bra. Mukhang latest dahil iyon ang nabasa ko. Kahit mahal ay dinampot ko na dahil nagandahan ako sa design niya at kulay niya na nude. Dinala ko agad ito sa counter at binayaran.
Lumabas agad ako sa tindahan at muling tumawid papunta sa kotse ni Yanah saka sumakay na ulit sa loob. Sakto lang dahil umusad na ulit ang traffic. Sampung minuto lang ay nasa bahay na kami ni Yanah. Panatag ako dahil wala naman ang mga parents niya. Nasa bansang Turkey ang mga ito base sa kwento niya at sa makalawa pa daw uuwi. Babawi na lang daw ang mga ito pagbalik.
Hindi na kami nag-aksaya ng oras at nag-ayos na kami ng aming sarili. At dalawang oras lang ay handa na kaming pumarty sa gabing ito. Mag-alas otso na rin kasi.
Satisfied kong tiningnan ang sarili sa malaking salamin ni Yanah at napapa-wow na lang ako sa itsura ko ngayon. Yayamanin kung titignan.
"Shall we, Claire?" yaya niya kaya napaangat ako ng tingin.
"Let's go, Yanah. Let's enjoy your birthday!" masayang saad ko at sabay na kaming lumabas ng bahay.
Napaisip ako at tama lang naman siguro na mag-enjoy ako ngayon dahil nag-iinit ang ulo ko sa mga problema mula pa kahapon at hanggang ngayon. Lalo na kay Paul na mukhang kinalimutan na yata ako. Hindi ko pa rin kasi siya makontak at hindi ko alam kung humihinga pa ba siya o hindi na. Leche! Kaya magandang bawian ko rin siya. Matapos ko kasing mag-alibi kay Kuya na may pupuntahan akong party ay pinàtày ko ang phone ko sa asar. Kaya kung maalala akong tawagan ni Paul ay sorry na lang siya dahil ako naman ang hindi niya makontak. Nagtatampo ako sa kanya kaya babawian ko siya ngayon.
Bumiyahe agad kami ni Yanah papunta sa sinasabi niyang club. Kulang kalahating oras lang din ay nasa harapan na kami at namangha talaga ako nang bumungad sa akin ang club.
"Race Club…"
Hindi ko mapigilang sambit at sa hindi ko maipaliwanag ay magkahalong kaba at saya ang bumalot sa akin ngayon. I don't know kung bakit pero iyon ang nararamdaman ko. Pangalan at sa labas pa lang ng club ay nakaka-intimidate na nakakakaba.
Ano ba ang mayroon sa loob ng club?
Pang-mayaman kasi talaga at hindi ko mapigilan ang manliit. Bigla akong na-insecure dahil hindi naman ako mayaman. Hindi ako nababagay sa club na ito. Pero pumayag na ako't narito na rin sa harapan ng club kaya aatras pa ba ako?
"Tara, Claire, pasok na tayo. Naroon na raw ang iba sa loob at hinihintay na tayo."
Ngumiti ako at tumango. Ngunit walasa sariling napalingon ako sa kaliwang side at gano'n na lamang ang dilat ko nang mamataan ko sa may di-kalayuan si JD. Malamlam ang ilaw pero hindi ako pwedeng magkamali. Ang bwesit na JD talaga dahil kahit naman kasi medyo malayo ay kilalang-kilala ko siya kahit anino niya! Kabisado ko talaga ang itsura niyang manyakis.
Nagtagpo ang kilay ko nang makitang nakaupo siya sa harapan ng kotse habang walang pakialam na nakikipaghalikan sa babaeng kulang na lang ay maghuhubad na. Ang igsi kasi ng suot na dress na konting tuwad lang ay hello kuyukot na. Labas ang likod at halatang walang suot na bra. Maging si JD ay topless na rin at mukhang balak yata nilang mag-live sa kalsada. Grabe, hindi man lang nahiya sa mga taong narito.
"Napakamanyak talaga ng bwesit na 'to! Kahit saan na lang. Masagasaan sana kayo."
Hindi ko mapigilang bulong dahil sige pa rin sila sa kanilang ginagawa.
"Claire…"
Natigil ako sa paninitig nang marinig ko ang pagtawag ni Yanah sa pangalan ko. Kurap akong napatingin sa kanya at tumango. Ngunit isang sulyap pa ang ibinato ko sa kanila.
"Ma-viral sana kayo ng scandal." bulong ko ulit bago pumasok sa loob ng club.
Nasilaw agad ako nang tumapat ang iba't ibang ilaw sa akin sa loob ng club. Ngunit nagpatuloy lang ako sa pagsunod kay Yanah hanggang sa makarating kami sa table kung saan naghintay ang limang kaibigan niyang katulad niya ay mayaman rin. Batian ang sumunodna nangyari habang ako ay paminsan-minsan na tumatango at sumasakay lang sa tuwing ipakilala ako ni Yanah. Kapag kinakausap rin ako. Pero hindi ko mapigilan ang pasimpleng kumain dahil nagwawala na naman ang mga alaga ko sa tiyan.
Isang oras pa ang lumipas ay medyo lumalakas na ang kwentuhan na may kasamang indakan. Sigaw at tili sa mga pangalan ng mga lalaking miyembro daw ng mismong club para mapansin at lapitan ang table namin. Pero ni isa sa mga nabanggit ay wala akong kilala.
Mga gwapo kaya ang mga pashneyang iyan at gano'n na lang sila kung makatili para mapansin?
"Oh my god! They are coming!"
Kilig na kilig na tili ni Gale na kulang na lang ay magtatalon sa sofa.
Kaya mabilis kong sinundan kung saan sila nakatingin. At hindi ko rin mapigilan ang kiligin nang masilayan ko ang mga lalaking tinitilian nila na miyembro daw ng club. Hot and yummy billionaire sa madaling salita dahil iyon ang tawag ko sa kanila kapag sobrang perfect na.
"Hi, girls! How are you?" bati at makalaglag panty nilang sabay-sabay na ngiti.
"Danzel!"
"Oh my god, Frost!"
"Hi, Kyle!"
Kanya-kanya ring bigkas ng pangalan ang mga kaibigan ni Yanah kasama siya na parang hihimatayin na yata sa sobrang kilig nang yakapin at walang paalam na halikan ang mga ito ng mga lalaki na ikinagulat ko talaga. Dalawang beses akong kumurap nang makitang gumanti rin ng halik ang mga ito na nahigit ko ang aking paghinga. Anyare? Nagayuma… agad-agad?
"Hey!" rinig kong sabat ng kung sino kaya napabaling ako at hinanap siya.
"I've been looking—"
Natigil siya sa pagsasalita at napamulagat ako nang magtagpo ang mga mata namin ng lalaking iyon na walang iba kundi si JD. Ang manyak na walang delikadesang si JD na nakipaghalikan sa labas kanina.
"Hey, cous!" Pansin ng nagngangalang Danzel.
"OMG! JD is here, too!" patili rin na saad ni Mia pero nanatiling sa akin lang ang tingin niya.
"Claire…?"
Sa halip ay gulat niyang bigkas sa pangalan ko at kunot noong tumingin sa akin.
Hindi ako kumibo dahil napapaisip ako sa naririnig ko kay Mia na miyembro ang JD na ito sa mismong club kung saan kami ngayon naroon.
"Alam ba ni Marco na narito ka?" tanong niya ulit na isang warning look agad ang ibinigay ko sa kanya.
Ngunit imbes na tumahimik ay ngumisi siya at dumukwang na lumapit sa aking tainga saka bumulong.
"Okay. I won't tell him, kapalit ng pagluluto mo sa akin ng itlog na kinain mo kagabi."
"Leche!"
Mabilis kong singhal sa kanya nang marinig ang hirit niya pero halos maduling ako ng kulang na lang ay magpalitan kami ng hininga sa sobrang lapit ng bibig namin.